sixth enrolment and stuff…

ika-anim na pagkakataon na ako’y nag-enrol, at syempre eh pila ang karaniwang eksena (unibersidad ng pilahan?!?). at for the first time since first year ako, pumila ako ng matagal (matagal, mga tatlong oras lang naman) para lang sa isang GE course. wala na akong choice kasi kailangan ko talaga ng isa ang subject kahit 15 units lang ako. hehehe. medyo karma rin ata sakin yun kasi nakapag-enlist ako ng mas maaga sa dapat, kaso kulang pa ako ng subject. kahit isang subject lang sana, ayun, nakakuha ako nung third day. so I have three math subjects, one foreign language elective, one GE subject, one PE, at CWTS. Yey!

madami rin ako na-realize nung enrolment. tulad ng…

> gumawa ng plans ng mga dapat gawin

> kung pwede namang pumunta ahead of time, gawin niyo

> ang enrolment ay maihahalintulad sa isang box office na pelikula

> pwede nang maging breakfast at lunch ang tubig, magdala ng at least one liter

> magdala ng at least isang friend, nakakaboring sa isang mahabang pila kung mag-isa ka lang

> kung walang friend na pwede, magdala ng pwede mapaglibangan, like rubik’s

> magpaload at magcharge ng cellphone

> magdala ng ballpen

> worth ang paghihintay sa taong mahalaga sa’yo🙂

ok, laban na kung laban! magsisimula ang pasukan. tama na muna ang landian, hahaha. aral muna!🙂

5 Responses

  1. Pero hindi sulit maghintay sa taong mahalaga sayo kung isasama naman niya yung taong mahalaga sa kanya (na hindi naman marunong magmake-up at mag-pony tail. haha!)

  2. sira! hahaha, natawa ako dun ah
    di mo naman talaga siya hinintay
    nagbaka-sakali ka lang
    hehehe
    :p

  3. Sori bitter lang ako. haha!

    Pero Jumel, matagal ko na kasi siyang hinihintay, at hindi man lang niya alam na may naghihintay sa kanya. Ang sad nun diba. =(

  4. pero kung malaman mong hinihintay ka rin pala niya, ang saya di ba? hehehe
    cheer up!🙂

  5. waw lolz pachizburger ka muna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: