blog gaps…

habang nag-iisip ako ng transition story, bigla akong napatingin sa blog ko at tiningnan yung archives sa left column. napansin ko na may mga gaps sa ibang mga months na nagpo-post ako. so pilit kong inalala lahat ng mga nangyari during my not-so-busy blogging months…let’s check first our latest blog gap which is January 2011. ito yata yung time na nakatunganga lang ako despite yung mga nangyayari during that time. ganun kasi ako pag stressed, di ko ginagawa yung dapat kong gawin, nakatunganga lang minsan, tulog, and busy na rin kami sa acads nun. next blog gap naman is from April-October 2010. sa pagkakatanda ko, broken hearted ako nung April 2010. di ko matandaan exactly kung kelan nawala yun pero mga bandang July 2010 na yata. mas active ako nun sa Facebook kaya kung ano man ang nasa isip ko nun eh diretso sa wall ko. mas marami na rin akong kausap nung mga panahong yan kaya di ko na rin mai-share dito sa blog ko yung ibang mga nasa isip ko. busy rin yata ako nung mga panahong yan sa org. di ko naman matandaan kung bakitwala akong blog post nung December 2009. siguro dahil may “katext” ako nun? haha. feeling ko siya yung kausap ko most of the thime nung Christmas vacation ko last 2009. nung October 2009 eh wala rin akong post, dahil na rin siguro sa sobrang busy ko mga months before that and kailangan kong magpahinga. and yung last gap na August 2007 to February 2008, which is the longest, yan yata yung transition ko from Friendster/Multiply papunta dito sa WordPress. this was my first WordPress post (https://imshattered.wordpress.com/2008/03/22/hello-world/) pero yung sa Friendster eh hindi ko na maalala kung san ko nailipat. yung sa unang Multiply ko naman eh mahirap na ring ma-retrieve kasi binura ko na yung account na yun, hehe. yung mga gaps between 2006 and 2007  eh medyo malalaki kasi sa Friendster ko sila unang pinost. nung mga panahong yan di ako ganun ka-active online kaya wala akong masyadong mai-share.

kapag may ishe-share naman ako eh pinopost ko agad dito. siguro depende na lang talaga kung may oras ako. mahirap din mag-isip ng ipo-post dito eh, hehe. pero sinisigurado ko naman na hindi ako makakapanakit ng damdamin ng iba sa mga pinopost ko dito (bawal ang name drop dito, haha).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: