Point of Inflection

Babala: Sa mga maglalagay ng comment, kung pwede lang ay wag kayong maglagay ng kung ano mang pangalan dahil makakasira ito sa reputasyon ng taong iyon. Salamat po.

Ang buhay, parang graph ng isang function. Sa mga nag-aaral ng math, may point sa graph na kung tawagin ay point of inflection. Ito yung point na kung saan nagbabago ang concavity ng graph. Kung ikukumpara sa buhay ng tao, ito yung mga pagsubok ng buhay natin or pwede ring mga tao na nagkaroon ng malaking impact sa buhay ng isang tao. Aaminin ko na may isang tao sa buhay ko na nagsilbing inflection point. Dumating kasi sa point na parang gusto ko nang sumuko sa buhay. Parang kasi hindi ko na kaya ang lahat. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na darating siya sa buhay ko. Bigla lang kami nagkakilala. Nakikinig siya sa mga kinukwento ko, masarap siyang kausap, makulit minsan, kwela, yun. Nung panahong yun, napapasaya niya na ako. Hanggang sa hindi ko alam kung ano na yung nararamdaman ko para sa kanya. Ewan ko ba! Parang nag-iiba na. Masyado ko na yata siyang hinahanap. Masyado na yata akong masaya sa kanya. Hanggang sa umabot sa puntong naghiwalay na kami. Naiyak ako bago yung araw ng paghihiwalay namin. Siguro inihanda ko lang ang sarili ko sa pangyayaring yun. Mga tatlong lingo din akong malungkot nun. Halos gabi-gabi eh umiiyak ako. Bakit pa naming kailangang maghiwalay? Hay. Pero ganun talaga. Nagkikita naman kami minsan, nagkakausap. Pero hanggang dun na lang. Mga ilang pangungusap na lang yung nasasabi ko sa kanya. Pero naguguluhan ako nung mga panahong iyon dahil hindi ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Mahal ko nga ba siya o sadyang hindi ganon ang attachment ko sa kanya? Sa ngayon eh nasagot ko naman iyon. We are emotionally attached as friends. Yun lang pala yun. Kala ko eh love na. Pero ngayon, may isang tao na tingin ko eh magiging inflection point rin ng buhay. Ang inflection point kasi eh pwedeng magdulot ng increasing o decreasing graph. Di ko alam sa ngayon kung ano ang pwede niyang maidulot. Pero alam ko na masaya ako sa kanya. Siya kasi yung nagpapasaya sakin nung mga panahong malungkot ako. Kung alam lang niya. Pero sana, kahit malaman niya, wag niya sana akong layuan. Pero kung gusto na niya talaga akong lumayo, at di na niya ako kailangan, ok lang. Tatanggapin ko ang desisyon nya. Hindi na niya ako matatanggap pag nagkaganun. Mahirap pigilan ang nararamdaman. Kung kaya ng iba, di ko yata kayang pigilan yun. Hay. Pero ganun talaga, hindi laging masaya. Halos wala yatang gabi na hindi ko iniyakan nung nakaraang taon eh. Pero syempre di ko kaya yun. Kung sino ka man, salamat kasi nagawa mo akong maging masaya kahit sandali lang. Karapat-dapat sa’yo ang maging maligaya rin. Kung kaya ko lang sana ibigay yun sa’yo. Naiiyak na ako. Ano ba yan!!! Tingin ko, pababa na naman ang graph ng buhay ko. Sino naman kaya ang susunod na inflection point ng buhay ko? Pahingi nga ng tissue, yung small.

2 Responses

  1. dramarama ulit..huhuhu hehe

  2. nakakaiyak ang math..
    este ang lablayf pla!
    =) smile nmn jan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: