handbreak of love…

sa tingin ko eh kailangan ko nang hilain ang handbreak

para naman mas makapag-focus na ako sa dapat kong pagtuunan ng pansin

pero hindi naman siya ganun kadali

una, may friction, masakit yun

ikalawa, inertia at jerk, hindi pwedeng hindi ka talaga maapektuhan

ikatlo, risk of injuries, baka mabagok pa ang ulo ko

pero pano kung hinila mo nga ang handbreak for a wrong reason?

pwedeng dahil ayaw mo na

pwedeng dahil masakit na

pwedeng dahil sa iba

yun ang mahirap

pero sabagay, kung wala ka pa namang nasisimulan eh wala ka ring pagsisisihan

lalo na kung alam mong wala nang patutunguhan ang lahat

sana hindi na yun ang huli naming pagkikita

nung una parang tahimik lang siya

pero nang lumaon eh masayahin pala siya

kalog at makulit

at nalaman ko lang lahat sa sandaling panahon

wala talagang love at first sight

pero sa unang pagkikita pa lang namin

naramdaman ko na parang magkakasundo kami

medyo wrong timing ang lahat

dahil may mga kailangan pa akong tapusin

kahit papaano may natutunan din ako

nasa 40% na ako ng paghahanap sa sarili ko

may mga bagay pa akong hindi makontrol minsan

pero nagagawan ko naman ng paraan

sadyang may mga bagay talaga na hindi para sa’yo

sadyang may mga pangyayari talaga na nagiging dahilan ng isa pang mas magandang pangyayari

sana magtagal pa ang nasimulan

kahit abutin pa ng mahabang panahon

handa akong maghintay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: