alones…

Isa akong fan ng anime na Bleach, at isa sa kanilang opening song, pang-pito to be more specific, ay may pamagat na “Alones” na kinanta ng Aqua Times. Yes, hindi naman sila sikat dito sa Pilipinas eh, hehehe. Honestly, di ko pa nahahanap yung translated version ng kanta, Japanese kasi siya eh. Pero kahit ganun man, pinapakinggan ko pa rin siya as if naiintindihan ko, hahaha. With all honesty (kung meron man ako nun), I really feel alone since nag-college ako. Tatlo kaming nasa Diliman, pero yung isa eh medyo may problema (PM me for details). Yung isa naman, varsity ng track and field, so medyo di rin nagkakatamaan yung scheds namin, pero nagkita kami nung isang araw na pumasok ako at walang pasok, hehehe. Pagpasok ko sa Diliman, Stat ang first course ko, hindi ko sukat akalain na yung valedictorian namin nung elementary eh blockmate ko sa course na yun. Yet, medyo alone pa rin ako nun. Sa pagkakaalam ko, halos yung buong block nila eh may iisang Math class. Ibig sabihin, halos magkakaklase ang buong block na yun. Pero enjoy naman dahil may isang major subject na classmates ko ang buong block ko, at dun ko nakilala ang kauna-unahang taong kapareho ko ang birthday, hehehe. (kung sino ka man, wag mo ipagsabi ang birthday natin ah? :p) Dumating ang second sem, dito ko mas nakilala ang iba pang blocks sa Stat, kaya may mga classmates ako na taga ibang block. Enjoy din naman ako, hehehe. Pero still, may mga pagkakataon pa rin na nandun lang ako sa isang sulok. Nagshift ako ng course, ewan ko kung bakit, hehehe. May mga kilala na ako sa course na nilipatan ko. Pero iba pa rin kung isang taon na kayong magkasama di ba? Nakaramdam ulit ako ng pag-iisa, pero may mga friends naman akong nakita sa ibang mga subjects ko aside from my new major subject. Lalo pang na-expand ang social relationships ko sa new course ko nung mag-second sem. Dami ko nang kilala na kapareho ko ng course, yet hanggang kakilala ko lang sila. Ayoko rin maging feeling close, kasi baka layuan nila ako. Patapos na ang sem, and again, nakakaramdam pa rin ako ng pag-iisa. I have other friends, pero I still feel alone. Siguro di nga ako nakikisama or what. There are times kasi na nahihiya akong lumapit (may hiya factor din naman ako), and may mga pagkakataon na game akong lumapit sa kung sinu-sinong taon na sa pakiramdam ko eh magiging friend ko. That term again, friend. Mahirap i-define, mahirap din sabihin na friend mo nga ang isang tao. Siguro nga dahil sa lawak ng definition niya. Or dahil sa isang simpleng bagay lang ang “friendship” pero binibigyan ko ito ng komplikadong imahe. May magrereact na naman siguro na nakakaramdam ako ng pag-iisa dahil ginusto kong mag-isa. Well, dalawa lang naman yan. May mga taong gusto nating samahan, pero hindi natin alam kung gusto nila tayong sumama sa kanila. At ang isa pa, may mga taong gustong sumama sa’tin pero hindi rin natin alam kung ano ang pakay nila sa pagsama. Yes, I’m making it more complicated again. Pero, kesa naman pagsisihan natin sa huli yung mga desisyong gagawin natin di ba? I’m going back to one of my recent posts, ang tiwala, mahirap nang ibalik pag nasira na. Kaya sa simula pa lang, be cautious.

To wind this baby up, alam kong I will not be alone forever (duh!). Pero kung magkaganun man, I will still search for that person or group of persons na kayang makipagsabayan sa personalidad ko. *edited from Multiply🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: