closure…

hindi ko alam pero pormal akong tao pagdating sa social life ko. kung may di tayo napagkasunduan, i’ll make sure na magkakaayos tayo, sa takdang panahon. kung may mga sinasabi ka na talagang über contradicting sa isa’t isa, hahabulin kita para i-explain sakin yun. pero kung talagang ayaw mo, hindi na kita mapipilit kung napilit na kita nung una pa lang.

closure, isang word na natutunan ko nung high school. para sakin, lahat ng bagay ay dapat matapos ng “pormal” kahit hindi nagsimula ng “pormal”. kumbaga eh, para alam ko, alam mo, at alam nilang lahat. mahirap balewalain ang mga nasa paligid mo dahil baka balewalain ka rin nila. kahit sabihin mong may “iba” pang tao diyan na pwedeng tumulong sa’yo.

sa ngayon, closure lang naman ang hinihingi ko sa isang taong nagkaroon ng mahalagang part sa buhay ko. she made me realize on some simple things. pero, hindi ko alam kung mapipilit ko pa siya sa ikatlong pagkakataon. gusto ko lang naman sanang malinawan. pero sino ba ako, kundi isang kaibigan niyang parang tuyong dahon na handa nang walisin sa ilalim ng puno…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: