4 years of failure…

just days before my horrific birthday, ang daming nangyaring MALI…

i failed to do academic stuff na kapag hindi ko nagawa eh baka maulit na naman ang scenario last sem which I have to crawl back again from the bottom.  grabe lang, sobra lang kasi ang pressure.  tapos may napagbuntungan pa ako ng galit dahil frustrations ko.  ang cruel ko.  ang mean ko.  masama akong tao.  pero ewan ko rin.  hindi naman kasi ako ganito.  if i remember it right, nitong high school lang ako natutong ma-frustrate.  siguro nga nung elementary years, everything was simple back then.  kasi nga sabi ng isang friend ko, life is complicated enough to be more complicated when we are frustrated.  pero frustrated din siguro ako kasi may pagka-perfectionist kong tao.  and being a perfectionist for myself means that i have to satisfy certain criteria to be accepted by someone or a group of people.  another reason maybe is that ayokong i-fail yung mga taong umaasa sakin (assume meron).  lalo na yung mga taong “iba” yung pagkakatingin nila sakin, nakakadagdag sa pressure ko yun.  tao rin lang naman ako, nagkakamali.  though hindi rason yun para ulitin muli ang mga pagkakamali ko.  nagpabaya nga siguro ako sa sarili ko.  nagkaroon ako ng mga desisyon na alam kong ikasisira ko pero itinuloy ko pa rin kasi alam kong dun ako magiging masaya.  hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa isang bangin na napakalalim.  siguro nga masyado kong inisip ang immediate kesa long term happiness ko.  dahil na nga rin siguro sa naging desperado na akong hanapin yun.  yun nga, i’m too dependent on being happy with someone/something.  mali nga siguro yun. i am turning 21, and this big transition from being a happy-go-lucky person to a more mature and responsible person will be the toughest job so far.  pero sana matulungan ako nga mga tao sa paligid ko, and this time, hindi ko na sila pagbubuntungan ng galit…


PS: siguro dapat dagdagan ko na yung resolutions ko…

3 Responses

  1. Kaya mo yan Jumel🙂

  2. sino ka po?

  3. ok lang yan..😀 naalala ko mga kwento mo ng pinagbuntunan mo.. haha.. GOODLUCK! kya mo yan..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: