beanie…

may biniling DVD yung kapatid ko na collection ng mga videos ni mr. bean, of course, played by Rowan Atkinson. kasama rin dun yung mga pelikula niyang “Bean”, “Johnny English” at “Mr. Bean’s Holiday” (naiyak ako diyan). napanood ko na rin yung “Bean” so 2nd time ko siyang napanood sa DVD. pero one scene struck me, yun yung nung nagtapat si Mr. Bean na hindi siya scholar sa arts (sana alam niyo yung plot, hehehe). gusto lang naman makatulong ni Mr. Bean, but it becomes worse pag ginagawa na niya yun. and naisip ko, parang ganun din nararanasan ko ngayon. i just want to help but i just mess up everything. kabutihan yung nasa isip ko pero yung kabaligtaran yung nakikita nila. hai…

i just read yung isang sinabi ng isa sa mga naging kaibigan ko (i wonder ngayon kung friends pa rin kami) tungkol sa mga (kasama ako dun, i’m sure about it) taong… i dunno the right word. pero hindi siya maganda, i mean yung salita. it hurt me. ang sakit. kung bakit kasi ngayon niya lang sinabi, edi sana napigilan ko na agad. kulang na lang na talagang magalit siya sakin. ayokong mapalayo sakin yung taong yun. but she’s pushing me away. ano pa bang magagawa ko?

ang salitang “muna”, ayon sa nakita kong dictionary, eh “first” sa english. nagduda ako, hindi ba dapat “for a while” or “for the meantime”? then nakaisip ako ng sentence: gawin mo muna yun. (do it first.) onga naman, pwede rin palang “first”, hehehe. pero if that “for the meantime” approaches infinity, yung salitang “muna” kaya eh nangangahulugan na nga bang “kahit kailan”?

ang isang birthday celebrant ay may karapatan na hindi magpabati. nagawa ko na yun minsan, hehehe. effective naman, hehehe. so ibig sabihin, pwedeng mawalan ng karapatan ang isang tao na batiin ang isang taong may kaarawan. at isa pa, birthdays are NOT an excuse for forgiveness. teka, bat tayo napunta sa birthdays?!? hahaha… birthday kasi ng anak ko next saturday eh…

malapit na kami magkaroon ng new PC so dadalas na rin ang updates dito sa blog ko. ang hirap kasi pindutin ng letter “P” sa keyboard namin ngayon, hehehe.

hala, second wave na, hehehe… gudluck satin🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: