Landmarks Season I

Narito ang highlights ng unang season ng Landmarks, pagpasensyahan niyo na dahil medyo kulang-kulang ako mag-summarize🙂

Season1: Episode 1: Cubao
*ang ibig sabihin pala ng Cubao ay “lubluban ng kalabaw”
*ok na naman ang pilot episode nila

Season 1: Episode 2: Tomas Morato at Timog Avenue
*medyo ok din yung episode na to, kaso hindi masyadong naka-highlight yung history ng Timog Avenue

Season 1: Episode 3: Intramuros
*nakapunta na ako diyan kaya hindi kataka-taka yung mga nakita ko dun eh nakita ko na rin, well hindi naman lahat, hehehe
*so far. eto ang pinakamagandang episode

Season 1: Episode 4: Binondo
*malapit lang siya sa Intramuros, kaya siguro yun yung sinunod nila, hehehe
*ok din ang episode na to, ganda ng highlights

Season 1: Episode 5: Antipolo
*ang Antipolo ay mula sa “ang tipolo” dahil maraming puno ng tipolo sa lugar na iyon nung araw

Season 1: Episode 6: Marikina
*ang Marikina ay galing sa isang pangalan ng babae na si “Maria Quina”, tapos naging “Mariquina” at naging “Marikina”, nakakatuwa yung show na ‘to, medyo short lang sa info bits

Season 1: Episode 7: Roxas Boulevard
*so far, magandang episode ‘to kasi na-feature ang nasa paligid ng boulevard
*ang Baclaran daw ay galing sa salitang “baklad” o fish pens dahil maraming ganyan daw noon sa Roxas Boulevard
*featured din ang PICC, CCP, Manila Ocean Park, yung floating restaurant sa Manila Bay at Luneta Park

Season 1: Episode 8: Pateros
*maliit lang ang Pateros kaya yung mga delicacies ang halos featured dito
*nanggaling raw sa “pato” ang Pateros, na naging bahagi pa dati ng Taguig, Muntinlupa, at Rizal
*dito famous ang balut, itlog na maalat, at ang itlog na “abnoy”
*ang itlog na “abnoy” ay yung mga itlog ng pato na hindi na pwede maging balut sa puti or penoy
*nakakain pa rin daw ang itlog na “abnoy”; isang luto nito ay ang “bibingkang abnoy”
*halos naging cookshow ang Landmarks nung linggo, hehehe

Season 1: Episode 9: Angono
*ang Angono (pronounced as ang-go-no), ay galing sa salitang “ang nuno”, na siya umanong datu na namamahala sa lugar na iyon bago pa man dumating ang mga Kastila
*ang Angono ay itinuturing na “Art Capital of the Philippines” dahil sa ang mga residente dito ay may hilig sa sining at musika
*kumanta si ate Landmarks dito, kinanta niya yung famous piece ni Lucio San Pedro na “Sa Ugoy ng Duyan” (shet, di ako sure sa title, hehehe)
*na-feature din dito ang Angono Petroglyphs, mga sinaunang drawing na nasa Angono
*so far, the best episode, dahil ipinakita nito kung ano ang meron sa Pilipinas

Season 1: Episode 10: San Juan
*history halos ang half ng show, kaya medyo boring siya, though informative
*23 years old lang si Emilio Jacinto nung namatay siya dahil sa malaria
*maraming rebulto ng ating mga bayani ang makikita sa San Juan
*marami ring parks dito
*andito rin ang sikat na The Arena
*may palengke pala na may escalator,tulad ng sa Agora Public Market
*nag-duet si ate Landmarks at si Pilita Corrales
*shortest episode (around 40 minutes), pero nice )

Season 1: Episode 11: Pasig
*as expected, Pasig River was featured; parang Nile River ng Egypt, may nakatira na sa paligid ng ilog nung unang panahon
*nandun din ang oldest ancestral house sa Pasig, around 162 years nang nakatayo ang “Bahay na Tisa”
*nandito rin ang Rizal High School, na dating may hawak ng record sa Guiness na may pinakamaraming estudyante
*dito naganap ang unang tagumpay ng mga Katipunero sa kanilang pag-aalsa laban sa mga Kastila
*may park din sila dito, na kung saan may zoo at swimming pool
*overall, it was a complete package of history and tourism )

Season 1: Episode 12: Taguig
*akala ko eh eto na yung last episode for the season kasi eto na yung 12th episode, so naka-isang season na sila, pero eto yung 14th sunday mula nung nag-air sila
*hindi man direktang sinabi, ayon sa host (you know who, hehehe) na magaling mag-giik ng palay ang mga Taguig kaya ang tawag sa kanila eh “taga-giik” (again, baka mali ako)
*dito ipinanganak si Gat. Andres Bonifacio at ang nagtatag ng Iglesia ni Cristo na si Felix Manalo
*nandito rin ang Veterans Museum na isang “war museum”, at ang Libingan ng mga Bayani
*may ilog pala sa Taguig (hindi sinabi kung san ito nagmumula pero I believe na sa Pasig River ito galing at magtatapos sa Laguna de Bay)
*syempre, ang The Fort na balak nilang gawing “premier city” ng bansa
*maganda ang episode na ‘to )

Season 1: Episode 13: Parañaque
*little history ang featured dito, bago pa man dumating ang Kastila eh may mga naninirahan na sa Palanyang, ang dating tawag sa Parañaque
*featured din dito ang fresh seafoods na mabibili sa Dampa market
*ang Duty Free ay pinuntahan din nila, mga nag-travel LANG daw ang pwede bumili dun, hahaha
*nandito rin ang main office ng BioResearch, at ang kanilang Pet Hypermart (na parang supermarket ng mga pets, hehehe)
*nasa main office rin ng BioResearch ang 200+ years old na Sampaloc tree
*may pinuntahan din silang handicraft shop na nagbebenta ng iba’t ibang stuff na gawa sa shells
*nandito rin ang Philippine Air Transport and Training Services or PATTS na isang school para sa mga nag-aambisyong maging piloto
*shortest episode so far (a little less than 40 minutes), with just a dash of history, pero ok lang, hehe )

Season 1: Episode 14: Season-Ender I
*di ko napanood lahat, hehehe

Season 1: Episode 15: Season-Ender II
*di ko rin napanood ‘to, hehehe
*mag-abang na lang daw sa mga ginagawang episodes ng Landmarks
*may Landmarks pa rin pero replays na lang sila nung mga dating episodes; they are played in random order

Sana may collection ng season 1 episode ng Landmarks, tsaka sana eh dumami pa ang sponsors nila, hehehe. )

Ongoing na ang Landmarks Season II, so suportahan natin siya gaya ng pagsuporta natin noong Season I.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: