it will never work…

Nung Holy Week ko pa narealize yung bagay na ‘to, pero it seems to be correct naman. May mga bagay talaga na kahit sa una pa lang alam mo nang hindi na talaga gagana, eh pipilitin pa rin nating paganahin sa kahit anong paraan. Simple lang; una, may maganda itong magagawa sa’tin, kumbaga eh makikinabang tayo ng husto. Ikalawa, manghihinayang tayo pag di natin sinubukan, which is natural lang sa’tin. Ikatlo, kasi ayaw mong mawala na lang yung bagay na ‘yun sa’yo kaya gagawin mo lahat para gumana pa ang bagay na ‘yun. May mga ilang tao naman na tila ayaw magsayang ng oras at sa oras na di na agad gumana ang isang bagay sa unang pagkakataon, papalitan na nila ito. Praktikal kung oras ang pag-uusapan, pero sa ibang bagay, kayo nang humusga, hoho.

We can’t please everyone, kahit naman sakin eh may mga taong naiinis. Sometimes I ask them kung ano ba ang nagawa ko, ‘yung iba open naman about that, which is I like, pero yung iba akala di ako seryoso so wala na lang silang pakialam. Eh ganun talaga eh, can’t do anything about that.  Meron akong kaibigan na I thought close ko talaga, and I knew that she’s also feeling the same, na close kami. And according to her, we became closer after ng 4 month-ish misunderstanding namin.  After that though, everything  was ruined, of course it’s me again, ako naman palagi eh.  I know na ganun ang mangyayari, pero still, it ended up the way I should’ve not wanted.  Sinabi ko sa karamihan na di ko naman ginusto yun, sino bang may gusto yun.  Pero nangyari na ang lahat, at dapat matapos na itong kaguluhang ‘to. Naglolokohan na lang kami eh, so wag na lang.  Sa totoo lang di ko pa sinasabi sa kanya na itigil na lang natin ‘to kasi di naman na gumagana, tamad na akong magpaintindi, nakakapagod na kasi.  Akala ko naiintindihan niya, pero nagkamali ako.  I was blinded, at hindi na ako magpapabulag pang muli.  Sa ngayon, stranger na siya para sakin, kinakausp lang naman niya ako pag may kailangan siya at dun lang naman din ako nagre-respond.  Ayoko na maging close sa kanya, hindi na talaga aayon sa tama ang lahat.  Things will never be the same again.

Bilang na lang din ang mga araw na makikita niya ako, siguro hanggang ngayong taon na lang.  Desisyon ko naman ‘to, dapat niyang irespeto.  Papunta na tayo sa mas matiwasay na buhay, at alam kung dun ako magiging masaya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: