UPCAT…

grabe, maganda ang film na ‘to.  medyo “morbid” lang yung mga links pero ganda ng twists ng kwento.  well, tungkol ito sa isang binatilyo na may simpleng pangarap: ang makapasa sa UPCAT.  ngunit maraming balakid ang nakatakda niyang harapin sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.  sabi nga nila, libre lang ang mangarap.  sabi naman sa kwento, hindi libre ang mangarap.  sabi ko naman, libre ang mangarap, ang pagtupad ng pangarap ang may kapalit.  nasa sa’yo yun kung ano ang ipagpapalit mo at kung gaano kahalaga ang pagtupad ng pangarap mo.  inspiring ang kwento, bigla kong naalala ang mga struggle ko before UPCAT (pero may struggle pa rin ako ngayong nakapasa ako).  medyo may lovestory ang pelikulang ito, which makes the story a little romantic pero related pa rin sa UPCAT.  andiyan din ang family pressures about going into college.  at siyempre, ang “transition” stage from high school to college.  may eksena kasi na hindi makapagdesisyon yung bida kung anong course ang kukunin niya sa pagpasok sa UP.  as in parang scratch paper yung application form niya sa dami ng erasures.  naalala ko nun nung hindi ako makapagdecide sa mga courses na kukunin ko.  feeling ko talaga swerte ang lapis na ginamit ko, haha.  galing din sa kwento, nagsimula ang kanilang simpleng pangarap dahil sa lapis.  tama nga naman yung representation nila.  at siyempre, shading of circles.  nakakatuwa yung isang eksena dahil nag-concentrate ang first review sessions nila sa pag-shade lang ng circles.  naisip ko, oo nga naman, time wasting ang shading kaya nagsasanay sila sa mabilisang pag shade, may sense naman kahit papaano, haha.  maganda talaga ang pelikula.  kaya kung gusto niyong manood, ipapalabas ulit siya sa UP Film Institute sa darating na February 24, 2009, 5-7PM (yan lang yung schedule).🙂

8 Responses

  1. may nagkwento neto skn.
    sbe skn sa robinson’s lhan dw pinalabas to.
    an weird
    di ko man lang nabalitaan na may ganito. hehe
    sana nanuod aku
    waa.
    anstupid ko.
    di ko man lang alam kun nkpsa ako o hinde. T_T

  2. excuse me, hmm..
    pasado ka ba sa u.p.?
    maraming erasures yung paper mo, pen ba gamit mo o pencil..?
    uhm.. kainis, may erasures din kasi yung akin. :[

    please reply asap. :] thanks.

    • hello, luckily i passed, hehe
      erasures saan? sa upcat form?
      gumamit muna kasi ako ng pencil tapos finalized by pen
      medyo mahirap lalo na kung madiin ka magsulat sa lapis, mahirap magbura, hehe🙂

      • hmm.. so r u now studying at UP? which UP, btw?
        and hmm.. mahirap ung exams?

  3. the exams are not easy, pero hindi siya mahirap, ang labo di ba, haha
    kung nagreview center ka, advantage mo yun, though walang guarantee yun
    just try answering the multiple choice questions through elimination
    yung tipong aalisin mo na sa choices yung mga kaduda-dudang sagot
    hehe🙂

    • Haha, parang who wants to be a millionaire ang dating.
      Anyways, I didn’t enroll to any review centers. Haay.

      • again, di naman garantisado na makakapasa ka pag nagreview ka sa review centers, so aral pa rin dapat
        if you want to pass, study hard and practice🙂

  4. I see. I see. Thanks. ;D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: