injuries…

kung akala ng iba eh puso ko lang ang injured, nagkakamali sila… bwahaha…

medyo sporty kasi ako at sobrang gaslaw kumilos. mabilis akong maglakad na parang tumatakbo na at mabilis din ang reactions ko kapag kumikilos. may mga pagkakataong sa sobrang bilis ng reactions ko eh nabibigla ang mga muscles ko sa binti kaya minsan ay strained sila or worse, injured.

 

I sprained my right ankle last May 2010 during a basketball game. may natapakan akong paa (malamang hindi ko paa yun, haha) at nag-fold yung right ankle ko. at that time, parang di naman masyadong masakit, although I felt na parang may napunit. nakaupo ako for about 20 minutes after that dahil hindi ko alam ang gagawin. walang ice na available kaya ice-water (ice na water pa, ansabe, haha) na lang ang ginawa kong pang-cold compress. then I tried to walk back home (walking distance lang yung court sa bahay namin) at dun ko lang naramdaman ang pain. it was difficult for my right ankle to support my weight kaya iika-ika akong naglakad pauwi. after 3 days, kinailangan ko nang umalis ng bahay dahil enrolment na namin nun. umalis ako nang nakabenda ang right ankle ko, at that time eh kaya ko nang maglakad. bumili rin ako ng ice bag na pwede ang hot water at nag-hot compress ako for some time. nakapaglaro pa nga ako sa isang badminton tournament nang may iniindang injury. after the game though, wala akong naramdamang kahit anong sakit. hindi ko alam kung ano na ba ang lagay right ankle ko sa ngayon dahil nakakaramdam pa rin ako ng pain. gusto ko na nga sanang ipa-check ‘to sa mga eksperto pero di ko alam kung san pupunta.

 

last February 2011, I sprained my left ankle naman. almost the same scenario sa right ankle ko. pero this time I stepped on a piece of tree branch (na medyo malaki, around 4cm thick) at natumba ako, haha. naghanap ulet ako ng malamig na tubig at cold compress ulet ang ginawa kong solusyon. as of now, I am having support problems sa left ankle ko. madalas siyang mangawit at ang sakit lalo na pag tumatalon ako. although mas malala ang sitwasyon ng right ankle ko, feeling ko eh halos pareho na sila ng sitwasyon.

 

di rin nakaligtas ang kanang tuhod ko sa injury. hindi ko na matandaan kung kelan, pero minsang sumakay ako ng bus eh tumama yung pinto nito sa kanang tuhod ko. hinahabol ko kasi yung bus para makasakay agad ako, at nung nakapasok na ako eh bigla namang sumara yung pinto kaya tinamaan yung tuhod ko. medyo ininda ko lang kaya parang wala lang, pero masakit talaga siya. until now, I am suffering from a knee injury. hindi ko alam kung dahil ba ‘to dun sa nangyari sa bus or kung saan man. wala na kasi akong maalalang nangyari sa right knee ko kaya masakit siya ngayon.

 

hanggang ngayon, I am still nursing some injuries mentioned above kaya hindi ko malaro yung mga sports na gusto kong laruin like badminton and basketball. pero nakakapaglaro ako ng volleyball for sometime. nagkaroon na rin ako ng injuries sa shoulders at sa thumb ko na talagang nakaapekto sa pang-araw-araw kong pamumuhay, haha.

 

minsan hinahayaan na lang natin ang mga ganitong klaseng injuries. sasabihin natin sa sarili natin na kaya natin ‘to pero baka lalo lang lumala ang sitwasyon and the worse case is, baka di na tayo makapaglaro ng ating paboritong sporting activity.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: