ang nakaraan…

i’m trying to remember yung mga tao (specifically girls, haha) na nagkaroon ng impact sa college life ko. through this blog, sinubukan kong balikan ang mga mapapait ngunit maliligayang sandali ng aking buhay, haha… ang purpose eh para ma-trace ko rin kung pano ko na-handle yung emotional weaknesses ko nung mga panahong iyon.

the list below is based on my blog. so let’s assume na consistent ito sa mga posts ko dito. i am not stating their full names (maawa naman kayo, hehe) but i will assign code names. feeling ko makukuha niyo rin naman eh.


1st sem 06-07 -> jane

>>> siya yung unang campus crush ko. classmate ko siya sa first subject ko nun kaya wala akong absent, haha. siya rin minsan yung kasabay kong kumain after ng class kasi nga wala pa akong masyadong kilala dun. at the end of the year, binigyan ko siya ng gift kahit na di kami nagkikita madalas. feeling ko nasa kanya pa rin yun, at hindi niya tinapon, haha.  after nun nagkakatext kami minsan, we greet each other pag birthdays namin, kasi malapit lang yung birthdays namin. at that time hindi pa sila nung bf niya. around a year nabalitaan ko na lang na sila na pala and a shocking news last year revealed na break na sila. nung mga oras na yun, medyo nawala na yung communication namin. di na rin kasi constant at medyo busy na rin sa kanya-kanyang buhay.


2nd sem 06-07 -> kate middleton

>>> she was a former classmate and later nalaman ko na friend siya ng nakilala ko sa isang subject ko. it’s a small world after all. haha. kalog siya. cute. medyo bangag pag kausap mo. haha. pero ok naman siyang kasama. at the time na nagkakilala kami, kaka-break niya lang sa bf niya. eh nung time na yun medyo nagkakagusto na ako sa kanya. then i decided to let go na lang. at least natutunan ko kung pano tumigil at that time. medyo di na rin kami nag-uusap ngayon.


1st sem 07-08 -> claire

>>> si claire ay naging classmate ko sa tatlong subjects at never nang naulit yun, haha. maganda siya, stunner, haha, makulit, kalog at medyo may pagkaprangka.  isa siya sa mga taong nakilala ko na nagpamulat sakin ng mga sitwasyon na akala natin kumplikado pero simple lang kung titignan mo sa ibang anggulo. di kami nagkaroon ng chance na kilalanin ang isa pero at least may natutunan naman ako sa kanya.


2nd sem 07-08 & 1st sem 08-09 -> kim chew

>>> si kim chew ay isa sa mga friend ko na madalas kong makakwentuhan kasi yung isa sa mga manliligaw niya eh kilala ko. pero ang nangyari, isa rin ako sa mga nagkagusto sa kanya. may mga natutunan naman ako sa kanya. siya yung nagset ng limits, kung ano lang yung dapat kong ginagawa at yung hindi ko dapat ginagawa. actually, yung standards niya yung basehan ko kung kelan sobra na or pwede pa. kaya medyo sensitive ako sa mga ganyan ngayon. kung mali na, dapat tama na. kasi mas mahihirapan lang yung kabilang panig sa huli. isang taon din kaming di nag-usap. hinayaan ko lang na yung oras yung umayos ng lahat. and it went well, naging classmates kami ulit at nabalitaan ko na lang na may bf na siya. haha. at least masaya na siya.


2nd sem 08-09 ->  hannah montana

>>> si hannah montana ay isang heart throb. haha. kras ng bayan yan kaya madami akong kaagaw. haha. yung iba sa mga posts ko dito eh patungkol sa kanya. nung mga panah0ng yun, ang nararamdaman ko nun eh hanggang tingin na lang ako, haha. pero after some time nagkakausap naman kami. minsan chat sa FB. haha. i really like her smile. nakakatunaw. daig ko pa yung ice cream, haha. until dumating ang isang araw, tinanong ako ng friend ko, “oh kamusta na si ano?” ang naisagot ko na lang eh “parang bigla na lang nawala eh, as in parang wala lang.” hindi ko rin alam kung bakit pero nakakasawa rin yata yung ganun, walang improvement eh, haha. at least, kahit medyo late, i took the initiative.


1st sem 09-10 -> elena & capsule

>>> si elena ay friend ng isa sa mga nabanggit ko na sa itaas, kayo nang bahalang maghanap, haha. nung una ko siyang makita, it wasn’t love at first sight pero she’s a person na mukhang makakasundo ko. medyo nahirapan ako na makausap siya for the reason na baka di siya interesado. then came a social networking site at dun medyo nagkakausap kami until may naitanong yata ako na hindi maganda. from then on, sabi niya, natakot na siya sakin at yun na yung huli naming pag-uusap. actually nga, nagkita pa kami sa isang grocery store lately, haha.


>>> si capsule naman ay isang classmate sa isang subject. it was really her smile that captivated me. haha. lately ko lang din nalaman yung interest niya sa isang bagay na nung mga panahong iyon eh nagkakaroon din ako ng interes. it was really coincidental that time na pareho kami ng interes, haha. nung una nagkakatext kung sino yung mga crush niya sa local showbiz, haha, pero lately nawala na rin. nagulat nga rin yung mga classmates ko kung bakit nalipat from first row to second row ng seating. sa second row kasi siya nakaupo, haha. napagalitan pa nga ako one time ng prof ko nun kasi ang ingay daw namin, haha.


2nd sem 09-10 -> princess

>>> si princess naman ay classmate ko sa isang subject. nung unang araw medyo di ako nagkainteres, pero nung pangalawang araw, yun na. it all started when her friend and I were waiting for our class, then she appeared. so bale tatlo na kaming nag-uusap, haha. kumbaga eh naging way yung friend niya para magkakilala kami. so ayun, usap-usap tapos texting, parang wala lang. then January 2010, iba na ‘to sabi ko. naglakas loob ako nung February 19, 2010 at sinabi ko na gusto ko siya. sinabi niya agad na hindi kasi mali daw yun. nung una parang wala lang sakin pero habang tumatagal, may certain cushion effect siya sakin. kumbaga eh unti-unti yung sakit na nadarama ko nung mga panahong iyon, haha. di kami nag-usap nun for around 6 months and after that, ako na rin yung naglakas-loob na makipag-ayos sa kanya. well at least, natutunan ko na hindi ako takot na masaktan. haha.


hindi ko isinama yung sa kasalukuyan, kilala niyo naman sila eh, hehe. honestly, sa lahat ng stress na naramdaman ko na, emotional stress ang pinakamahirap i-deal para sakin. i really don’t know. siguro dahil sa hirap akong kontrolin ang emotions ko. mabilis akong magalit agad na aabot sa point na naibabato ko na yung mga hawak ko. this post is not really a random post but a sense of reviewing what i have done to control my emotions towards others. medyo nahihirapan na kasi ako ngayon. in a span of 4 years, marami na rin ang nagbago but at least, halos lahat ng mga nabanggit ko sa itaas eh friends ko pa rin ngayon, maliban yata sa isa, hehe. :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: