my 200th blog post…

Hello new theme!!! By the way, this is my 200th post so I will be talking about how I started blogging. Di ko na rin matandaan kung ano yung reason ko kung bakit ako nag-blog. Naisip ko lang kasi na pwede ko maging outlet ang blog ng aking  thoughts, feelings and insights regarding some issues, kahit hot issue, haha. I had my Friendster account on 2005 and started blogging from there on 2006. Medyo emo yung mga posts ko dun kasi wala talaga akong maisip na mga topics na ipopost. Since magsasara na ang Friendster by the end of May 2011, I decided na ilipat yung ilan sa mga blog posts ko from Friendster to here. Pwede niyo silang mabisita sa 2006 archives. Then nagkaroon ako ng Multiply account and continued posting there. Sa posts ko dun, medyo napag-isipan na yung mga topics and kahit papaano interesting naman siya. Kaso nga lang nabura ko na yung Multiply account ko na yun, although meron na akong bagong account pero mas active ang blogging ko dito. I started posting here on 2008. At that period, active pa (yata) yung old Multiply account ko. Sa blog ko na ‘to, medyo naging open ako sa mga nararamdaman ko tungkol sa mga taong nakakasalamuha ko and sa mga bagay-bagay sa buhay. Ang title page nito dati eh “in the stage of reforming myself” dahil at that time, I thought hindi ko na kilala ang sarili ko. I’ve been doing decisions na consistent na mali. So yung mga starting posts ko dito eh medyo emo at malungkot, haha. then I changed it to “moving on: from infinite perspectives to two” kasi nasa stage ako na kung saan mahirap talaga ang mag-move on. Mahirap mag-move on sa isang bagay, mas mahirap sa dalawa. Kaya siya “from infinite perspective to two”eh dahil gusto kong mag-move on sa dalawang bagay na hindi naging maganda ang kahihinatnan these past few months. Ang blog posts ko naman ay may categories (located at the left column, just in case you’re interested to visit them): flash blog na kung saan ang mga posts ko eh maiikli, parang flash report, hehe; musika kung saan naka-post ang ilan sa mga music videos na gusto ko, hehe; saloobin na kung saan nakalagay yung mga feelings and thoughts ko sa mga bagay-bagay; short stories kung saan naka-post ang original stories na ginawa ko way way back, haha; taff natch na kung saan naka-post ang mga bagay-bagay na naka-rank ayon sa kagustuhan ko, haha; Landmarks on Net-25 na kung saan naka-post ang mga bagay tungkol sa show sa Net-25 na Landmarks (although hindi na ako masyadong nakakapanood kasi busy na ako, hehe) at wula lang na kung saan nakalagay ang mga posts ko na… well… wala lang… haha… gusto ko lang silang i-post… walang pakialamanan ng trip… wahaha… Anyway, in the future, sana makapag-blog pa rin ako pero dahil siguro sa medyo nagkakaedad na tayo (haha) eh baka maging seryoso na yung tone nung mga posts ko, pero malayo pa naman siguro yun, haha. Siguro in the near future baka mag-post na ako ng tungkol sa love life ko (sana mas updated na this time, wahaha) tapos yung mga struggles ko sa job searching at yung mga susunod kong plano sa buhay, wahaha. If you’re a newbie here, baka interesado ka na mag-comment or mag-backread ng mga posts ko dito, di naman ako nangangain, hehe.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: