the deal…

If this will be the first step, then I will take it, but if it’s not, at least I tried. However, it has been not the case.

Apat na buwan na ang nakalipas mula ng sabihin ko sa taong mahal ko na hindi ko na siya kakausapin, itetext, tatawagan o gagawa ng kahit anong bagay para makipag-communicate sa kanya. Naiirita kasi siya sakin at ayokong nararamdaman niya yun sa akin, kaya tumigil na ako sa pakikipag-usap ko sa kanya. Halos ilang araw lang din ang nakaraan nun nung huli kaming magkita. Namimiss ko ang kanyang mga matatamis na ngiti, ang mga matang ubod ng ganda at ang kanyang boses na parang nanggaling siya sa langit. Sa totoo lang, hindi na dapat kami magkikita. Pero dahil sa kabiguan ko, may mga pagkakataon na nagkikita kami at may mga panahong dapat kaming magkita, pero hindi naman kami required na mag-usap. Mahirap para sakin na humarap sa isang taong binigo mo, at lalo pa kung yung taong yun eh yung mahal mo, dahil kahit papano eh umasa siya (pwede rin namang hindi).  Sa loob ko, masakit para sa akin ang mga nangyari, na hanggang ngayon eh eh medyo nahihirapan pa rin akong tanggapin ang lahat. Hindi ko alam kung alam niya yung side ko, pero ako naman talaga ang may kasalanan kaya nangyari lahat ng ito. Ayoko na rin sana siyang guluhin pero may mga nagsabi sakin na kung wala akong pagsisisihan sa huli, gawin ko dapat yung nararapat, at may mga ilang pahiwatig ukol dun.

Isang gabi, nagkaroon ako ng kakaibang panaginip. Sa isang lugar na alam naming dalawa, nakita niya ako at tinawag. Pinuntuhan ko siya, niyakap, at binulong sa kanyang “<pangalan niya>, I’m sorry, I love you.” Matapos nun ay umalis na ako at tuluyan na siyang iniwan. Ang kakaiba sa panaginip kong iyon eh kinukwento ko ang mga pangyayaring iyon sa panaginip ko habang nangyayari sila. Parang may isa pang panaginip sa panaginip na kong yun. Ikinuwento ko iyon sa aking mga kaibigan at sinabing baka may gusto pa nga akong sabihin sa kanya. Nung una ay sinubukan ko kung papayag siya na mag-usap kami ng personal, pero walang nangyari kaya naisipan ko na lang na sulatan siya. Ikinuwento ko dun ang tungkol sa panaginip ko, ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya, at nagpasalamat na rin ako kahit sa sandaling naging bahagi siya ng buhay ko. Tulad nang sa panaginip ko, iniwan ko na siya. Wala na rin namang dahilan na mag-usap pa kaming dalawa dahil sa DEAL namin: kapag nabigo ako sa dapat kong gawin, hindi na kami mag-uusap kahit kailan. Sinabi ko sa kanyang ituloy niya yun dahil parang pangako rin ang deal na yun. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko makakayanan pang humarap sa kanya kaya iyon ang napagdesisyunan ko. At isa pa, masaya na siya, at ayoko na siyang guluhin, since kaligayahan lang naman niya ang iniisip ko sa simula pa lang.

Wala na siya sa buhay ko, at siguro, maaari na rin nating sabihin na wala na arin ako sa buhay niya. Pero may mga pagkakataon na naiisip ko kung personal kong nasabi lahat ng nasa liham ko, makakayanan ko ba iyon? Ano kaya ang masasabi niya? Sa ngayon, hindi ko alam ang nangyari sa liham, kung nabasa nga ba niya talaga iyon o naitapon o pinabasa sa iba o kung ano man. Sana man lang, naiparating niya sakin yung kahit anong gusto niyang sabihin sakin. Kahit sabihin niya lang na nabasa na niya ang sulat ko o kahit reply na “K” eh matatanggap ko. Pero ayos lang naman kahit wala, at di ko na siya guguluhin tungkol dun. May mga ilang beses na rin kaming nagkita matapos niyang mabasa ang aking liham at napapaisip ako kung galit ba siya sakin dahil sa ginawa kong iyon. Pero kung gayon man, tatanggapin ko na lang na ganun. Wala na rin naman akong magagawa kung dun siya masaya, basta masaya siya, ayos na ako dun.

Hindi ko alam kung saan ako papunta mula dito. Hindi gaya ng iba na hindi natuldukan ang lahat, ngayon eh ako na ang naglagay ng tuldok. Hindi rin ako sigurado kung magtatagal ba ang tuldok na yun o may maglalakas-loob na magbura nun. Hindi ko na rin alam kung saan ako pupunta matapos akong mabigo sa deal, nasaktan din naman ako, pero kasalanan ko ang lahat, and I must pay for it.

Nakakapagod ang paikut-ikot at walang patutunguhan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: