what’s next?

Ako: Naka-move on ka na ba?

Random friend: Oo, ikaw ba?

Ako: Watta question…

Maraming nagtatanong kung naka-move on na raw ba ako. At sa totoo lang, ang hirap sagutin ng tanong na ‘yan. Sabi ko nga sa kanila, hindi ko alam kung nagmo-move on nga ako dahil malalaman mo na lang na nakapag-move on ka na pag alam mong naka-move on ka na. Well malabo, haha. Pero ang ibig ko lang naman sabihin eh parang panaginip, alam mong nanaginip ka pero di mo alam kung paano ka nakarating sa panaginip mong iyon. Kung panaginip nga lang sana ang lahat ng ito, gusto ko nang magising. Ang hirap ng ganitong pakiramdam, yung tipong iisipin mo pa kung anong dapat mong gawin sa isang sitwasyon na ayaw mong mangyari. Tapos kapag nangyari na yun, mananahimik ka na lang, haha. Sabi nila, “jokes are half-meant,” at may mga pagkakataon na may halong pasaring yung mga jokes mo. Sa totoo lang, ayoko ng ganun, pero ang weird kasi parang unconsciously ko siyang sinasabi. Siguro dahil na rin medyo mahilig akong bumanat (i.e. Facebook ka ba? Kasi like kita) at karaniwan eh may halong “based from my own experience” ang mag banat ko. Tinatanong ko nga ang sarili ko at pati na rin ang mga tao sa paligid ko kung nagiging masama na nga ba ako. Nakakakunsensya na rin. Kaya nga ako lumayo para di ko na siya guluhin pa, pero bakit may mga pasaring pa rin akong ginagawa kapag anriyan siya sa paligid ko? Gusto ko nang lumayo, matagal na. Di ko alam kung bakit nagawa ko pang bumalik. Lumayo ako dahil personal ko yung desisyon. Alam kong may mga problema na siyang iniisip at ayoko nang makadagdag pa sa mga problema niya. Ako rin mismo ay may mga problemang hinaharap, at kahit na medyo pareho ang aming sitwasyon, ayoko lang siyang mahirapan. Naging ganun man ang intensyon ng desisyon ko, mukhang hindi ko naman tanggap ang lahat. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung nahihirapan ako ng ganito, nahihirapang tanggapin ang lahat. Nasasaktan pa rin sa tuwing naiisip, nakikita at napag-uusapan ang mga bagay na may kauganayan sa kanya. Yung tipong pag gising sa umaga, siya yung una mong hahanapin at yung mga pagkakataon na may mga bagay kang nakikita at siya ang naaalala mo. Ang hirap ng ganito, sobra. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Mahirap namang ipilit, baka lalo lang akong masaktan. Siguro nga nagkamali ako sa pagpili ng mga bagay-bagay, pero inisip ko lang ang mas nakabubuti. Hindi pa natin makita ang magandang epekto nito sa ngayon, pero balang  araw makikita rin natin yan.

 

I want to be far away…

I should be far away…

I must be far far away…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: