pouring emotions…

Lately daw, napapansin na ng mga friends ko na parang balisa ako, malungkot, at nawiwirduhan na daw sila sakin. Di naman nila sinabi sakin yun directly pero alam kong yun ang nasa isip nila, dahil consciuous naman ako sa mga ginagawa ko, except pag nagiging emotional na ako. Well, lahat daw ng tao ay may tendency to be out of control pag masyado silang masaya or malungkot, na umaabot minsan sa pananakit sa iba ng di sinasadya o paggawa ng mga pananakit sa sarili. Sa ngayon, di ko alam kung malungkot ako or what. Napapansin ko kasi na pag nagsosolve ako ng cube tapos pumasok sa isip ko yung isang sitwasyon na malungkot, nawawala ako sa focus, kaya bumabagal ako. Up to now, I still can’t suppress my exaggerated feelings.

Malungkot siguro ako ngayon. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung hindi mo na madalas makikita yung isang kaibigan mong naging part ng buhay mo’t maraming naitulong sa’yo? Oh well, eto na nga siguro yung punishment na ibibigay sakin mula sa Taas. Alam ko namang masaya siya sa pag-alis niya so masaya na rin dapat ako.

Hindi ko alam kung ano pa ang mga bumabagabag sakin. Acad pressure siguro, dahil I am not expected to fail. Hindi ko naman dapat nararamdaman ‘to pero dahil na nga siguro nagpabaya na ako kaya ganito. Hai.

I’m trying to be happy. Umayos daw ako. Life is more complicated than I thought of it, and it gets even more complicated. Happiness cannot be just felt in a single day. Siguro napaka-broad or abstract ng definition ko ng happiness kaya di ko siya makuha. Honestly, I still can’t define what that is. Pero alam ko kung kelan ako masaya. Ang di ko lang alam minsan, kung kelan ako malungkot. Buntong hininga ulit.

And my body reacts if I’m depressed or not. May heartburn kasi ako, at pag stressed ka, malamang sa malamang eh aatake ito. Masakit siya pag umaatake, sumisikip yung left chest area ko. Mapapamura ako minsan sa kirot, pero carry lang, hehehe. Nung tinanong ko ang friend kong chem major na kalbo, dapat daw eh namamaga yung esophagos area ko dahil gumagapang pataas yung acid mula sa tiyan ko. Sabi ko, di naman namamaga yung esophagus ko. So baka hindi heartburn ‘tong nararamdaman ko. Siguro isang cardiovascular ailment ‘to of some sort. Ayoko magpacheck-up baka sermonan na naman ako.

So there, I’m too emotional in the past few weeks. Siguro nga dahil sa kanya. Oh well, alam kong kakayanin ko ‘to. Buti nga hindi ko na naiisipan mag-suicide eh, pero I’m still searching for a bottle of formalin. Hahaha.

PS:
Pag masaya ako, tumatalon ako kung saan-saan, ngumingiti habang naglalakad mag-isa, at kung anu-ano pa. In short, naaaning ako. Pag malungkot naman ako, seryoso ang mukha ko, loner sa isang sulok, inaantok minsan, madalas magdabog at kung anu-ano pa. Sa madaling sabi, autistic. (may magrereact, hahaha)

PPS:
Pag sobrang saya ko tapos nalungkot ako bigla, matagal akong mahimasmasan. Ayun. Nasira yung momentom ko kanina. OK na sana eh, kaso di ko na naman nakontrol ang emosyon ko. 😦

One Response

  1. *pats your back*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: