Landmarks Season II: Episode 1

Featured ang CAMANAVA Area sa pilot episode ng ikalawang Season ng Landmarks.  Narito ang highlights:

*ang CAMANAVA ay isang unofficial sub-region ng NCR na binubuo ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela
*tinaguriang “Gateway to the North” ang Valenzuela dahil sa nandito ang mga daan papunta sa Bulacan at iba pang lugar sa hilaga
*dating bahagi ito ng Bulacan, na may dating pangalang “Polo”
*sinasabing ipinangalan ang lugar kay Dr. Pio Valenzuela, isa sa mga kasapi ng KKK
*metalworks ang isa sa mga hanapbuhay dito
*nahahati naman sa dalawa ang Caloocan: ang northern Caloocan na nasa hilaga ng Quezon City at timog ng Bulacan, at ang southern Caloocan na nasa silangan ng Quezon City
*itinuturing na “Cradle of Katipunan” at “Cradle of Revolution” ang Caloocan dahil sa mga naging bahagi nito sa kasaysayan ng ating bansa
*matatagpuan ang Monumento ni Bonifacio sa Caloocan, na siya namang pinagtatagpuan ng apat na major roads: ang EDSA, McArthur Highway papuntang Valenzuela, Samson Road papuntang Malabon at Navotas, at Rizal Avenue Extension papuntang Maynila
*tinatawag ring “Motorcycle City” ang Caloocan dahil dito pumupunta ang mga may nais na bumili ng motorsiklo
*lahat ng bahagi ng Quezon City sa kasalukuyan ay dating bahagi ng Caloocan noon
*tinatawag namang “Marina City” at “Fishing Capital of the Philippines” ang Navotas
*isang island strip na dating bahagi ng Malabon ang Navotas
*ang dating pangalan ng Navotas ay “San Jose de Navotas”
*maaari namang marating ang Malabon mula sa Navotas sa loob ng tatlong minuto sa halagang tatlong piso lamang
*ang ilan sa ikinabubuhay dito ay may kinalaman sa pangingisda
*dating bahagi ito ng Rizal at may dating pangalang “Tambobong Malabon”
*may elevator ang kanilang City Hall na may 11 floors (kasama ang rooftop)
*madalas ang pagbaha sa Malabon, kahit maaraw at lalo na kapag high tide
*makikita rin dito ang Malabon Zoo at ang sikat na Pansit Malabon na may dating pangalang “Pancit Bame(ng)”
*mahirap i-cover ang apat na lugar sa isang episode, kaya naman nasiyahan ako sa pilot episode na ito ng ikalawang Season ng Landmarks )

>>>>>
hindi nabanggit kung saan nanggaling ang salitang Caloocan, pero ayon sa http://en.wikipedia.org/wiki/Caloocan, galing ito sa salitang Tagalog na kalook-lookan o kaloob-looban )

2 Responses

  1. bakit wala dito lahat ng mga lugar na hinahanap ko?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: