strengths?

This was an activity para sa final requirement naming a Psych 101 submitted last October 2009. Ang sabi sa instruction eh maglista ng 20 strengths as a person. I will modify my original answers in a way that there will be an assessment of one of my strengths in relation to what has happened and how did I use that strength after more than a year. The phrases in RED are my modifications:

In fairness, mahirap ang listahang ito, haha, but I still came up with these….

20 – easy to get along

*madali naman akong pakisamahan, nakakapag-adjust naman kasi ako sa mga tao, hindi kasi ako approachable but once you’ve approached me, madali na lang ang lahat…

>>> hindi talaga ako approachable, snob ako minsan, haha, pero nakikisama naman ako agad sa mga bagong kakilala ko

19 – humorous

*masayahin akong tao noon pa, and I think being funny is one way to fight depression

>>> sa kabila ng lahat ng dumaan matapos ang mahigit isang taon, di ko pa rin nakakalimutang tumawa… siguro yung ngumiti medyo nakalimutan ko na, wehehe…

18 – caring

*naku, OA ako kapag nag-alala, lalo na nung hindi ko siya makontak nung kasagsagan ng bagyong Ondoy, and kahit sa mga friends ko ganun din ako mag-alala…

>>> lahat ng babaeng nagustuhan ko, sasabihin na OA talaga ako pag nag-alala, it’s still consistent ever since…

17 – sweet

*my blood-sugar level is around normal pero sweet akong tao, namamansin kapag binabati, nanlilibre nang wala sa oras, haha…

>>> sweet pa rin ba ako ngayon? di ko alam eh… hahaha… siguro?!?!

16 – flexible

*depende sa sitwasyon, kung kailangan kong mag-adjust ng behavior or what eh nagagawa ko…

>>> flexibility on certain situations is one strength na feeling ko eh unti-unti nang nagbabago sa ngayon… marami na ring nangyari for more than a year and my flexibility seems to be not there anymore… siguro di ko na-handle ng maayos ang pressure…

15 – resilient

*minsan iniiyakan ko ‘yung mga down moments ko, pero nakakabangon naman ako from there, like kapag nabasted ako, hahaha…

>>> I was pushed way way below recently… di ko alam kung nasa akin pa rin yang strength na yan…

14 – alert

*mas tamang term ata ‘to kesa histrionic, haha, pero being alert is being prepared for certain situations na nangangailangan ng matinding atensyon kapag magiging malaki ang epekto niya sa’tin…

>>> being alert really helped me a lot… pero kung emotionally unstable ka na, I don’t think na makakapag-react ka pa rin ng maayos despite of being alert…

13 – enthusiastic

*I always look for justifications in case na hindi ko talaga maintindihan ‘yung isang bagay, pero kung nakuha ko naman ‘yung thought eh hindi na lang ako magsasalita…

>>> pero may mga bagay talaga na kahit anong intindi mo, kung hindi naman ipapaintindi sa iyo ng maayos eh di mo talaga maiintindihan di ba? well, I still possess that strength until now… I guess…

12 – renunciatory

*wala kasi akong makitang word na magfi-fit sa “a person who can sacrifice” kaya napili ko ‘yang word na ‘yan, and yes, I can give up myself for the benefit of others…

>>> ito ang isa sa mga bagay na nakalimutan ko… di ko alam kung bakit ko yan nakalimutan… or dahil wala akong makitang rason para mag-sacrifice para sa iba…

11 – trustworthy

*you can share secrets with me, ang mechanism ko kasi eh kapag kausap ko ‘yung mga taong kilala ng taong binigyan ako ng sikreto, nare-repress ‘yung sikretong ‘yun kaya nakakalimutan ko siya for a while, haha…

>>> madaldal ako pero pinipili ko yung mga gusto kong i-share, I think I still possess this strength…

10 – analytic

*kung bago para sakin ang problema, iniisip ko muna ‘yung mga posibleng mangyari if I take certain actions, pero kapag usual na sakin ang problema (like love, haha), minsan ginagamit ko pa rin ‘yung pagiging analytic ko or I’ll base my decision from my past experiences…

>>> when emotions get in the way, nagiging biased na ang decisions mo kahit gaano ka pa ka-analytic… yun siguro ang pagkakamali ko lately… I then to overlook everything that’s why I act weird… siguro nga wala na ako nito…

9 – open for everything

*game ako sa lahat, like for example playing new sports, or trying new activities like pagbibilang ng butas ng Skyflakes at bungee jumping, and also exploring other things…

>>> I believe wala na sakin ‘to… may mga bagay pa rin akong itinatago sa sarili ko eh… sa isang tao ko lang nasabi lahat ng yun as of now pero I think hindi niya pa alam yung sitwasyon ko ngayon… I think I’m having doubts now… so siguro hindi nga ako open… half-open I guess?

8 – multi-tasker

*madali kasi akong ma-distract, so minsan dalawang bagay ‘yung ginagawa ko, like kumakain habang nakikipag-flirt or nag-aaral ng dalawang magkaibang subject, hehe, pero usual na ang multitasking sa mga estudyante dahil sa kakulangan sa oras…

>>> it’s still true, madali pa rin akong ma-distract… pero lately eh hindi na maganda yung naidudulot ng mga distractions sa buhay ko… pero honestly di ko alam kung nasa akin pa rin ‘to…

7 – resourceful

*medyo late ko lang natutunang maging resourceful kasi fully dependent pa ako sa parents ko nung bata pa ako, kapag may problema, I always look for resources para naman magkaroon ako ng idea to solve the problem…

>>> pero mahirap din pala maging resourceful kung yung problema eh hindi mo kontrolado… resourceful pa ba ako? hmm…

6 – sporty

*being athletic is one of my strengths because I can run as fast as I can if I am late for my next class, haha, but seriously, if you’re athletic then you have lots of energy to perform certain tasks, and that’s how I used my sportiness in everyday living…

>>> pero kung di ko aalagaan ang katawan ko, mawawalan ng bisa ang pagiging sporty ko… madali na akong mapagod lately at madalas nang inaantok… dapat mag-exercise na ako…

5 – retentive memory

*medyo weird ang pagiging retentive ng memory ko, dahil may mga bagay na super minor ang influence niya sa isang sitwasyon eh naaalala ko pa rin, like ano ang kulay ng damit ng crush ko nung una ko siyang nakita, although it really helps in my studies, pero nasasapawan na minsan nung mga useless na bagay, haha, pero strength ko siya kasi nga, I can remember unusual things that may be useful for others…

>>> naaalala ko pa rin naman yung mga bagay na feeling ko eh irrelevant sa mga dapat eh ginagawa ko, haha… I still have this, di pa naman ako ganun katanda…

4 – imaginative

*mahilig ako magbiro ng mga bagay na malayo sa realidad, like “ui invited kayo sa binyag ng anak naming ni…” haha, pero being imaginative is somewhat relaxing kasi nga lumalayo ka sa mga masasamang elemento ng realidad, and an imaginative person has a wide range of ideas na maaari niyang gamitin in the future, and I think meron ako nun…

>>> sa sobrang imaginative ko eh kahit sa panaginip eh hinahabol ako ng mga taong wala naman dapat sa panaginip ko dahil nasasaktan lang ako… when emotions are mixed with imaginations? they’re deadly…

3 – understanding

*kahit sa sarili ko, iniintindi ko ‘yung mga bagay na feeling ko eh dapat intindihin, or ‘yung mga bagay na acceptable para sakin, ‘yung hindi na kailangang pagtalunan pa, and kung talagang hindi ko maintindihan, I really take time to understand the situation…

>>> pero tao lang ako… minsan umaabot a point na pagod na pagod na akong umintindi… do I still have this? I don’t know… for real…

2 – listener

*just like above, nakikinig ako sa mga reklamo at dahilan ng ibang tao in case nga na hindi ko maintindihan, pero pwede niyo ‘rin akong pagkwentuhan ng mga ilang bagay, and makikinig ako…

>>> nasabi ko sa isang tao na makikinig lang ako kung buong puso mo akong pakikinggan… ayokong magsayang ng oras sa pagpapaliwanag sa isang bagay kung hindi naman ako pakikinggan ng taong kausap ko at kung hindi niya ilalagay ang sarili niya sa sitwasyon ko para mas maunawaan niya ang lahat… I guess nagbago na nga ang pagiging listener ko… I believe na 2-way ang communication…

1 – observant

*of course, before analyzing the problem, you should know what the real problem first, minsan hindi na gumagana ‘yung pagiging enthusiastic ko dahil nakukuha ko na agad ang sagot just by observing…

>>> pero honestly, by mere observing cannot guarantee an effective solution to a problem… lalo na yung mga problema na hindi mo na kontrolado… pero I believe I still have this… although ang isang disadvantage nito eh it uses time…

marami na ring nagbago… yung mga dating strengths mo eh nagiging kahinaan mo na… I guess we really have to adjust well sa mga darating na problema sa buhay natin, kahit gaano pa yan kahirap…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: