sanib…

WARNING: hindi ‘to horror, hahaha

medyo sinaniban ako ni Mike Enriquez nung nag-report kami para sa second special project namin sa Envi Sci, heto ang script (again, I’m portraying Mike Enriquez)…

      I. MIKE(JUMEL): (habang may hawak na payong sa loob ng classroom) Isang magandang tanghali po sa inyo mga Kapuso!  Narito na naman po tayo sa isang edisyon ng Flash Report.  Tinatayang aabot sa 2,000 mga pamilya ang naapektuhan ng bagyong Migs sa mga nakalipas na araw.  Ibinaba na po lahat ng typhoon signals sa mga nasalanta ng bagyo.  Ang bagyong Migs po ngayon ay kasalukuyang nasa 140kilometro hilagang-kanluran ng Iba, Zambales.  Ilan po sa mga naapektuhan ng bagyong Migs ay ang Camanava area na, as usual po mga Kapuso, eh baha naman.  Kaya narito po ako ngayon sa Malabon para kamustahin ang ilan sa mga residente dito na naapektuhan ng baha, ahm, excuse me po, maaari ko po ba kayong interbyuhin? Gaano po ba kayo kadalas binabaha dito sa lugar ninyo?

KZ: Syempre kung umuulan eh binabaha kami dito, kapag may high tide din eh tumataas ang lebel ng tubig dito sa lugar namin, sanay na rin kaming mga residente dito kapag bumabaha, normal na lang samin yung mga ganitong sitwasyon.

MIKE: Gaano naman po kataas ang inaabot ng lebel ng tubig sa kinalalagyan ninyo?

GERARD: Minsan po hanggang binti lang, swerte na yung malakas ang ulan tapos hanggang tuhod ang baha, pero kung medyo may kalakasan ang ulan, minsan ay hanggang bewang pataas na yung lebel ng tubig, kaya gumagamit na lang kami ng mga improvised na bangka para lang makapunta sa iba’t ibang lugar.

MIKE: Tingin niyo po ba eh masosolusyunan pa ang madalas na pagbaha na nararanasan niyo sa inyong lugar?

ANTHONY: Ilang beses na nga na-delay yang flood control project na pinlano nila eh, sabi nila hindi na raw magbabaha dito sa lugar namin pagsapit ng 2008, eh magpa-Pasko na ngayong 2008 eh wala pa ring solusyon yung pagbaha dito sa amin, kawawa na yung mga pamangkin namin eh hindi na nakakapag-aral ng maayos dahil sa madalas na suspensiyon ng mga klase dahil sa baha.

MIKE: May gusto po ba kayong sabihin sa mga kinauukulan ngayon, makakarating naman ito sa kanila.

ANTHONY: Kung nakikinig po kayo mayor, sana po matulungan niyo na po kami, dahil ilang taon na rin po kaming nagtitiis sa baha, sana ay magawan niyo na ‘to ng paraan.

MIKE: Maraming salamat po.  Panawagan lamang po sa kinauukulan lalo na kay mayor, sana po eh magawan agad ng aksyon ang problema ng inyong mga residente tungkol sa baha dahil kung hindi eh siguradong, hindi namin kayo tatantanan!  Mula po dito sa Malabon ako po si Mike Enriquez, prrroud to be Kapuso!

 

      II. MAYOR LANCE: (may hawak na cellphone) hello, ahm pakisabi na may meeting pa ako mamaya… (pasok yung iba), nandiyan na pala yung mga ka-meeting ko, we’ll talk about it later, salamat.  magandang araw sa inyo, have a seat.  / shall we start the meeting now?  / marami na naman sa mga residente ng aking nasasakupan ang labis na apektado ng baha nung nakaraang bagyo, masyado nang apektado ang kanilang pang-araw-araw na gawin dahil sa baha, bakit ba nagbabaha pa rin dito sa lugar namin? do you have an explanation for that?

DPWH1(KZ): (explain that Camanava is a low lying area, bahala na kayo magpahaba, hehehe)

MAYOR LANCE: hmm, so dapat nasolusyunan na yan ng mga dating naging mayor, katulad ng paglalagay ng flood pumps, pero bakit baha pa rin?

DPWH2(Anthony): sad to say sir pero malaking problema talaga yung waste management dito sa lugar niyo, that’s why ineffective ang flood pumps, nagbabara kasi ang basura sa mga pumps kaya hindi mai-transfer yung tubig baha sa Manila Bay, bumabara rin ang basura sa drainage system ng lungsod so talagang mahihirapan ang flood pumps na gawin ang pagbabawas sa tubig baha.

MAYOR LANCE: basura na naman, kailangan na talagang masolusyunan yan, anyway, how about the updates dun sa mega flood control project niyo?

DPWH2(Anthony): ahm, may konting delays lang po about the project, nasa pagre-review pa po kasi ng design kaya po medyo natatagalan, pero it will be completed as soon as possible.

MSI1(Jumel): ahm, may I interrupt with your conversation? the delay is all about the design of the project, and yung paglalagyan niya, the Camanava area is above a thick layer of loose sand and weak clay, so kung diyan ilalagay yung mga flood control gates na kokontrol sa tubig baha, eh masasayang lang yung milyung-milyong pisong project na yan dahil sa mahinang pundasyon, and besides, dahil din sa layers of weak clay na yan kaya nagkakaroon ng land subsidence sa area ng Camanava, thus making the area to lye lower again.  and one more thing, I have with me here Dr. Fernando Siringan from MSI in UP Diliman to explain another kind of land subsidence.

MSI2(Gerard): (explain land subsidence due to excessive ground water extraction, bahala na kayo magpahaba, hehehe)

DPWH2(Anthony): ahm I beg to disagree on your claim, natural lang naman na lumulubog ang lupa due to pressure applied to ground, katulad ng mga buildings, tapos yung roads, yung mga dumadaan na sasakyan, ganun.  our engineers will prevent it from worsening.

MSI2(Gerard): well kaya nga lumulubog yung lupa sa Camanava eh kasi clay yung nasa ilalim niya, natural naman talaga na pag malambot ang foundation, lulubog talaga yan.  and totoo rin na reclaimed area lang halos yung ilang lugar sa Camanava from Manila Bay, at hindi naman talaga dapat ginawang residential area yan nung una pa lang.

MAYOR LANCE: OK, tama na yan, baka mauwi pa yan sa away, anyway, narinig ko na yung mga panig niyo, I just want some verifications of your claims para magawan na natin ng solusyon ang problemang ito, understood?  so sa ngayon, maghintay muna tayo sa proofs ng claims niyo, and we will talk about it, so there, this meeting is adjourned. (shake hands after, para sosyal, hahaha)

 

      III.    (Advertisement type) Recommendation

LANCE: Patapos na ang tag-ulan, pero ang ilang mga residente ay labis pa ring apektado ng baha, ilang taon na silang nahihirapan, ilang taon na silang nagtitiis, may magagawa ba tayo para tulungan sila? May ilang dahilan ng pagbaha sa Camanava ayon sa mga eksperto, at isa na rito ang basura.  1. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan, dahil pag inanod ito ng tubig ay magbabara ito sa mga drainage system na magdudulot ng baha.  2. Linisin ang paligid,lalo na ang mga daanan ng tubig, para mas maayos na makadaloy ang tubig ulan.  3. Magtipid tayo ng tubig, isa sa mga dahilan ng baha ay ang land subsidence o ang paglubog ng lupa dahil sa sobrang paggamit ng groundwater, makakatulong ang pagtitipid natin ng tubig upang bumagal ang paglubog ng lupa sa Camanava.

JUMEL: Ngunit kung di talaga natin maiiwasan ang pagbaha, narito ang ilang hakbang na maaari nating gawin:

  ü  Lumikas agad patungo sa mas mataas na lugar at hangga’t maaari ay huwag nang sumugod sa mga binabahang lugar.

  ü  Isa ang pagkalunod sa dahilan ng pagkamatay dulot ng baha kaya umiwas din sa mga lugar na may malalakas na agos ng tubig.

  ü  Ang electrocution o pagkakuryente ay isa rin sa mga aksidenteng nakakamatay kaya umiwas sa mga putol na kawad ng kuryente na nasa tubig baha.

  ü  Pero kung hindi maiiwasan ang pagsugod sa baha, magsuot ng bota upang maiwasan ang pagkapit ng mikrobyo na nagdadala ng sakit.

LANCE: Kung lahat tayo ay magtutulungan…

JUMEL: …lahat tayo’y giginhawa

LANCE&JUMEL: (sabay kayo) para wala nang baha sa Camanava!!!

 

Sensya na sa script, hehehe.  Pero I saw our prof smiling nung ginawa namin yun, hehehe.

Di lang yung prof ko yung napatawa namin, pati crush ko (yikee, hahaha).

Actually, it is my second time to portray Mike, yung first eh sa isang subject ko, at yun ang sumalba sa grupo namin at that time, hehehe.

Hay, nakakatuwa man pero nakakalungkot dahil last reporting na namin yun, at di ko na makikita crush ko, huhuhu.

End of sem is near, as well as hell week.

Good Luck to us.🙂

PS: last post ko muna ‘to ulit, hehehe

One Response

  1. woooh, ang haba. next time ko na tatapusin. :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: