friday turnaround…

last Friday was one of the emotional days of my life…

bakit? well, it’s actually the first time na nagtanong ako kung pwede manligaw sa isang babae at nalaman ko agad ang sagot on the day itself.  kasi dati, dinadaan ko sa sulat, kasi duwag ako.  I don’t have the courage to say everything to the girl.  though may instances na straight forward ako, yung nangyari nung nakaraang biyernes ay napaka-straight forward na kahit ako eh hindi ko namalayang nasabi ko lahat yun.  syempre rejected na naman, haha, at nasaktan ako.  ang weird lang kasi parang may “cushion effect”  akong naramdaman.  kasi ang tagal mag-sink in sakin na talagang hindi niya ako gusto.  I really got frustrated sa sarili ko nun, probably because naghahanap ako ng pwedeng masisisi.  though kasalanan ko naman lahat ‘to eh.  alam ko na naman at first na wala talaga siyang gusto sakin and friendly at mabait lang talaga siya.  pero ako ‘tong tanga na hinayaan kong mangyari lahat ng ito.  pero ok na ako.  I’m expecting na iiyak ako ng matagal last night, pero hindi yun nangyari.  napigilan ko siya, and I’m proud of it.  mahirap kasi teary eyed na rin ako kagabi, pero naisip ko na lang na maging positive at alam kong matatapos din ‘to.  ang problema ko na lang ngayon eh nag-decide siya na mag-iwasan na lang kami.  in my part masakit yun, di ko kakayanin.  pero napilitan akong pumayag.  na-realize ko na hindi naman kailangan ng space sa aming dalawa.  magkaibigan kami, kahit papano may pinagsamahan at nakapagbahagi na rin ng experiences sa isa’t isa.  nakakapanghinayang na matatapos lang ‘to sa ganito.  kung hindi man mag-work ‘yung naisip ko, then we’ll stick to what we have decided.  mahirap pero sana ma-convince ko siya, medyo nabigla rin ako nung nag-usap kami at hindi ko na control yung outflow ng emotions ko.  sinubukan ko siyang kausapin after naming makapag-desisyon pero hindi siya sumasagot.  gusto nga talaga niya siguro akong iwasan pagkatapos ng mga nasabi ko.  sana magbago pa ang isip niya.  na-realize ko na mahirap biglain ang lahat, at baka magtaka rin yung ibang tao sa paligid namin.  masakit kasi nasaktan ako, pero nasasaktan din siya kasi alam niyang nasaktan niya ako.  siguro nga nasa akin ang problema, at sana matanggap ko na lang ang lahat at makapag-move on…

One Response

  1. […] ko kagabi. medyo mahirap lang huminga talaga, lalo na nung isang Friday last year (refer to this: https://imshattered.wordpress.com/2010/02/20/friday-turnaround/). ayoko namang maging ganito ang hitsura ko pagdating ng panahon, […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: