103 days… (and stuff)

Countdown to Christmas na! Pero syempre ang mas maagang countdown eh ang sembreak, which is ayoko pang mangyari, hahaha. Anyhaus, katatapos lang ng tournament naming sa duckfin bowling at ang standing naming ay 3-4, tatlong panalo, apat na talo.  At ang final streak naming ay +1, meaning we had a -3 losing streak, hahaha.  Oh well, dahil kasi yan sa mga kadiring 50+ scores ko, hahaha.  Buti pa yung crush ko gumaling, kasi ang kadalasang score niya eh 40+ (baka may mag-react, hahaha).  Let’s talk about crushes.

I define crush as nagagandahan at nagagalingan ako sa kanya, academically speaking (plastic, hahaha).  I have plenty of crushes, isama mo pa yung mga artista.  Pero mas dominant ang campus crushes, kasi probable na makita mo sila kapag pumapasok ka, hahaha.  Okay, let’s start to classroom crushes.  I have seven subjects, including PE and CWTS (na kakatapos lang nung isang linggo), and yung ilan sa mga classroom crushes ko eh alam na crush ko sila, at ang iba naman eh hindi ako kilala.  Let’s start with Major1 (major subject 1).  I have two crushes there, yung isa alam niya (kasi friend ko siya, hahaha), yung isa hindi niya alam.  Si friend eh may ate na crush ko rin, at yung isang crush ko eh may bf (stalker, hahaha).  Classmate ko rin silang dalawa sa Major2, at silang dalawa lang sa Major2, hahaha.  Punta tayo sa Major3.  Hmm, may tatlong crush ako dun, yung isa naging classmate ko na dati, payat siya at morena.  Yung isa naman eh extended friend ko, meaning, friend ng friend ko (para di magulo, hahaha).  Matalino siya, maputi at medyo malaman (you know what I mean, hahaha).  I really admire her beauty, hahaha.  Yung isa pa eh yung friend niya, simple lang kasi siya eh, hehehe.  Punta naman tayo sa Foreign Language, hahaha.  May crush ako dun na French major (Bonjour!), payat siya, maganda, sexy (hehehe), tsaka simple.  Pero bihira na lang siya pumasok nung mga nakaraang linggo, graduating ata siya (einundzwandzig Jahre alt?!?), hehehe.  Dako naman tayo sa GE ko, may crush ako dun na dalawa, yung isa eh BS or BA sumthing (Ich vergessen nicht, hehehe) then yung isa eh Tour.  Matangkad si Tour at simple lang.  Maganda naman yung mata ni BA/BS, hehehe.  Then sa PE naman, tatlo.  Si PS, CH, at JA.  Isa lang ang initials diyan at yung iba eh courses, hahaha.  Si PS, simple lang.  Morena, matangakad, slim (24 ata ang bewang, wuhoo) and simple.  Si CH naman, maputi, pretty at medyo chubby.  At si JA naman, may pagka-masungit, maputi at pagka-chubby rin, hehehe.  Sa CWTS naman, may isa.  Kung mababasa ito ng kakilala niya, magre-react yun, hahaha.

Aside from classroom crushes, punta naman tayo sa encountered crushes.  Yes, sila yung mga na-encounter ko by accident.  Nung isang sports tournament, may naging dalawa kong crushes, si Badminton at si Volleyball, yun kasi yung nilaro nila nung nakita ko sila.  Si Badminton eh freshman.  Minsan nga eh nakikita ko siya.  Payat siya, maputi, at chinitahin (yun pa naman type ko, hehehe).  Si Volleyball naman eh cute (cute din si Badminton, hehehe), pero maliit lang siya.  The way she talked nung nakita ko siya, eh masasabi kong smart siya.  Nagkasabay pa nga kami sa jeep at ako pa yung nag-abot ng bayad niya, hehehe.  Then si CA, isa siyang cute and intelligent member ng isang student association.  Binoto ko kasi siya (clue na yun, hehehe).

Maiba ako, kanina eh nakinig ako sa usapan ng driver ng sinakyan kong jeep at yung mga friends niya.  Medyo nagulat ako sa narinig ko kasi yung isa sa mga kasamahan nila eh hinoldap at pinatay.  Ang kwento kasi, hinoldap yung driver na kasamahan nila sa isang lugar, at nung pinapatigil yung jeep eh hindi sumunod yung nasabing driver, kaya binaril siya sa likod.  Mga estudyante raw ang sakay nung jeep nay un at hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari dahil din a yun kinuwento ng tsuper namin.  Naalala ko tuloy yung Aikido class namin, kung paano umiwas sa mga ganyang eksena.  Ako kasi eh may malikot na mata, madali kasi akong ma-distract, hehehe.  So pag may sumasakay na pasahero sa jeep, tumitingin ako sa bewang nila, kung may nakabukol.  Baka kasi may baril dun eh, hehehe.

Speaking of jeepneys, magbibigay lang ako ng konting tips para sa mga commuters:

ü Bago pumara ng jeep/bus/any public utility vehicle, siguraduhin muna na dadaan ang sasakyan niyo sa pupuntahan niyo.  Magtanong kung kinakailangan.

ü Sumakay agad sa pinarang sasakyan (around 3-7 seconds) para iwas abala.

ü Magdala ng saktong pamasahe.  Kung wala naman at malayu-layo pa naman ang bababaan ninyo, maghintay ng mga magbabayad (para siguradong may panukli para sa inyo).  Pwede ring magpabarya sa mga katabi (kung meron man, hehehe).

ü Magbigay ng konsiderasyon sa mga katabing pasahero. (sana getz yun, hehehe)

ü Kung bababa na, mag-para “around 30 meters” mula sa bababaan.  (para makatipid ang driver sa braking fluid at gasolina, iwas abala pa)

ü Kung bababa na, hangga’t maaari eh bumaba sa sinakyan mga 3-7 segundo.  (kayak o kahit 2 segundo, hehehe)

ü Luminga-linga pagkababa.

Isa sa mga dahilan kasi ng pagkakakumpiska ng mga lisensya ng mga tsuper eh dahil sa kakulitan ng mga pasahero.  Sana tulungan natin sila maliban sa pagbabayad ng ating pamasahe.

 

Oh siya, ako’y mag-aaral pa’t kailangan kong bumawi.  Baka ito na muna yung last post ko for the moment.  Third wave na.  Hehehe.  Just drop a comment.  🙂

4 Responses

  1. woo, andaming crush nito a. haha. wala namang masama dun. at ang weird na napunta bigla ang kwento sa mga jeepneys. wala lang, napadaan lang. haha

  2. wala lang
    trip ko lang i-divert yung topic
    hahaha
    salamat sa pagdaan🙂
    PS: kilala mo (for sure) yung ibang mga crushes ko
    hahaha

  3. di na ako magtataka kung magiging crush mo aso namin…
    lol seriously haha
    btw palagay na rin ng link ng blog ko tanchu
    *lagyan ko din ung sa blog ko kapag nagkatime ako lol*

  4. nilagay ko na yung link kasi nagka-time ako
    hahaha🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: