autobio (as of july 2010)

ito yung autobiography na ginawa ko as of July 2010. marami na ring nagbago kahit sa maikling panahon. feeling ko nga konti lang yung nailagay ko, haha. it’s an exam type suggested by my buddy Zur. so enjoy lang sa pagbabasa and I hope you’ll learn something new from me (sana, haha).

                                                                                         EXAMINATION

GENERAL INSTRUCTIONS: Please use black or blue ink ONLY. <TOTAL POINTS: 120>

I. True or False: Write T if the statement is true, otherwise write F. Justify your answers. (40 pts)

  1. Si Jumel ay may tatlong kapatid, isang lalaki at dalawang babae. F, isang lalaki at isang babae
  2. Ang first choice course ni Jumel para sa UPCAT ay BS Mathematics. F, BS Statistics, nag-shift ako nung 200
  3. Marunong at magaling magluto si Jumel. F, hindi ako marunong magluto
  4. Si Jumel ay may tatlong ex-girlfriends. F, isa lang, haha
  5. Ayaw ni Jumel ng larong golf. T, boring kasi ang golf, hehe
  6. Tinuruan si Jumel ng tatay niya na mag-chopsticks. F, self-study lang ang chopsticks skills ko, pero marunong mag-chopsticks ang tatay ko
  7. Walang nagturo kay Jumel na mag-Rubik’s Cube kasi puro research lang yung mga ginawa niya para matutunang i-solve ang Rubik’s Cube. F, may friend ako na nagturo sakin pero hindi ko maintindihan kaya nag-research ako
  8. Si Jumel ay marunong magsalita ng Ilonggo. F, pero nakakaintindi ako, hehe
  9. Marunong manghula si Jumel sa palad. T, kaso sa lovelife lang ang focus ko, hehe
  10. Pagmamay-ari nila Jumel ang Mallorca Island sa Spain. F, pero Mallorca ang middle name ko
  11. Si Jumel ay may pinsan na half-German. T, may napangasawa kasi yung tita ko na German
  12. Si Jumel ay may diary kung saan dito niya inilalabas ang kanyang mga saloobin ukol sa mga baga-bagay na nangyayari sa buhay niya. F, pero may blog ako at Facebook, dun ko nilalabas, haha
  13. Ang ultimate crush ni Jumel ay isang math major. T, it starts with “L”
  14. Si Jumel ay emo. BONUS! (depende sa definition niyo ng emo, hehe)
  15. Desperadong mananayaw si Jumel. T, hyper lang ako, pero hindi ako dancer, hehe
  16. Ang paboritong ice cream flavor ni Jumel ay Cookies n’ Cream. F, coffee crumble
  17. Si Jumel ay may video sa Facebook na kumakanta siya. F, audio lang, walang video
  18. Ang all-time favorite love song ni Jumel ay “When You Say Nothing At All”. T, nung high school pa ako niyan
  19. Kadalasan, mas gusto ni Jumel na mapag-isa. T, para may peace of mind, hehe
  20. Ang bestfriend ni Jumel ay babae, si Myra. F, Stephanie ang name niya
  21. Hindi marunong lumangoy si Jumel. F, marunong ako pero hindi ako magaling, haha
  22. Ang unang crush ni Jumel ay si Kristine Reyes. T, nung elementary pa ako niyan, Grade 2, haha
  23. Si Jumel ay extrovert. F, introvert
  24. Naghahati ng kwarto sina Jumel at ang kanyang bunsong kapatid. T, pero gusto ko kasi magsolo eh, haha
  25. Ang unang PE ni Jumel sa UP ay badminton under ni Caces. T, awa ng Diyos nakapasa ako, hehe
  26. Wala pang nabibigyan si Jumel ng boquet of flowers. T, maliban sa nagtitipid ako, mahirap ma-reject eh
  27. Parehong tiga-Iloilo ang mga magulang ni Jumel. T, ang alam ko kaya sila pumunta dito sa Manila ay dahil sa work ni ama
  28. Ang pangalan ni Jumel ay pinaghalong pangalan ng kanyang lolo at lola. T, si lola ay Judith, si lolo ay Melecio
  29. Ang blood type ni Jumel ay AB. BONUS! (di ko alam ang blood type ko until now, haha)
  30. Inabot si Jumel ng isang buwan para matutunan ang Korean. F, 5 weeks, ang hirap eh, hehe
  31. Dating stalker si Jumel. T, may isang girl ako na sinundan hanggang sa class niya, pero ngayon hindi na
  32. Meron nang driver’s license si Jumel. T, pero hindi pa ako pinapayagang mag-drive ni ama
  33. Nagsimulang matuto si Jumel ng Poker last year. F, nung May 2010 lang, hehe
  34. Hindi vain si Jumel kaya konti lang ang pics niya sa Facebook. T, konti lang talaga ko sa Facebook
  35. Ayaw ni Jumel na kumain ng isaw. F, favorite ko yun noh, hehe
  36. Madalas manlibre si Jumel pero bihira lang siyang mangutang. T, ayoko kasi ng responsibilidad sa utang, hehe
  37. Nagpalipad si Jumel ng red balloons nung high school siya bilang Valentine present sa nililigawan niya.                 T, muntik na nga akong ma-expel eh, haha
  38. Si Jumel ay may collection ng Rubik’s Cube, mula 2×2 hanggang 7×7. F, 2×2 hanggang 5×5 lang
  39. 12 AM ang pinaka-late na uwi ni Jumel sa buong buhay niya at pinagalitan pa siya noon. T, ganun talaga eh, kahit one-tricycle ride lang yung lugar na yun, haha
  40. Balak magpakasal ni Jumel sa edad na 29. F, si ina lang yung nag-set nun, hehe

 

II.  (Justified) Matching Type (20 pts)

1. Favorite number a. February 19, 2010
2. Unwanted food b. South Korea
3. Favorite food c. Quezon City
4. Height d. Maligaya High School
5. Middle name e. unpredictable
6. Elementary School graduated f. Mallorca
7. Dream vacation g. mechanical engineer
8. Shoe size h. void cube
9. Latest breakup i. MacLaren
10. Favorite Korean expression j. 55 kg
11. Personality description k Mojacko
12. Favorite cartoon character l. Saint Anthony Nova School
13. Happiest Year m. 9
14. High School graduated n. raisins
15. “when I grow up, I want to be a/an…” o. September 17, 2005
16. Recent birthday gift p. wankoseyo
17. Latest heartbreak q. 175 centimeters
18. Weight r. 2005
19. Dream car s. 8
20. Birthplace t. French Fries

1) m, kasi 3+1+5+1+9+8+9=36; 3+6=9 (month + day + year)

2) n, basta ayoko lang ng pasas, hehe

3) t, masarap eh, hehe

4) q, ako ang tallest sa family namin

5) f

6) l

7) b, gusto kong pumunta ng Jeju island, hehe

8 ) s

9) o, 2 months, 3 days

10) p, wala lang, alam na, hehe

11) e, minsan hyper, minsan down, hehe

12) k, cute kasi siya, haha

13) r, marami akong accomplishments nun eh

14) d

15) g, ginaya ko lang yung iba, hehe

16) h

17) a, controversial

18) j, ang taba ko kasi, haha

19) i, yan kasi yung ginagamit ko sa Needs For Speed

20) c, then lumipat kami sa Caloocan City

III. Multiple Choice (10 pts)

1. Kung wala nang pagkain si Jumel maliban sa isa sa ibaba, ano ang kaya niyang kainin ng isang buong linggo bilang almusal, pananghalian at hapunan?

a. French Fries, kasi mabubusog na siya dito

b. Pizza, kasi pwede nang substitute sa isang meal

c. Noodles, kasi mas gusto ni Jumel na mag-chopsticks habang kumakain

ANSWER: a, kasi favorite food ko nga ang French fries kaya kaya kong kumain nun for a month

2. Kapag walang kakilala si Jumel sa isang class, ang ginagawa niya ay:

a. umuupo sa pinakalikurang upuan

b. nakikipagkilala sa katabi

c. wala, tahimik lang

ANSWER: b, para naman may new friends, hehe, tsaka kung absent ako, pwede akong magtanong sa kanya

3. Kung makakita man si Jumel ng multo, ang una niyang gagawin nya:

a. tatakbo at titili

b. iko-confirm kung multo nga siya

c. none of the above

ANSWER: b, baka kasi joke time lang yung multo eh, haha

4. Wala kang internet sa bahay for a week. Anong gagawin ni Jumel sa sitwasyong ganito?

a. lalabas ng bahay at rerenta ng PC

b. magpa-panic

c. A & B

ANSWER: c, feeling ko kasi may Internet Addiction Disorder (IAD) ako, feeling ko lang, hehe

5. Crush ni Jumel si Kwon Yuri ng Girls’ Generation.  Ano ang magiging unang reaksyon niya kapag nakita na niya ito ng personal?

a. magwawala

b. kikiligin

c. starstruck

ANSWER: c, feeling ko kasi mahihiya ako kapag nakita ko siya in person, hehe

6. Alin sa mga ito ang pakikinggan ni Jumel?

a. Drive – Incubus

b. Freak on a Leash – Korn

c. In The End – Linkin Park

ANSWER: c, sa Linkin Park lang kasi ako familiar, hehe

7. Alin sa mga ito ang hindi pinangarap ni Jumel?

a. soldier

b. lawyer

c. doctor

ANSWER: c, pinapangarap kong mag-take ng Law dati, tapos naenganyo naman ako sa rifle shooting kaya pinagarap kong mag-sundalo, haha

8. Pano magulat si Jumel?

a. wala lang, no reaction

b. sumisigaw

c. napapahawak sa dibdib

ANSWER: c, hahaha, ganun talaga ako magulat, mabilis reflexes ko eh, haha

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagawa ni Jumel habang sumasagot ng exam?

a. kinakausap ang sarili

b. sumasayaw sa upuan

c. pinapaikot ang bolpen sa daliri

ANSWER: c, hindi ko kasi kayang gawin yun eh, hehe, kapag hindi ko alam ang sagot, ginagawa ko yung (a); pag tama sagot ko, ginagawa ko yung (b), hehe

10. May dalawang ticket si Jumel sa isang concert.  Sino ang malamang na isasama niya?

a. yung crush niya

b. yung bestfriend niya

c. none of the above

ANSWER: a, syempre, haha ♥

 

IV.  Enumeration (50pts)

i. List 5 favorite non-Korean songs of Jumel.

a) When You Say Nothing At All by Ronan Keating – nung high school, love song, hehe

b) I’ll Be There For You by Bon Jovi – medyo martyr kasi eh, haha

c) Smile by Unlce Kracker – may bigla akong naalala, haha T_T

d) I Need You by Leann Rimes – pag in love, ganun talaga, haha

e) Jeepney by Spongecola – wala lang, kapag may naaalala lang, hehe


ii. List 10 favorite foods of Jumel.

a) French Fries – kasi nga favorite ko siya, hahaha

b) ice cream – matamis, malamig, haha

c) pizza – kasi maraming toppings, hehe, pwede ring meal substitute

d) carbonara – mas masarap siya sa ibang pasta, haha

e) pinakbet – meaty, tapos yung flavor niya, haha

f) cheeseburger – burger siya na may cheese tapos coleslaw, yummy siya, haha

g) dinuguan – kasi meaty, haha

h) cheesecake – tama lang kasi yung balance ng milk at cheese, hehe

i) apple pie – wala lang, masarap siya eh, hehe

j) egg pie – sweet siya, hehe


iii. List 10 things Jumel does when he is depressed.

a) naglalaro ng poker – para mas gumaling ako sa poker, hehe

b) natutulog – stress reliever yun eh, hehe

c) nanonood ng TV – para ma-divert ang attention ko, hehehe

d) sumasayaw ng K-Pop – haha, may videos kasi ako ng mga steps ng ilang K-Pop songs, haha

e) nagtetext – para ma-share ko yung problems ko, hehe

f) kumakain – para ma-divert din ang attention ko, hehe

g) nag-iisip – kung anu-ano lang yung iniisip ko, haha

h) nanonood ng Invincible Youth – show yung ni Yuri funny kasi, hehe

i) sumasagot a Formspring – pero feeling ko mas stressful yun, haha

j) lumalabas ng bahay – naghahanap ng kausap, pahangin, hehe

 

iv. List 5 personal traits that Jumel hates.

a) traitors – masakit yun, swear

b) backstabbers – isa pa yan, mas OK na pinaprangka ako ng harapan

c) non-listeners – dapat kasi 2-way ang communication

d) insensitive – another one, dapat iniiisp rin nila ang ibang tao😐

e) liars – paasa sila, hehe…

 

v. List 10 sports that Jumel can play.

a) badminton – favorite sport ko yan, hehe…

b) basketball – although hindi ako magaling, tall lang, hahaha

c) volleyball – masarap mag-spike, hehehe

d) billiards – nung high school ako natuto

e) bowling – tenpin at duckpin

f) soccer – pero wala akong kilalang soccer players, haha

g) table tennis – may ex-girlfriend influenced me, haha

h) running – jogging lang, haha

i) swimming – pero hindi ako pang-Olympics, haha

j) tennis – pero hindi masyado, haha

 

vi. List 10 things that Jumel wants to accomplish in the near future.

a) go to South Korea – para puntahan ko si Yuri, hahaha, and syempre para naman ma-experience ko ang Korean life

b) learn to cook – di kasi ako marunong, hehe

c) learn to use a gun – kaso takot ako kasi mabilis uminit ang ulo ko

d) to buy my own sports car – syempre pogi points yun, hehe

e) to get married – hindi lahat ng lalaki gustong ikasal, haha

f) learn to speak French – wala lang, pero hindi dahil sa French fries

g) learn photography – wala kasi akong alam na art, haha

h) learn to fly an airplane – masarap lumipad

i) to play real money betting sa poker – haha, puro a Facebook lang ako naglalaro, hehe

j) learn fencing – kasi yung mga steps niya, parang badminton, hehehe

*****END OF EXAMINATION*****

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: