Philosophy of Love (from Bob Ong)…

since love is in the air (eeewww, haha), heto ang nabasa ko from a website about bob ong and love…

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.”

>>> i kinda felt this one, para nga naman walang regrets sa huli


“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

>>> kinda hurts, haha


“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

>>> medyo may mali dito, haha, minsan kailangan mong bitawan ang isang bagay🙂


“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

>>> para sa mga mayayabang, haha :p


“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

>>> yeah, better take the long, yet safe way🙂


“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.”

>>> give and take lang naman yan ng landian, haha :p


“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

>>> totoo yun! haha :p


“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

>>> hmm, tinamaan ako, pero nagparamdam ako na “siya” na ang magkusa


“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

>>> well, it’s just the cycle of love🙂


“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

>>> hmm, at first, bakit mo pa minahal yung una? pero agree ako🙂


“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

>>> got the message! hehehe🙂


“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakal**** ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

>>> honestly, nagkakagusto ako sa mga taong may least number of standard qualities ko, hehe🙂


“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

>>> haha, tamang timing lang yan🙂


“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

>>> yep, just like a song🙂


“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

>>> in 2D oo, pero in nD (where n>2), you have a lot of ways!🙂


“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

>>> tama, sugod lang hanggang magtagumpay, hehe🙂


“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”

>>> perspective lang yan, hehe🙂


“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

>>> scientific explanation of a heartbreak, hahaha :p


“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

>>> so ang pag-ibig ay isang butas, hehe :p


 

4 Responses

  1. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

    nakakainis nmn tong line na to.
    haha.
    aku yata to.
    mrmi n ata ako nsktan.
    bwahaha.
    ang bad. :))

  2. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

    ako din. eto gusto ko. pakshet. haha.

  3. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

    oh gad.. bat ako na tamaan? sh8 naman haha

  4. hmmmmmmm!!!!!!!!! seems so funny!!!!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: