dreaming of HER…

nope, i’m not taking about the same girl in relation to my poems but a different one…sabi nila masarap ma-inlove, masarap naman talaga ang feeling

pero minsan hindi, depende sa minamahal mo or sa sitwasyon

magulo

akala ko desidido na ako dun sa isa

maghihintay na lang sana ako ng ilang buwan

para gawin yung dapat gawin

pero nag-iba ang lahat

hindi biglaan

na-alarma ako nung una

pero lumalala lang habang nagtatagal

di ko namalayan na parang… err

ang hirap sabihin

mabigat kasi ang nararamdaman ko ngayon

sa tuwing nakikita ko lang siya

oo crush ko siya

pero hanggang dun lang talaga yun dapat

hindi ko alam

pero bigla siyang pumapasok sa isip ko

nitong isang gabi nga eh napanaginipan ko siya

naaalala ko pa nga yung nangyari

may sinasagutan daw kaming dalawa

then all of a sudden naging sweet ako sa kanya

and i put my hands to her cheeks

then sabi ng isang friend niya “oi tignan niyo, ang sweet nilang dalawa, yee”

masaya dapat ako

nakakakilig nga naman yung eksena

kaso kaibigan ko rin yung napanaginipan ko

friends kami, oo

nagkikita minsan, nagkakamustahan

nag-uusap, nagcha-chat

nag-aasaran minsan, ganun lang

walang halong malisya

pero sa bawat pang-aasar ko ata

eh nandun ang dalangin na sana eh mapansin mo naman ako

hai

ang bigat talaga

nakkukunsensya ako

sana nga mawala agad ‘to tulad din nung isa

ayoko na mawalan ng kaibigan

dahil sa… alam niyo na kung ano😦

2 Responses

  1. hmmm. hindi ko alam ang dapat sabihin. sorreh naman.😄

  2. actually ok na ako
    naguluhan lang siguro ako
    tsaka SIYA kasi yung inisip ko bago ako matulog
    kaya siguro napanaginipan ko siya
    hehe
    ok na ako
    aalisin ko na sa equation yung mga dapat i-cancel🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: