bitter endings…

ilang beses na akong nagmahal, at ilang beses na ring nabigo (actually, laging bigo, bwahaha) pero hindi naiisip ng mga tao sa paligid ko kung ano ang kinahihinatnan ng ugnayan naming dalawa, ng taong nagmahal at ang taong minahal. gumawa ako ng mga love story na medyo based sa tunay na nangyayari sa buhay ko (duh! hahaha) at nag-iimbento na lang ako ng endings. pero sa totoong buhay, nagiging masama ang katapusan ng ilan sa mga naging love story ng buhay ko. yung una, nagkahiwalay kami for about three years and then nagkausap kami nung high school via text and we’re OK na naman. yung isa naman, ayun, kahit na nasa iisang school lang kami, eh parang hindi namin kilala ang isa’t isa. kinulang sa closure yung nangyari samin, kaya ganito. yung isa naman, we’re good friends, nagkakatext kami, and ginagawa na lang naming biro yung “past” na yun.

yung sa isang love story na ginawa ko, “pinatay” ko yung bida sa kwento, hehehe. ang sama ko noh? bwahahaha. then dun sa isa, bitin naman yung kwento. as in nagkita na sila pero hanggang dun na lang yung sinulat ko. may mga nag-request, actually isa lang, wehehehe, na ituloy ko raw yung kwento. i’m thinking on it as of now.

ngayon naman, ginagawa ko yung longest story ever na nagawa ko. it’s actually about to separate stories na gagawan ko ng “meeting” story, or in short magkikita sila sa bandang climax ng kwento. so far eh hindi pa sila nagkikita, hehehe. bakasyon na naman so sana magawa ko na silang pagkitain.

i’m really concerned on what would the ending be, and pati na rin sa kwentong involved ako ngayon. pwede ko siya gawing bitter, or hindi. pero dapat ay sigurado ako sa gagawin ko, because i cannot open the chapter where the story finished.

ok lang naman sakin kung maging bitter ang ending, wala namang pakialam sakin yung “ibang” character sa kwento ko eh. oh well.

i still have two days to think of it, oops!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: