an open letter to…

gusto ko lang naman maglabas ng sama ng loob, pero ang hirap lang magsimula…

hindi ko alam kung anong nangyari, OK naman tayo nung simula, kwentuhang personal at sa text, although baka nga hindi ka talaga texter at hindi ka na nagrereply sakin. gusto ko lang sana malaman kung may nagawa ba ako nung birthday mo at bigla mo na lang ako hindi kinausap. kung sabagay, eh halos tatlong buwan lang talaga tayo nagkasama bilang classmates. may mga gusto sana akong aminin sa’yo, pero alam kong magagalit ka sakin at lalayuan mo ako kapag ginawa ko yun. hindi ko alam pero mukhang obvious na nga kung gano kita ka-gusto. nag-alala talaga ako ng sobra nung nabalitaan kong bumaha sa lugar niyo. hindi ko alam kung minasama mo yun nung sinabi ko sa’yo na nag-alala nga ako dahil hindi ko rin alam kung sino ang minumura mo at that time: ako ba o yung sitwasyon. pero naintindihan naman kita, hindi dahil sa kung ano mang rason, pero dahil na rin nga siguro sa kalagayan mo nung mga oras na yun. natuwa ako nung nalaman kong maayos naman kayo ng pamilya mo, pero medyo nalungkot lang nung parang hindi mo na-appreciate yung pag-aalala ko sa’yo. pero hindi naman ako nagalit sa’yo nun. as i’ve said, i really understood everything. masungit ka, at sanay ako sa mga ganung tao. pero alam kong mabait ka, at hindi ako nambobola. kung tutuusin nga, sa tatlong buwan na naging magkaklase tayo, nakita ko naman yung kasipagan mo at probably yung summary ng mga good traits mo. sayang at kulang ang oras para mas makilala pa kita. ewan ko pero siguro nga, kung masama ang tao sa’yo ay magiging masama ka rin sa kanya. at siguro nga eh naging masama ako sa’yo. pinipilit ko pa ring isipin ang nagawa ko nung kaarawan mo pero wala talaga akong maalala. siguro nga ang pagiging friendly ko ay nagiging scary na para sa ibang tao, at ganun nga siguro ang naging epekto sa’yo. kung ano man ang nagawa ko sa’yo, sana patawarin mo ako at sana pagbigyan mo ako na makipag-usap sa’yo. sa totoo lang, namimiss ko na ang ngiti mo. pagkatapos kong ipasa ang huling requirement natin sa isang subject, nakaramdam ako ng biglaang kalungkutan dahil alam kong maliit na ang posibilidad na makikita pa kita. sana noon pang unang araw na nakita kita, nung nakita ko ang ngiting pumukaw sa aking atensyon, sana mas nakilala pa kita. may mga iniisip akong gawin para lang mapalapit sa’yo, pero kung mismo ang lalayo, mas mabuti pa na ako na lang ang gagawa ng distansya sa ating dalawa. masakit ang katotohanan sabi nga nila at ang katotohanan rin ika nila ang makakapagpalaya sa atin. pero ngayon ay nagdadalawang-isip ako tungkol sa pag-amin ko sa isang kasalanang sa mata ng iba eh hindi nga tama. tatanggapin ko naman ang desisyon mong balewalain na lang ako kung yun talaga ang gusto mo. wala naman akong magagawa dun dahil alam kong masaya ka. alam kong posible mong mabasa ‘to, pero kung hindi ka man umamin na nabasa mo ‘to, wag ka sanang magulat sa mga aaminin ko sa’yo. wala na akong magagawa kung mag-iba ang tingin mo sakin. wala na akong magagawa kung magalit ka man sakin. wala akong magagawa kung kakalimutan mo na ako. pero ang tangi ko lang magagawa eh ang makita ka lang na masaya…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: