isang taong walang PEACHY

What if hindi kami magkita for one year??? Mamimiss ko yun pag ganun. Hai. Naaalala ko nung sabay kaming naglalakad papunta sa isang building sa school namin. Nagkakatawanan minsan, tapos may oras na tahimik lang kami, minsan asaran, at may pagkakataong nagpapakornihan kami sa jokes. Hai. Those good old days. Pero parang kelan lang yata yun eh. Ayun. Kung di man kami magkita ng isang buong taon, ang dami kong mamimiss sa kanya. Yung tili nya na napakaingay; yung hampas niya sakin na masakit kunwari (pero masakit talaga yun); yung asaran churva; yung ngiti niya. Yun. Namumula ako. Sa galit. Joke. Minsan nasabi ko sa kanya na ayaw ko siyang nakikita na malungkot or nakasimangot. Pero dapat di ko na lang sinabi yun kasi, kahit na gusto ko siyang makitang nakangiti tsaka masaya, hindi ko naman magawa yun. Nakokornihan siya sa jokes ko. Kung tatawa man, pilit pa. Pag tinutulungan ko siya, lalo na pag sobrang lapit ako sa kanya, feeling ko naaasiwa siya at parang gusto niyang sabihin na “Umalis ka nga sa tabi ko!!!”. Feeling ko nga rin minsan pag kaming dalawa lang yung magkasama eh napipilitan lang siya na samahan ako. Kaya siguro minsan tahimik. Boring kasi ako kausap. Siguro sa text, hangga’t unli e mgkukuwento ako. Pero sa personal minsan e nauubusan din ako. Kaya kahit ano na lang ang kinukuwento ko. Nadamay pa pati yung love story ng parents nya. Grabe. Sobrang tsismoso naman ako. Pero di nya naman naikwento yun e. Hay. Sawi. Sad. Nakakalungkot. Matagal ba ang isang taon? Hmm, e 365 days lang naman yun. 52 weeks, 8760 na oras, 525600 na minuto, 31536000 na segundo. Konti lang naman yun. “Akala mo lang konti, pero madami, madami, madami! (sabay sapak ‘kabog!)” Yup! Hindi biro ang isang taon. Sa mga taong busy, konti talaga yan. Pero along the way, habang nandun ka na sa time frame na yun, dun mo maiisip na mahabang panahon ang isang taon. Para magbakasyon, mag-isip, magmuni-muni, at tumambay. Hai. “(ding dong) Jumel, pumunta ka sa confession room” Naku, pinapatawag na naman ako ni Kuya. Iyakan na naman ‘to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: