bonds…

kung fan kayo ng Naruto, nagkita na sina Naruto at Sasuke. medyo dramatic nga kasi after three years na umalis si sasuke sa Konoha, ngayon lang sila nagkita ulit ni Naruto pati rin si Sakura. ang “bond” ni Naruto at Sasuke ang nagpatibay sa kagustuhan ni Naruto na magkita sila ni Sasuke.

habang pinapanood ko ang episode na yan ng Naruto sa isang internet shop, naisip ko kung ano nga ba talaga ang mas mahalaga: ang “bonds” mo sa mga tao sa nakaraan at kasalukuyan o ang magiging “bonds” mo sa hinaharap.

nung isang araw, nagkita kami ng isang friend ko sa math building. blockmate ko siya bago ako nagshift. at ang isa pang nakakatuwa, classmates kami nung elementary. siguro, isa siya sa mga naging mahalagang “bonds” sa buhay ko nung nasa elementarya pa ako. actually, may isa akong elementary friend na sobrang miss ko na rin. nasa california siya ngayon pero ang huling pagkikita namin eh nung bumisita ulit sila dito sa pilipinas nung first year high school ako. may isang elementary friend din ako na hindi ko man lang nakausap dahil may certain issue between us. di ko man lang nagawan ng closure yun, pero nung third year high school ako, naayos naman ang lahat.

high school bonds… may mga naging close friends din ako nung hogh school pero iba pa rin si bestfriend ko. medyo late na nabuo ang “bond” namin sa isa’t isa pero na-treasure ko naman yun. may mga “bonds” din ako nung high school pero hindi lang naman friendship ang “bonds” sa pagitan ng mga tao. nandiyan ang “hatred bond” ni Sasuke sa kapatid niya. same din nung high school. may mga “hatred bonds” sila sakin. yeah, SILA ang may “hatred bond” SAKIN. i don’t wanna talk about it. baka magkaiyakan.

then my college bonds. actually, kumplikado ang college bonds ko. former clasmmates, blockmates, college friends at kung anu-ano pa. i consider my college bonds as my present and future bonds, not knowing where will that “bond” last.

sa ngayon, malabo. ayon sa iba, mahalaga ang “bonds” mo sa mga unang taong nakilala mo. kahit saan, basta una mo silang nakilala in a certain atmosphere. yung iba naman, ang mahalaga sa kanila ay ang present “bonds” nila. kasi sila nga ang nakakasama sila as of this moment. ayun.

naisip ko lang naman isambulat ito kasi gusto ko lang isipin kung anong bond meron ako sa isang tao. pareho ba kami ng iniisip na klase ng “bond”? kasi kung magkaiba kami ng iniisip, ibig sabihin, magkaiba kami ng pananaw about “bonds”.

medyo mahirap nga talagang intindihin ang salitang “bonds”. kumplikado, pero kung iisipin, ang isang factor lang naman nito ay ang oras. ang oras, lumilipas. lumilipas rin kaya ang “bonds” mo sa isang tao habang lumilipas ang oras o dapat ay nagiging matibay ito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: