worst birthday ever… (from Multiply)

una sa lahat, sana wag kayong magalit kung hindi niyo alam ang birthday ko dahil personal task ko siya. i know kaartehan lang yun or what, pero right ko rin naman yun eh, db? hehehe. so here it goes. ang unang bumati talaga sakin (i consider yung una as yung bumati sakin first week of march pa lang) ay yung isang friend kong girl nung elementary. buti naalala niya, kahit na di ako sure sa bday niya, hehehe. next naman ang blockmate ko na kapareho ko pa ng bday. then nung mismong araw ng lecheng kaarawan ko, yung validectorian namin nung high school ang unang bumati sakin, midnight pa un ah, hehehe. then sumunod na yung ibang college friends ko. yung bestfriend ko, di ako binati. pero alam ko namang busy siya eh, so di ako nagtatampo, hehehe. im expecting a greeting from a special person pero naghintay ako hanggang magpalit ang araw, walang bati na dumating. ayun. ang alam ko sinabi ko sa kanya yun eh, at inaya ko siya na ilibre siya sa araw na yun. nakalimutan niya yata. ok lang naman sakin.

nagliwaliw ako nung araw na yun. inisip ko na may mangyayaring masama sakin kaya umalis ako ng bahay. naglibot sa mga eskinita ng isang busy street sa caloocan city. and sinusubukan kong alalahanin yung mga moments ko nung dumadaan pa ako dun. then naisipan ko mag-internet, dial-up lang kasi kami; no dial tone, no internet connection! so punta ako netopia sa isang mall. then naisipan ko na magsolve ng cube using an online timer. nagulat na lang ako na may kumpol na ng tao sa likod ko. pero syempre, dedma naman ang gwapo (san ang gwapo?). so medyo natuwa naman ako kasi may nanonod pero pressure yun eh, hahaha. then after ko manood ng bleach 127, umuwi na ako.

it was an ordinary day. sabi ko nga, sana di na lang dumaan yung araw na yun, wala rin namang kwenta eh. honestly, di ko na alam kung saan ako patungo. 19 years of existence and yet, i make the same mistakes. ang bobo ko talaga, kung hindi bobo, tanga, gago, stupido at kung anu-ano pa. sana matuto na ako sa mga pagkakamali ko. i don’t wanna waste tears again.

PS: bawal na ang late greetings, hehehe

One Response

  1. galing talaga sa multiply yan
    so pasensya na kung nabasa niyo na siya
    ayun🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: