parallel situation…

last year, it was the same… well, almost…may mga bagay talaga na kahit anong subok natin na ayusin o ipilit na gagana ang isang bagay, may mga pagkakataon talaga na kailangan na nating tanggapin ang katotohanang hindi talaga maaayos ang lahat. pagka-graduate ko ng high school, may mga ilang tao na medyo bahagi ng hindi magandang ending ng high school life ko. yung iba nakipag-ayos naman after graduation, pero yung iba ang hirap hagilapin. mahirap pilitin ang taong ayaw, pero ang nasa isip ko nung mga panahong yun eh sana kahit papaano ay may formality naman ang lahat. naikwento ko sa kaibigan ko yung isang high school batchmate ko na niligawan ko nung 4th year high school pero hindi rin naging maganda ang paghihiwalay namin after graduation. pareho kami ng pinasukang college, pero bihira lang kami magkita. sinubukan ko ring makipag-ayos nugn first year pa kami, pero sinisisi niya ako sa pagkakagalit sa kanya ng kaibigan niya (na wala naman talaga akong kinalaman). nagkita kami after three years, kasi lumipat sa college namin yung high school friend naming dalawa, medyo awkward yugn pagkikita namin, at never na kaming nagkita pagkatapos nun. hindi na kami nakapag-usap ulet by any minsan, kahit sa Facebook eh di kami friends. well, yun na nga, kahit pilit ko na ayusin, sadyang hindi na talaga magwo-workout ang lahat. hindi ko alam kung may factor din ang depth ng relationship kapag may misunderstandings. kadalasan kasi, pag close mo yung mga taong di mo nakakasundo, magkakaayos agad kayo. pero mas masakit masaktan yung mga close friends mo, at minsan matagal bago kayo magkaayos. minsan depende rin sa gravity ng misunderstanding, pag mas masakit, mas matagal. pero dun ako sa depth ng relationship, hindi kasi maganda ang break up namin ng ex-girlfriend (high school classmate) ko at hindi naman talaga matagal yung naging relasyon namin kaya di na rin kami nag-uusap after high school graduation. although nagkita kami after 4 years last year, pero wala eh, medyo awkward,at nag-iba na rin ang lahat. may isang friend naman ako na sinubukang ligawan last year, pero ayaw niya dahil mali daw yun. ang problema, pinilit ko pa ring manligaw, ayun, nakulitan na sakin at di na ako kinausap, friendship over. pero after 6 months ay nagkaayos naman kami, at hanggang ngayon eh OK kami, dahil na rin siguro medyo close kami in a way.

bakit nga ba parallel situations ang title nito?

naisip ko kasi na sa kasalukuyan eh pareho ang sitwasyon ko as of last year. pero may mga factors involved na magsasabing magkaiba yung sitwasyon ko ngayon at yung nangyari nung isang taon. well oo, hindi dahil pareho ang problema eh pareho din ang solusyon. again, may mga factors involved kaya case to case basis pa rin ang solusyon. marami sa mga friends ako ang nagsa-suggest ng mga solusyon, pero ginawa ko na yung dati at di yun nag-work dahil na rin sa personality ko, which is one factor. kaya sa ngayon, ang tanging solusyon ay ang solusyon na ginawa ko three years ago. ang problema lang, again, factor ang time. nagkaayos kami ng isang friend na dati ko ring niligawan, nakulitan sakin at sinabing mas mas maganda kung magkaibigan na lang kami. isang taon kaming di nag-usap pero nagkaayos din pagpasok ng new year (2009). hindi ko alam kung magkakaayusan pa sa sitwasyon ko ngayon, magkikita’t magkikita kami pero hindi madalas, at ilang buwan na lang eh tuluyan na niya akong hindi makikita. kung ganun lang din, eh di sige. sadyang mahirap ipilit ang lahat kung talagang hindi gagana ang lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: