my badminton training…

it has been four months since nagbabalik training ako sa badminton in preparation for the inter-institute tournament…

ipinaayos ko yung badminton racket ko para sa training na ito, naputol kasi yung strings niya, then nagsimula ako sa “pagbabalik” ng aking backyard style of play.

medyo matagal bago ko nakuha ulit ang play ko, around 2 months ata, then gumawa na ako ng training program na specifically designed for mixed doubles, yun kasi ang sasalihan ko.  however i have to do this almost on my own. una, di ko alam kung sino magiging partner ko, siya ba ulit na naka-partner ko last year or ibang nilalang naman.  ikalawa, di kami close nung naka-partner ko last year, haha.

then after two months, nagtrain na ako under my friend, marunong naman siyang maglaro so siya pinili ko (tsaka free naman siya nung summer, hehe).  my training includes weight training, jogging, pati diet ko bantay-sarado, though not all the time, hehe.

then nagbabasa ako ng mga tactics sa net at nanonood sa youtube ng badminton games, para naman may visuals ako ng mga text na nababasa ko.  then napansin ko na medyo bumababa yung performance ko dahil sa racket strings ko. yes, may kinalaman ang strings sa performance ng isang player.so kahit medyo mahal, pinalitan ko ulit ng strings ang raketa ko.  syempre nung una medyo mag-aadjust ka pa , pero nainlove ako sa ganda ng string, hehe.

nung wala pang pasok after summer classes, naglalaro kami sa labas ng bahay namin, with badminton net pa, haha.  pero lately umuulan na nga so medyo di na ako nakakapaglaro.

nagtraining din ako kung pano mag-serve, dahil dito nagsisimula lahat ng rally.  vital ang service kasi gustp mong maka-atake ulit after you have served; at syempre pati ang service reception.

from two basic grips nung high school at early college, pinag-aralan ko yung bagong apat na grips, and use them inerchangibly. crucial ang grip sa pag-execute ng high quality shots.

aside from that, binantayan ko rin ang stamina ko.  nung una tumatagal naman ako ng one game per hour, pero madali na akong mapagod sa mga susunod na laban, which is bad kasi one day lang ang tournament.  so pinag-aralan ko kung pano mapapalakas ang stamina ko, and nagbunga naman siya.

syempre may continuation ang training ko ngayong pasukan, though limited ang oras at sked dahil wala na akong mahugot na pwedeng maging partner ko, yung partner ko kasi nugn summer eh busy na.  sa ngayon, nasa intensive level three na ang training ko, which requires pacing of stamina, meaning built ang training from less exhaustive to more exhaustive.  after two consecutive days of doing that, nakakapagod siya though masaya, hehe.  yung tipong di na kakayanin ng legs mo pero lalaban ka pa rin, iba talaga pag inspired,  hehe.

i assume na within a month na lang ang hihintayin ko bago ang tournament, and ayon sa training program ko eh yung actual tactical positioning na lang ang problema ko sa training na ‘to.  well sana makausap ko yung partner ko two weeks before the tournament.

at sana matuloy ang tournament, ang tagal ng schedule eh, hehe🙂

2 Responses

  1. nadaanan ko lng yung blog moh..
    nakaka-liw ka..
    nkaka agaw interes.. lol
    u seemed to be mysterious..
    i want to know u more..🙂

    • hello po, hehe, salamat sa pagdaan, well medyo natatakot akong isiwalat sa buong mundo ang mga nasa isip ko, pero minsan entertaining namn siya para sa mga friends ko at sa iba na rin, hehe🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: