the transition: remembering 2012

Natapos na ang 2012, at di nagunaw ang mundo, haha, bleh :p

Magbalik-tanaw tayo sa mga kaganapan sa aking buhay sa nakalipas na taon…

***I do not own ALL pictures used in this post***

january – first job

*Ang bilis ng panahon. Isang taon na pala akong nagtatrabaho, haha. It’s actually my first job and OK naman siya sakin, haha. Maraming struggles at adjusments since aminado akong hindi pa ako handa sa papasukin kong bagong mundo. Pero kahit papaano eh na-survive ko yung unang taon ko sa working force, haha. Ito rin yung buwan na bumili ako ng cellphone gamit yung una kong sweldo, at buhay pa yung phone ko ngayon, haha.

february – renewed friendship

*Ito yung buwan na nagkaayos kami ng isang taong naging mahalaga sakin nung 2011. Pero inabot na ng 2012 yung isyu dahil sa ginawa ko pang kumplikado yung mga bagay-bagay, haha. Aaminin ko naman na ako talaga yung may kasalanan. Pero ilalabas ko na rin ang saloobin ko tungkol sa isyu na ‘to. Nagulat kasi talaga ako na ganun na lang naayos ang lahat. Masaya naman ako, pero may mga bagay pa rin na sana nilinaw muna. Pero nirerespeto ko naman yung desisyon niyang iyon. Medyo matagal na nga kaming di nagkakausap eh, haha.

march – birthday bash

*Yung katangi-tangi kong blog post last year eh tungkol sa birthday ko. Nagpablow-out ako at for the first time eh ako yung gumastos, haha. Ganun pala yung pakiramdam ng gumastos para sa birthday, haha. Nilibre ko rin yung ilan sa mga officemates ko nung nalaman nilang birthday ko, yung iba kasi sa kanila hindi alam eh, haha.

april – dual polarity

*This month, nag-research ako tungkol sa bipolar disorder. Naghanap ako ng mga documentaries related sa mental illness na yan. Di ko rin alam, pero feeling ko depressed ako nung mga panahong iyan, haha. Marami rin akong mga natutunan na mga factors na nakakaapekto sa mood ng isang tao. Pakiramdam ko na nga eh magiging psychology na ako, haha.

may – 1st summer getaway

*Medyo memorable ang first summer getaway ko sa work, unang out of town ko kasi na walang kasamang relatives tapos overnight pa, at libre pa, haha. I just enjoyed the place and the activities, lalo na yung Backstreet Boys performance namin, haha.

june – reliving the football dream

*This month, bumili ako ng football. Hindi dahil gusto ko lang, pero para matuto ng football, haha. Nung high school ako, nangarap akong maging striker sa football. Naglalaro pa kami nun sa classroom gamit ang bunot at binilog na papel, haha. Pero badminton ang larong tinuloy ko nun dahil nga kulang ako sa resources sa football. Kaya ayun, nung medyo nakakaluwag na, bumili na ako ng bola, haha.

july – korean class

*Nag-post ang isa kong friend sa FB tungkol sa free Korean class under ng isang Korean org. Kung di niyo po alam eh medyo fan po ako ng K-Pop at mangilan-ngilang Korean dramas, haha. Marunong na akong magbasa at magsulat ng Hangeul. Marami akong natutunan lalo na sa sentence construction. Di ko nga lang natapos dahil naging busy na rin ang weekends ko.

august – first keeper game

*I started practicing football and not being a striker, but the goalkeeper. Naisip ko kasi na mas challenging ang role ng keeper of the goal kaya ako na ang nag-volunteer. Mahirap ang role ko sa team. Aware din ako sa risks, like injuries, own goals, mistakes in decision making at marami pang iba. Pero lahat yun, inisip ko na lang na challenge para mag-improve pa ang game ko. Masaya ang maka-save ng penalties at mga shots na halos sa mukha ko na tumama, reflex actions ang lamang ko kaya ginusto ko maging goalkeeper. Although I still want to play other roles as well, haha.

september – runners up

*Eh naglalaro na din lang ako ng football, why not join a competition? Haha. Unang sabak ko as the goalkeeper of our team. Bale composed of my officemates ang team namin, at ang competition ay across other offices ng company namin. Masaya ang experience sa una naming sabak sa football tournament, at partida dahil halos lahat kami eh beginners. Haha. Medyo may halong swerte at tiyaga na rin ang naging resulta ng laban namin. Kahit di kami nag-champion, ayos lang dahil napatunayan namin na posible pala kaming makaabot sa finals.

october – health challenges

*Kung hindi ako nagkakamali, ito yung buwan kung saan ako unang nagkasakit sa buong taon! Hahaha. Di ko rin alam kung dahil sa biglaang crash diet ‘to or what eh. Pero isa lang ang ibig sabihin nun, may mali na akong ginagawa sa katawan ko. Warning na rin siya na nagkakasakit rin pala ako, dahil never naman akong uma-absent nun sa school dahil sa sakit. Naging challenge sakin ang pag-aalaga sa sarili ko kaya naman natuto na ako na wag biglain ang pagbabawas ng timbang, haha.

november – trick or treat

*Di ko alam na magpa-participate pala ang office namin sa isang trick or treat event, sa totoo lang eh yun yung una kong pagkakataon na maranasan ang haloween event na iyon. Ang role ko ay isang hunchback (maarteng kuba, haha) at sinubukan kong manakot sa mga bata. Kaso may mga umiiyak na kaya tinignan ko na lang sila habang namimigay ako ng candy, haha.

december – party for a cause

*Isa rin sa mga first experiences ko ang mag-participate sa Christmas party sa isang orphanage, and it’s a heart-warming experience. Medyo na-overwhelm lang ako sa dami ng mga bata, haha. Feeling ko kasi, calling ko ang psychology and plan ko mag-aral ng child psychology so dapat sinasanay ko na ang sarili ko sa mga bata. Minsan kasi hindi ako nakikipag-interact sa kanila. Rather, inoobserbahan ko sila sa kanilang ginagawa. At nung araw na yun, dahil sa nga dami ng mga bata, eh di ko na sila naobserbahan, haha. Di ko nakita yung nabunot kong bibigyan ko dapat ng regalo, pero sana makatulong yun sa kanya.

***

One word to describe 2012?

*adjustments

 

Resolutions for 2013?

*Wala, ay meron pala, haha. Bawasan ang unnecessary na gastos at kumain sa tamang oras, haha.

 

Plans for 2013?

*Gumawa ako ng bucketlist at sana matupad ko yung 80% dun, haha. Pero simple lang ang gusto ko for this year: I want to do things with the persons I want to be with. By this year, hopefully, magawa ko yung mga ayon sa gusto ko para masabi ko naman may na-achieve ako ngayong taon.

 

>>> HAPPY THREE KINGS! :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: