the first step from six months ago…

It has been six months. Nung araw na yun, it was actually a mixed-emotion day turned into a special day. Aside from special talaga yung araw na yun (sabi ng iba), eh may nakakasama rin akong tao na at that time eh special din sakin. That was also the time na may pinagdaraanan din ako na tingin ng iba eh kaya-kayang kong lampasan yun. Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit na-predict ko na hindi magiging maganda ang outcome nun. I told my friend na I really wanted that thing, di nga lang ako ka-confident dahil nga sa mga nangyayari. I made crucial decisions na almost life and death ang consequences and it turned out to be a wrong choice. Hindi ko rin akalain na magagawa ko yun, siguro dahil na rin sa wala akong masandalan nun at lahat ng tao sa paligid ko eh mataas ang expectations kaya di ko rin nasabing nasasaktan at nahihirapan na ako. At hanggang ngayon, ganun pa rin ang nararamdaman ko. It was really a struggle, doing same things, hearing the same things, feeling the same things, oo, nakakasawa na. Tao rin naman ako, di ako perfect. Di rin ako tulad ng iba, may sarili kasi akong personalidad na pakiramdam ng iba eh hindi talaga ako yung taong nakilala nila bilang ako. People change, aminin na natin yun. Pero I want to change the phrase to “People adjust.” Minsan akala lang natin nagbabago lang sila, pero sa totoo lang, they are adjusting, so may rason ng kanilang pagbabago. From the outside perspective, it’s change. Pero palit kayong pwesto, maiisip niyo na adjustment ang ginagawa niya at para sa ikabubuti niya yun. Ewan ko ba na may mga taong hindi nag-iisip sa labas ng kahon, haha. Pero naiintindihan ko naman sila, sana ganun din sila sakin para quits na.

Anyare after? Still struggling, alam kong di pa ako makapag-move on after some time, pero papunta na tayo dun. Sabi ko nag sa isang friend ko, makakarating din tayo dun pero di ko alam kung kailan, but  surely we’ll get there. Sa totoo lang, gusto ko nang magmove-on, but the first thing to do is to let go. Kung may hinawakan tayong bagay na gusto natin, hahawakan natin ‘to ng mahigpit para hindi kumawala di ba? Ngayon kung may aagaw man, lalo nating hihigpitan ang kapit natin para hindi ito maagawa sa’tin. Pero hanggang kelan mo kayang higpitan ang hawak mo sa bagay na yun? Minsan darating din ang araw na mapapagod tayo at maiisip natin kung ano pa bang rason ang maiisip natin para magpatuloy sa paghawak ng bagay na ito. Currently, I am on that situation, thinking of any reasons why should I still hold on, but I ended waking up one morning realizing that it’s too tiresome to continue on these kind of nonsense, haha. Nakakapagod na talaga eh, kaya heto, I am planning to move on. Sinabi ko sa isang friend ko na hindi mo mare-realize na you are moving on, it’s either you are planning to move on or you have moved on, kumbaga, di mo mararamdaman ang present tense ng pagmo-move on. Pero sa totoo lang, nakaka-miss yung ngumingiti ka nang hindi napipilitan. Yung ngiti na alam mong wala kang iniisip na problema. Yung ngiting wagas at galing sa puso, yung pakiramdam na wala nang mabigat sa damdamin mo, yun ang na-miss ko ng ilang buwan. At sa ngayon, unti-unti nang bumabalik ang pakiramdam na yun, hehe.

Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong pumunta ng Korea, maglaro ng poker sa Las Vegas, mag-aral ng Psychology at baking, mag-aral ng pistol shooting, mag-guest sa isang music video ng Girls’ Generation, magpa-picture kay Park Min Young  at marami pang iba. Well sana magawa ko nga lahat ng iyan, pero paisa-isa muna, I must move on one step at a time. May mga pagkakataon na parang minamadali ko ang sarili ko, but I am doing my best to just keep everything at pace, just one step at a time.

PS: About the deal, I am declaring that the deal is now void. Nakapagpaalam na ako, it’s all about you now.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: