certified loser…

after four months of training… walang nangyari…ayoko na sanang gumawa ng post-game analysis para sa KaSciyahan 2009 badminton games ko, pero may natutunan naman ako in the end.  unang game, nanalo ako sa first set, and dropped the last two thus losing in three sets.  hnd ko na matandaan yung score pero there are two factors kung bakit ako natalo: una, yung position nung court, nakatapat ako sa isang maliwanag na bagay, nakakasilaw siya kaya hnd ko makita ang shuttlecock at pangalawa, yung drift. yung mass of air na nasa loob ng isang building na may unpredictable direction.  yung results ng isang drift eh misjudgements, yung tipong out na siya, pero you’re playing against the drift so magiging in yung bola. hahaha. second game, nakagawa ako ng record sa pinakamaraming points na nai-score ko sa badminton, though i lost the first set but it ended with the score 26-28.  hinabol ko yun hanggang 20-all. then ayun, palitan ng score hanggang sa magka-error ako sa 26-27, haha.  then yung second set, tambak, i forgot kung anong score.

nung huwebes nagtraining ako, naglaro ako sa kalye.  akala ko nasa kundisyon ako nun.  then kahapon, nagpractice ako sa service.  dun ko na-confirm na wala ako sa kundisyon.  hnd ko mapin-point kung ano yung masakit sa braso ko pero masakit siya.  then yung stamina ko.  though hnd agad ako napagod sa first game ko, pero sa second game lalo na sa second set, hnd na kinaya ng katawan ko.  after that game, iba yung feeling ko sa katawan ko, parang magkakasakit ako, at never ko yun naramdaman nung training days ko.  iisa lang talaga ang ibig sabihin nun, wala sa kundisyon ang katawan ko.

pero kahit papaano may natanggap naman akong papuri kay ate referee na siya rin ang referee last year.  sabi niya, nag-improve ako from last year at ituloy ko daw yun. hahaha. salamat naman kay ate, pero feeling ko kulang pa yung ipinakita ko kanina.

MORAL LESSON: always give you’re best at all times!!!!!

alam kong bumibigay na yung katawan ko kanina pero hindi ko man lang sinubukang lumaban pa.  kahit saang larangan naman yata eh i never give my all, masyado akong complacent.  sinusubukan ko na siyang baguhin ngayon, pero ewan, parang walang nangyayari, ay mali, wala talagang nangyayari.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: