Promises and Changes

Promises are made to be broken, pero hindi lahat. Para sakin, ang promise ay isang goal, kasi gagawin mo rin siya, at karaniwan ay time dependent siya. Nagiging broken ang mga promises kapag syempre, di mo natupad. Bakit nga ba hindi natutupad ang ilan sa mga pangako? Una, tingin ko, yun na nga, time dependent. Nabanggit ko nga na ang pangako ay isa ring goal, at may tinatawag rin tayong short term, midterm at long term goals. Minsan, depende sa haba ng kinakailangang oras para matupad ang pangako, kaya di natutupad ito. Yung mga pangakong panlilibre sa mga kaibigan, pwedeng short term yan. Yung pangakong makakabili ng bagong sapatos, pwedeng midterm yan at yung pangakong makakabili ng bagong kotse, pwedeng long term yan. Yun nga lang, depende rin sa tao ang pag-categorize ng isang goal, kasi baka kaya niya namang bumili ng kotse sa loob ng isang linggo, so pwedeng midterm goal yun para sa iba. Syempre masakit para sa isang taong napangakuan kung hindi matupad ang pangako ng nangako sa kanya. Pero minsan hindi natin sinusubukang ilagay ang mga sarili natin sa tao na nangako sa atin para malaman natin kung bakit nga ba hindi natupad ang kanyang pangako.

We make promises, and so do I. Most of my promises are short term, kasi madaling gawin. Pero may mga pangako rin ako sa sarili ko na long term, at ilan sa mga yun ay hindi ko natutupad. Isang factor na rin siguro ang madali kong pagka-distract sa aking mga ginagawa. Since long term siya, you need to accomplish steps in order to finish the job. At pag na-distract ka sa isang step, mahirap nang makabalik lalo na kung oras ang kalaban. Yes I can get distracted, pero gumagawa ako ng mga ways para maiwasan yun, like doing the job as early as possible. Pero may mga distractions na mahirap labanan, katulad ng emotional distractions. Yung mga tipong pilit kang ibababa ng mga tao sa paligid mo para lang di mo matupad yung pangako mo sa sarili when in fact, maaapektuhan din sila kapag di natupad yugn pangako mo. Depende rin sa tao kung pano niya kayang i-handle ang stress which is another factor kung bakit nadi-distract ang isang tao. Kahit na may mga pagkakataong hindi naman related ang ilang mga bagay sa ginagawa mo, minsan yun pa ang dahilan kaya distracted at stressed ka. Sabi nila, sanayan lang yan, at nagkataong hindi ako sanay sa ganung klaseng stress.

Halos iilang buwan pa lang ang nakalipas matapos kong hindi matupad ang isang pangako, marami na ring nagbago. Hindi ko alam kung dahil na rin sa mga taong ipinapamukha sakin ang kabiguan ko or yung mga taong nagbabanta na gagawin nila ang isang bagay na alam kong di ko magugustuhan kapag di ko natupad ang mga pangakong yun. Hindi lang sila ang naapektuhan, ako rin naman. Masakit para sakin na hindi tuparin ang sarili kong pangako, pero hindi nila naisip na nahirapan din ako sa pagtupad nun. Yun ang problema sa kanila, masyadong perpekto ang tingin nila sakin at akala nila eh hindi ako nagkakamali, at minsan eh konting mali mo lang eh sobra na ang galit nila sa’yo at sasabihing “Akala ko ba matalino ka.” Wala na rin ba akong karapatan para magluksa sa nangyari sa sarili ko? It was really hard for me to deal with, lalo na kung yun yung kasabay mo sa pagkain araw-araw, ang mga sermon at hinanakit na walang kasawa-sawa mong maririnig. I’m trying to move on, but this time it’s on two perspectives (kaya nga yun yung title ng blog ko). Sa totoo lang, kung sa isang perspective lang ako magmo-move on, madali lang yun para sakin. Pero iba ang sitwasyon ngayon, iba dahil I was never in this kind of situation na masyadong emotionally driven para sa mga tao sa paligid ko. Bit by bit, I am moving on, at pinipilit kong binabangon ang sarili ko. Mahirap, dahil masakit pa rin, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na titiisin ang sakit dahil pwede ko namang iwasan yun, and that’s another impossible thing. Pano mo iiwasan ang isang taong makita mo lang eh naaalala mo kung pano ka nabigo? Ang hirap, sobra, at akala ng iba eh ganun kadali yun. Hindi nila maintindihan dahil siguro hindi pa sila nabigo, again, two perspectives, hindi lang pag-ibig ang pinag-uusapan natin dito.

Ilang buwan na lang naman ang kailangan kong tiisin at matutupad na rin ang pangako ko sa sarili ko, at hindi ko na rin makikita ang taong nakapagpapaalala sakin kung paano ako nabigo. Hindi na rin siguro maaayos yun, nasabi ko na rin sa mga kaibigan ko na Masaya na siya at ayoko na siyang guluhin. At isa pa, iba ang sitwasyon ngayon kesa nung isang taon, at naipayo na rin ng kaibigan ko na talikuran ko naman daw ang sakit dahil minsan eh nakakapagod nang humarap. Oo tama siya, pagod na akong masaktan, nakakasawa na ang ganitong pakiramdam. Actually di lang naman sa kanya, pati sa mga taong inakala ko eh magmo-motivate sakin pero sa huli eh ipapamukha sakin na isa akong kabiguan. Sa ngayon, ito lang ang maipapangako ko; gusto kong tumulong sa mga batang ulila para i-build up ang kanilang self-esteem at hindi sila magaya sakin na madaling panghinaan ng loob sa pagharap sa mga problema. Hindi ko alam kung pano ko yun gagawin, pero kung gusto mo talagang matupad ang isang pangako, gagawa ka ng paraan para matupad ito.

Salamat sa mga taong sumuporta at nagbigay sakin ng isa pang pagkakataon. Para naman sa isang taong hindi naniniwala sakin, sana sa pagkakataong ito puro magandang salita naman ang sabihin mo, nakakasawa na yung puro masasakit na salita, at sana isipin mo rin kung bakit minsan eh di kita sinusunod. Di mo alam ang kaya kong gawin, wag kang magpanggap na kilala mo ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: