my year ender ispeyshal…

since uso na naman ang mga year ender specials (lahat ata ng shows maliban sa mga cartoons eh meron nito, hehehe) eh gumawa na rin ako ng sariling pagbalaik-tanaw sa nagdaang taong 2008… if I would describe 2008 in one word, eto lang – lessons

marami akong natutunan noong 2008, at heto ang summary ng mga iyon:

<opportunity and time> – “ang oras nandiyan lang, ang pagkakataon ang nawawala”

*well, related ang oppurtunity at time, kumbaga, “oppurtunity is a function of time”.  na-realize ko siya nung hindi ko na-beat ang deadline nung paghahanap ko sa sarili ko.  parang new year’s resolution lang din yan, ba’t mo pa hihintayin ang bagong taon para baguhin ang sarili mo kung kaya mo na siyang gawin ngayon, hehehe.  walang oras na nasasayang, pagkakataon ang nasasayang.  lahat ng ginagawa natin eh base sa pagkakataon at oras, hindi ng oras lang.  may sinasabi nga tayong “time will tell…”, pero mas magandang sabihin na “opportunity will tell…”.  lahat ng oras ay pagkakataon, ngunit hindi sa lahat ng oras ay may magandang pagkakataon.  diyan na pumapasok ang salitang “timing”.  karaniwan kasi eh nagkakaroon ng magandang pagkakataon dahil sa tamang timing.  parang sa badminton, kung nagkataon na palobo ang tira eh malamang sa malamang eh tirahin ito sa pamamagitan ng smash.  kumbaga eh “sinasamantala ang magandang pagkakataon”.  “time is gold”, yes totoo yun, habang may oras ka na gawin ang isang bagay eh gawin mo na, pero mas maganda ang “lightning never strikes twice in the same place”, dahil may mga pagkakataon na minsan lang talaga kung dumating sa buhay natin.  kung magawa man ng mga scientists na maibalik ang oras, sigurado akong hindi na nila kayang ibalik ang mga nawalang pagkakataon.  isa rin ang “risking” sa mga pwedeng pag-usapan kung oras at opurtunidad ang pag-uusapan.  when you take risks kasi, you also grab the opportunity.  risks are opportunities but not all opportunities are risks, lalo na kung hindi ka certain sa magiging resulta ng pag-take mo ng risk.  may nakita akong quote sa phone ko na nagsasabing hindi raw nawawala ang opportunity dahil may ibang tao na kumukuha nito.  pero may mga pagkakataon na talagang para sa isang tao lang, kung para sa’ yo lang, sa’ yo lang.  sadyang pag hindi mo lang talaga nagawa sa tamang pagkakataon, maaaring maraming consequences ang maganap.

<friendship building> – “may iba’t ibang klase ng friendship, depende kasi ito kung paano siya binubuo”

*friendships can start with a simple “hi”, with an accidental bump, with falling books, and more.  pero hindi lahat ng friends mo ay talagang friends mo, ang karamihan sa kanila ay acquaintances lang, or mga simpleng kakilala.  sila yung mga taong sinasabi nating “kilala ko siya pero hindi kami close, haha”.  but then again, perspective comes into the picture.  iba-iba ang outlook ng mga tao sa salitang kaibigan at pagkakaibigan.  sa iba kasi, lahat ng kakilala mo eh kaibigan mo at sa iba naman eh hindi.  may mga friends na talagang makikinig sa’yo pag nag-share ka sa kanila, yung iba naman eh todo share sa kwento ng kanilang buhay.  pero kahit ano pa man ang degree ng relasyon mo sa mga taong kilala mo, mapa-friend man o simpleng kakilala lang dahil blockmate mo siya, dapat eh equal pa rin ang pagpapahalaga sa kanila, tao rin naman sila’ t nasasaktan din.  diyan na papasok ang “ ang pagkakaibigan ay hindi parang tissue na pagkatapos mong gamitin ay maaari mo nang itapon”.  most friendships end dahil sa mga simpleng salita, na minsan ay nakakasakit sa iba.  kung maganda kasi ang pundasyon ng pagkakaibigan niyo, dapat eh nagkakaintindihan ang magkaibigan sa mga simpleng salita lang.  kaya nga minsan eh mas magandang manahimik na lang kesa magsalita, para maiwasang makasakit ng iba. 

<self trust> – “…magtiwala ka sa sarili mo, kasi ako may tiwala ako sa’yo…”

*kung may kilala kayong super negative kung mag-isip bago pa man gawin ang isang bagay, isa ako dun sa mga kilala niyo (kung kilala niyo ako, hehehe) sa mga nega kung mag-isip.  yung tipong pagkaisip ko pa lang ng gagawin ko eh naisip ko na rin lahat ng consequences ng mga pwedeng mangyari na para akong nagpa-panic, hahaha.  pero minsan, may mga bagay tayo na nagawa na dati na maaaring hindi na natin kayang gawin, depende sa mga bagay-bagay.  pero ba’t di nga naman natin subukan di ba? defy the odds, push our limits and try with our all best.  lahat naman tayo eh nagkakamali, kahit yung mga profs natin ganun din, kasi hindi sila perfect, tayo rin.  mga tao kasi tayo, ganun yun.  kung hindi man natin magawa eh siguradong may susunod pa naman di ba?  “ba’t hindi mo subukan?” at “nagawa mo na dati, kaya mo rin ulitin yun”, yan yun mga linyang naririnig natin pag medyo alangan tayo na gawin yung isang bagay.  bakit ba mahalaga ang pagtitiwala sa sarili?  hmm, para kasi siyang bwelo.  kahit magkamali tayo, bwelo pa rin siya, syempre dapat tama na yung susunod na gagawin natin.  bwelo, kumbaga eh para lumakas ang loob natin para subukan din ang iba pang mga bagay.  yung quote sa itaas eh narinig ko sa isang volleyball coach, telling his player to spike harder dahil ang hihina ng mga tira niya, hehehe.  minsan, yung mga nakakakita sa’tin ang nakakapansin ng talagang kakayahan natin, kaya nga may mga talent managers eh, hehehe.  wala namang masama kung hindi susubukan, sabi nila yun.  experiment and be not afraid to try new things, hindi palaging iisang bagay lang ang maaari nating gawin sa buhay natin, may salitang change, at yan lang ang constant sa mundo.  basta maniwala ka lang, at yun ang mangyayari.

<maturity> – “maturity is a step-by-step process, it doesn’t come in a package”

*naaalala ko nung nagkakwentuhan kami ng isa kong friend na lalaki na hindi ko naman masyado kakwentuhan dahil bihira lang kami mag-usap ng seryoso, hahaha, ang pinag-usapan kasi naming nung sabay kaming umuwi eh yung tamang age gap ng babae at lalaki na ideal sa isang relationship, ako kasi eh plus-minus 2, meaning pwedeng mas bata sakin or mas matanda sakin ng 2 years, at ang sagot ng friend ko eh katulad din ng sa akin, kaso bigla siyang nalungkot (aww, hahaha) dahil ang isyu sa age gaps ay ang maturity.  ang quoted line sa itaas eh mismong sinabi ko sa friend ko, dahil ang paniniwala niya yata eh pag dumating na ang isang tao sa edad na labing-walo eh mature na agad siya.  maturity also comes with experience.  kumbaga parang yung paa natin, sa una eh manipis lang yung talampakan natin pero habang tumatagal ang paggamit natin dito eh kumakapal na yung talampakan natin, same goes with maturity, we became more mature in every problem we face, whether it is simple or not.  Kung tatanungin niyo ako kung mature na nga ba ako o hindi eh hindi ko yan masasagot dahil again, papasok na naman ang salitang perspective, katulad na nga nung friend ko, ang perspective niya ng mature eh yung nasa tamang edad na dahil ine-expect sila na talagang hinog na sila para sa mga pagsubok ng buhay.

<resiliency> – “there’s no way to go, but to go up”

*madalas marining ang line na yan sa mga coaches na wala pang panalo sa isang liga.  parang yung kasabihan na pag nadapa ka eh wala ka nang ibang maaaring gawin kundi ang bumangon (maliban na lang kung gusto mong magkaroon ng close encounter ang nguso mo at ang nilalakaran mo, hehehe).  function din ng time ang recovery, parang isang simpleng sugat sa ating tuhod pag nadapa tayo.  nung practicals naming nung high school ako, isang maulan na araw yun, ako na yung tatakbo sa covered court, eh open yun so basa yung flooring, pero tumakbo pa rin ako, nakita na ng teacher ko na hindi na talaga maganda yung takbo ko but I still pushed through, hanggang sa nadapa na nga ako.  madulas talaga yung flooring, kaya ayun, hahaha.  andaming taong nakakita nun, embarrassing pero I still stood proud, at least sinubukan ko, hehe.  I got abrasions sa tuhod ko, nothing serious, malayo sa bituka, hahaha.  nangyari rin yan nung sumali ako sa isang inter-department badminton competition ng college ko, hinahabol ko yung shuttlecock pero super late na ako, so para akong nag-pancake sa volleyball, dumulas ako pero to no avail.  naka-score ang kalaban, habang naka-handusay ako sa court, then bangon ulit.  may mga gasgas ako sa tuhod at braso, nag-sorry naman yung kalaban namin, hehehe.  obviously, tumayo agad ako after all, kasi yun lang talaga ang maaari mong gawin after mo madapa.   though again, mahirap sa simula, pero if you have the will, possible lahat ang gusto mo mangyari.

matigas lang talaga ang ulo ko dahil kahit anong pagkatuto ko eh application na lang talaga ang kulang

I can feel na makakabawi talaga ako this coming 2009

sana tayong lahat din eh ganun

maligayang bagong taon!🙂

One Response

  1. ang dami mong realizations! haha! ag haba! sabi sau matutong gumamit ng Enter. chos! api new year!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: