The Shift…

Sa mga hindi pa nakakaalam, nag-shift po ako from BS Statistics to BS Mathematics. Bakit? Wala lang. Hehe. Hindi naman sa ayaw ko ng Stat, pero sadyang sa Math ako mas may alam. Pareho lang daw yun sabi ng iba, pero magkaiba talaga yung dalawa. Pero alam niyo ba ang mga pinagdaanan ko bago ako makalipat from college to another?

Isa sa mga requirements sa pag-shift ay ang True Copy of Grades o mas sikat sa tawag na TCG. Dito nakalagay lahat ng mga subjects na kinuha mo for a specific semester kasama yung respective grades mo sa mga subjects na yun. Second semester ng A.Y. ’06 – ’07, ang submission dapat ng grades ay April 10. Pero lumipas na ang petsang yun eh kulang pa rin yung mga grades ko na ilalagay sa TCG kaya hindi pa rin ako makapag-apply for shift. Isang grade na lang naman ang kulang eh. Ang tagal. Hanggang nung ikalabing-apat ng Abril, ayun. Nakumpkleto na sa CRS (Computerized Registration System) yung mga grades ko. Samakatuwid, maaari ko nang maihabol ang application ko for shift sa Abril 16 na siya namang deadline ng pagpasa ng mga kinakailangan para mag-shift. Nung araw na yun, enrolment kasi ng mga estudyante para sa summer classes. So mahaba ang pila sa mga lugar ng bayaran. Grabe. Ang haba ng pinilihan ko para magbayad lang ng bente pesos para sa TCG. Pero matapos nun ay nagawa ko namang maihabol lahat ng mga papeles ko nung araw na yun. Natapos din. Pero part one pa lang yan.

Matapos ang bakasyon namin sa Iloilo (April 29 – May 3), inisip ko na agad kung ano na nangyari sa shift ko. Mga dalawang linggo rin akong pabalik-balik sa UP para lang malaman kung natanggap ba ako. May 22, pagpunta ko sa Undergraduate Office ng College of Science, tinanong ko na kung natanggap ba ako. Nung pagtingin ko sa listahan ng mga natanggap, hindi ko nakita ang pangalan ko. Nanlumo ako. Pero hinanap ko pa rin. Ayun! Nasa ibaba. May asterisk; ibig sabihin daw nun eh waitlisted ako. Medyo nahimasmasan naman ako nung malaman ko yun. Pero maghintay daw muna ako hanggang 1PM nung araw na yun para malaman kung sino yung mga matatanggap. So pumunta ako ng simbahan para magdasal na sana matanggap ako. Natapos ang misa ng maaga kaya kumain muna ako. At pagkatapos ay bumalik sa College of Science. Wala pa rin. Hindi pa yata tapos. Hai. Pero binigyan na ako ng Student Directory in case matanggap ako. So pinalipas ko muna ang isang araw at bumalik ako ng May 24. Crucial ‘to. Pumunta na ako sa CS at nagtanong kay Ma’am Lulu (siya kasi yung naka-assign sa mga shiftees at transferees) kung natanggap ba ako. Maya-maya, tinanong kung saang course ako nag-apply at kung apelyido ko. Tapos may nilabas siyang mga puting papel. Yun na pala yung admission slip. Hinahanap yung sakin. Hinanap. Hinanap. Hinanap. Ayun, nakita! Natanggap ako. Yahoo! Let’s party! Saka naman ako sinabihan ng mga kakailanganing papeles para mai-finalize ang paglipat ko. Eto yung mga yun:

1. Permit to Transfer
2. College Clearance
3. Certificate of not under Contract
4. Certificate of Good Moral Character at ang
5. Medical Certificate na nagsasaad na kami ay fit to enroll. Eto na yung part two ng pag-shift.

May 25, inasikaso ko na yung mga papeles maliban sa medical certificate dahil hindi ako sigurado kung kailangan ba talaga nun. Nung pagpunta ko sa College Secretary ng Stat, inuna ko muna yung pagpapapirma ko sa College Clearance. Ang daming blank na linya. Pumunta ako sa Vinzon’s Hall kasi dun ko papipirmahan yung unang linya, sa Student Loan Board. Natapos naman yun agad pero pagbalik ko ng Stat, wala dun si Ate Emma. Kaya naghintay ako hanggang alas dos pero may nagsabi na may meeting daw sila na matatapos ng alas dos. Matagal ako naghintay hanggang sa umuwi na lang ako. Sinabi ko na sa Lunes na lang ako babalik. Kinausap ko yung isang blockmate ko na nag-shift din sa College of Science na itago natin sa pangalang BA. Sabi niya sakin, walang office ang Stat sa Lunes (May 28) dahil sa 4-day work week. What?!? Mukhang matatagalan pa yata bago matapos lahat ng mga papeles na yun at para sa formality ng pag-shift. Balak ko sana umalis ng Martes (May 29) mga bandang hapon. Pero nag-text si BA at sinabihan ako na kailangan naming magpa-medical ulit dahil isa itong prerequisite sa pag-shift. Idinagdag pa niya na hanggang May 30 na lang pwedeng magpa-medical. What?!? Kaya hapon ko balak umalis nung May 29 eh dahil sa ito rin ang petsa kung saan ipapalabas ang coronation night ng Miss Universe. Sayang nga’t di ko napanood kung paano nadulas si Miss USA. Dumating na nga ang araw ng medical namin. Halos parehong proseso lang naman ang ginawa tulad nung una naming ginawa yun. Natapos kami ng mga alas-onse. Balak ko magsimba nun kasi maaga pa naman. Kaya pumunta ako ng simbahan. Nakita ko dun yung friend ko na itatago ulit natin sa pangalang Shari. Dun ko nalaman na magshi-shift din pala siya sa Economics. Hinihintay na lang niya ang resulta. Matapos ang misa, sinamahan ko siya kumain at nagpunta kami sa School of Economics. Naghintay kami sa resulta hanggang dumating ang ika-dalawa ng hapon. Nung oras na yun, nagpaalam na ako kay Shari para pumunta ng Stat at magpapirma ng clearance. Nakarating na nga ako ng Stat at hindi ko inaasahan na magiging madali ang pagpapapirma ko. Nung araw ding yun eh nakuha ko na ang lahat ng mga papeles na kailangan ko maliban sa medical certificate. Di naman kasi sa Stat kukunin yun eh. At makukuha lang namin yun matapos ang dalawang araw. Pagbalik namin ni BA (June 1), nakuha na nga namin yun. Dumerecho kami ng CS para ipasa yung mga papeles, at ang sabi ay pumunta kami sa registrar para mai-finalize ang pag-shift. Pero yung admission slip ko ay nasa Stat. Hindi kasi binalik yun sakin dahil kopya daw nila yun. Pumunta kami ng Stat at hiningi yun. Yun kasi yung nagpapatunay na natanggap nga ako sa CS eh. Tapos nun ay pumunta na kami sa registrar. Pagdating dun, sinabihan kami na bumalik na lang ng ala-una dahil wala kaming number. Umalis kami at kumain sa Katag. Mga alas-dose y media kami bumalik at dun namin nalaman na may numbering system sila na ginagamit. Sosyal, parang bangko. Nilabas na ni manong yung mga number at nag-unahan kami sa pagkuha. Grabe ang eksena ng pag-aagawan. Buti na lang, nag-box out ako. Nung paghawak ko sa isang number, may nakahawak na pala dun na babae. Binitawan ko yung number kasi may nakahawak na nga eh. Pagkatapos nun, binitiwan din pala nung babae yung number na yun kata kinuha ko ulit. Number seven (7) yung nakuha ko habang thirteen (13) naman yung kay BA. Nung tignan ko ang papel na binigay sakin ng babae sa registrar, napansin ko na nakalagay sa bandang itaas nun ang “UP Form 3”. Napaisip ako kung bakit form 3 ang tawag dun at kung bakit form 5 naman ang tawag sa form 5. Ganito pala yun:

UP Form 1 – UPCAT Form Secondary School Record
UP Form 2 – UPCAT Form General Information on Freshman Admission
UP Form 3 – Undergraduate Admission Application (parang UPCAT form pero hindi ka mag-eexam)
UP Form 4 – Admission Slip (pag natanggap ka na)
UP Form 5 – Certificate of Registration (yan talaga ang tawag diyan)

At sa pagpapatuloy…

Nang matapos na si BA, balik ulit kami ng CS. Ang problema naman namin ngayon eh ang form 5a namin dahil sa Lunes na ang enrolment. Shiftee kasi kami kaya hindi namin alam ang kung saan namin kukunin yun. Pinapunta kami sa Computer Center. Pagdating dun, pinapunta kami sa NCTS (yung nasa likod ng Computer Center) at hanapin daw namin dun yung EDP (di ko alam ibig sabihin eh). Nakarating nga kami dun at napag-alaman namin na dun pala pinapabago yung mga bagay-bagay sa CRS. Sa kaso namin, yung kurso namin. Ilang saglit lang, pinag-log in kami ng isang babaeng cute dun sa EDP. Ako’y namangha dahil iba na nga yung nakalagay na kurso dun. Maging si BA ay nagulat nang makita niyang BS Applied Physics na ang nakalagay na kurso niya. Sinabihan kami ng ateng cute na kukunin pa rin namin sa dating college namin ang aming mga form 5a dahil kapapalit lang namin ng kurso at baka nai-print na ang mga form 5a nung araw na yun. Malapit lang naman ang School of Statistics kaya dumerecho na kami dun. Pumasok kami sa College Secretary at nakiusap kung pwede na ba naming kunin ang aming form 5a. E nandun na raw kami at nai-print na naman iyon kaya binigay na samin ni ate Emma. Muli, bumalik kami ng CS para ibigay ang aming official admission slip at yung form 5a. Sabi ni Ma’am Lulu, balik daw kami sa Lunes. Tapos na ang part two at susunod na ang pinakahuling parte, ang enrolment.

June 4 pa lang, nakuha ko na yung form 5a tsaka form 5 ko. Pero hindi pa kami pwede mag-enrol dahil schedule yun ng mga freshie at oldie este graduating. Bumalik ako kinabukasan. Grabe. Hindi ko alam ang gagawin. Buti kay BA dahil may specific adviser para sa mga shiftee at transferee. Sa Math kasi wala eh. So nagpatulong ako sa mga kilala kong Math majors. Salamat sa inyo. Nagpunta ako sa ikalawang palapag ng Math Bldg. Dun ko nakita ang mga nakapilang Math majors. Nandun pala yung mag-aadvise sa kanila, pati sakin din syempre. Pumila ako. Matagal. Madami kasi sila eh. Tapos may nakita ako na may hawak na dilaw na papel. Yun pala ang special type ng form 5a para sa transferee. Wala kami nun kasi shiftee kami. Kumbaga, from one unit to another inside the campus. Parang mas lalong nagulo ah. So naghintay ako ng matagal. Naghintay… Naghintay… Naghintay na ako na lang yung kakausapin ng adviser. Ayun. Kinausap na niya ako. Akala ko eh papagalitan ako dahil sa masyadong “magaan” ang load ko. Ang ibig ko sabihin sa “magaan” ay konti lang ang majors ko. Actually isa nga lang eh. Tapos, sinabi ko na isang GE subject na lang ang idadagdag ko. Pumayag naman siya nang sinabi ko na next semester na lang ako kukuha ng ibang majors. Pagdating kinabukasan sa post advising, kinabahan na naman ako dahil ibang adviser yung magpo-post advise. May schedule daw sila eh. Nung ako na yung magpapa-post advise, hindi naman niya ako pinagalitan. Babae kasi ang adviser nung oras na yun. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa library para sa library clearance at para na rin sa assessment. Nung araw na yun din ako nagbayad. Ayan. Tapos na ang enrolment ko. Officially, under na ako ng College of Science na may undergraduate degree na BS Mathematics. Grabe. ID na lang, ok na. Hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: