tutu…

my 22nd birthday was not that

ordinary… well, compared last year…

haha…

“paano kung nakita mo na ang isang bagay na matagal mo nang hinahanap pero nung makita mo ito eh nasaktan ka lang at nagpasya kang kalimutan na lang ang hinahanap mo?”

honestly, the last four months of my 21st year was not that good. ay mali, it was really bad. ang daming nangyari, naghalu-halo na sila at nahirapan akong mag-adjust sa ganung sitwasyon. mahina ang kalaban. nagpaapekto ako sa problema, yun lang yung mali ko. actually, na-inspire ako sa isang tao (na nagkalat ng birthday ko, haha, char lang) dahil halos pareho kami ng sitwasyon. matapang siya at naharap niya ang mga pagsubok na iyon. from the bottom of my heart, nagpapasalamat ako sa’yo kasi kahit papaano pinaalala mong binigay sakin ito kasi alam Niyang kakayanin ko ‘to.

sa totoo lang, wala naman akong balak magpahinga nung kaarawan ko. tinapos ko pa nga yung requirement for my thesis ko that morning bago ako nag-spend ng quality time para sa sarili ko. pero sa totoo lang, di ko yata deserve yun. ang dami nang oras na nasayang, apat na buwan din yun. kung tutuusin dapat tapos na ako sa lahat, pero nagpadala ako sa problema.

on the lighter note, salamat sa mga nakaalala (kilala niyo na kung sino kayo), kahit papano hindi ordinaryo ang araw na iyon. at may regalo din ako para sa sarili ko, isa na namang puzzle, haha.

Lord, thank you for another year. naisip ko mang bumigay sa mga pagsubok pero narito ako, handang harapin ang lahat. nawa’y gabayan Niyo po ako sa mga susunod pang taon.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: