update lang…

ano ba yan, ang tagal ko nang walang update sa blog na ‘to, buhay pa ako guys kaya don’t worry…

what happened last 5 months? well, nakapag-aral ako ng basic Korean writing within 2 weeks, haha, at kailangan kong ipasa lahat ng subjects dahil kung hindi, patay na, haha. medyo nag-seryoso lang ako mag-aral, mababa average ko pero feeling ko may magagawa pa sana ako kung hindi lang ako nagpaapekto sa mga external factors like… wag na! haha… sa lahat ng subjects ko, talagang tumatak ang psychology sakin, well aside from the grade, haha. elective ko siya, at second choice ko siya na kuning elective. with the final requirement para sa subject na yun, kahit papaano eh marunong na akong umintindi ng ibang tao.  yun talaga yung core idea na natutunan ko sa psych.  kasama na rin dun yung better understanding sa sarili ko na never kong nagawa.  i still have problems going on ngayon, like yung equality ng salitang scary at friendly.  sabi ng friend ko, to gain more friends eh ang dapat kong gawin ay maging friendly. eh feeling ko the more na gawin ko yun eh mas lalo lang natatakot sakin yung mga tao.  and ang nasa isip ko ngayon eh i have the capability of hurting others in any way possible. given that, eh sino ba namang hindi matatakot sakin.  well ok, anong point na nag-aral pa ako ng psych, but i’m doing everything naman to revert that thinking.  kung good news naman from my psych experience, meron naman. like yung pagiging cautious ko sa mga sasabihin ko at mga gagawin ko, para hindi na ko maka-panakit pa ng iba. remember my post about bipolar disorder? sinusubukan ko pa ring kontrolin ang mood swings ko, from hyperactive to depressed states and vice versa. mahal daw kasi ang gamut at ayokong gumastos.  may TMJ disorder na nga ako, tapos madadagdagan pa.  so far may mga nakakausap pa naman ako na mga bagong kilala, medyo hindi na rin ako nakakapagparamdam sa iba kasi  alam kong busy sila at baka maistorbo ko lang sila, which is ayokong mangyari. feeling ko kaya natatakot ang iba sakin kasi isa akong malaking abala sa kanila, so hindi na lang ako nakikipag-usap kung hindi naman kailangan. pero minsan kahit may kailangan talaga ako eh naiistorbo ko pa rin sila.  well, i just have to be open-minded and understanding given such circumstances. isa pang problema ko ay ang self-insecurity. kaya ko kasing i-down ang sarili ko sa pinakamababang level na masasaktan ako, because i was never raised with encouragements. sabi nila mayabang ako, pero kino-compensate ko lang yung insecurity ko kaya naging ganun ako.  in short, nagpapapansin. hindi yung nagpapapansin sa babae, pero dahil gusto ko na may kumakausap sakin at yun na nga, pumapansin. dahil na nga rin siguro sa feeling ko na yun kaya ramdam ko minsan na left out ako. but again, i’m trying to change everything, kasi hindi lang naman para sakin ‘to, hahaha. sana lahat ng plano ko for the next 6 months eh ma-accomplish ko, although nahihirapan akong hindi magpaapekto. we live in a world where in we conform to the norms of the society, at alam natin na minsan masakit ang katotohanang yun. it’s difficult to just live with it, but i know we can do something to change it. mahirap na puro idea lang, dapat may aksyon ding kasama. pressured na akong maka-graduate, kaya feeling ko baka maging failure lang ako sa huling tatlong semestre ko. nag-iba na ang lahat kaya ako nag-iisip ng ganito, pero sana everything will be just fine.

 

oh siya, baka sa december or march yung next update ko dahil nag-commit na ako na once a week na lang ako pwedeng mag-access ng internet, so good luck sakin kung magagawa ko siya, but i’ll still watch your comments, hehe…🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: