when she meets her stalker…

actually, yan yung title ng isang love story na balak ko gawin, kaya lang, medyo complicated yung plot kaya hindi ko na itinuloy…

ang kwento kasi nun, may isang stalker na hindi inaasahang mai-inlove sa inii-stalk niya.  medyo weird pero magandang kwento sana yun, kung walang masyadong kumplikadong sitwasyon, gusto ko kasi na mas close sa reality yung kwento…

isang napakagandang araw ng miyerkules, maaga ako sa unang klase ko sa araw na yun, at may group activity na kailangang gawin.  late dumating ang mga groupmates ko so sakin nakasalalay ang tagumpay ng activity. pero yung isang grupo ay may problema, sira kasi ang isa sa mga dapat gamitin nila para sa activity, kaya sinabihan sila ng prof ko na maki-share na lang samin ng equipment.  pero wala pa siya sa group nila.  narinig ko na male-late daw siya, hindi naman ako tsismoso, sadyang malakas yung mga boses nila.  tapos dumating na siya, mukha ngang may sakit.  kaharap ko siya, mesa lang ang pagitan.  pati ang aming mga tingin ay napapagitnaan ng mga gagamitin namin sa activity.  hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang inaayos ang aming mga gagamitin.  ang weird, pero parang hindi ako naiilang sa kanya, lalo na nung kinausap ko siya.  siya kasi yung babaeng inii-stalk ko…

hindi talaga yun yung kwentong gagawin ko, pero ang weird dahil it almost happened in real life.  pero ang masama, may bf na siya, syempre stalker nga ako eh, haha.  dapat talaga eh tumigil na ako sa ginagawa ko, pero ang hirap kasi ang galing ko pa rin, hehe.  :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: