what I did last sembreak(plus 7th enrolment)…

may seatwork agad kami sa math 123.2 (under kay ma’am Roque) at pinasulat samin kung ano ang mga pinaggagagawa namin nung sembreak. 

syempre ako, nagremoval exam, naghintay ng grades sa CRS at nagrubik’s cube (anong bago dun? hahaha).  pero hindi ko sinulat dun na nakikipaglandian ako sa text, hahaha (joke lang yun).  marami rin akong na-realize habang tumitingin sa madilim na langit at nakikinig sa aking mp3 player, like things I could have done better and decisions I have made for improving myself.  weird, pero sadyang ang mga kinikilos natin ay talagang makakaapekto sa hinaharap natin.  basta ang nasa isip ko na lang ngayon eh, kailangan kong bumawi.

martes, ika-apat ng Nobyembre, sinubukan kong kunin ang form 5A ko dahil gusto ko na matapos ang enrolment chorva ko.  ngunit nabigo ako sa unang pagtatangka dahil para sa graduating at freshman students ang araw na yun.  so nakipagkita muna ako sa mga cuber friends ko, at nagpalipas ng oras.  after 3 hours, nagtext sakin ang friend ko at sabi niya eh pwede na raw kunin yung form 5A, pero nung sinubukan namin eh 3PM pa daw pwede (2:30 pa lang nun).  so pumunta muna ako sa Math, palipas ng oras at bigla kong nakita ang reyna ng geometry (according to him/her) at naka-short shorts siya, grabe, hahaha.  then attempt ulit ako (2:59 na kasi, hahaha) then successful naman, muntik pa ako magkaproblema, hahaha). then advising and post advising na ako, tapos the next day assessment, and the next day ulit bayaran.  it took me 2 hours para makapagbayad, hahaha.  daig pa yung pelikula ni james bond sa haaabaaa ng pila.  then pasukan na agad, grabe.  may hangover pa ako.

sana malimutan ko na dapat yung dapat kong kalimutan, mawala na dapat yung mga nasisira ko lang, at gawin na yung nararapat kong gawin. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: