taff ten foods I eat INSIDE the house…

since may nagrequest nito (hi sau, hahaha), eto naman yung mga kinakain ko sa loob ng aking bahay…

Taff Ten: Home Made Burger

* after bumisita dito sa bahay namin yung uncle ko na German, ayun, gumagawa si mama minsan ng burger, depende kung trip niya, hehehe. at syempre, kulang ang burger saking pag walang keso. hahaha.

Taff Nain: Corned Beef

* medyo fan din ako ng corned beef pero hindi ko alam na may cooking variations din pala siya, hehehe.

Taff Eiht: Ground Pork

* nakow, pag eto ang ulam ko, puno ang plato ko ng kanin, hahaha. medyo masebo nga lang ang food pero ok lang, hehehe.

Taff Seben: Instant Pancit Canton

* feeling chinese ang trip ko kapag kumakain ako nito, eh naka-chopsticks kasi ako pag eto ang merienda ko, hahaha.

Taff Six: Golden Fried Rice with Hotdog Bits

* ang haba ng name niya kasi inimbento ko lang yan, hehehe. pwede nga siyang tawaging “Red and Gold Fried Rice”, hahaha. Bawal talaga ako ng oily foods pag morning dahil sa nagti-trigger siya ng acid attack sa tiyan ko. pero ok lang naman kung minsan lang, hehehe.

Taff Fayb: Dinuguan

* favorite ko talaga ‘to nung bata pa ako, kaso walang puto on the side pag kumakain niyan, hehehe.

Taff Pour: French Toast

* lately this year ko lang nalaman ang paggawa ng toast na yan. naisip ko nga minsan na bat di kaya chocolate instead of milk ang gamitin ko? hmm…

Taff Tree: Peanut Butter Sandwich

* ay eto talaga, pag naghanap ang dila ko ng peanut butter, nakow, makakarami ako ng Gardenia bread slices na may spread ng peanut butter, samahan mo pa ng strawberry juice, hahaha

Taff Too: Hotdog

* paborito ng mga bata, pwede ko siyang gawing ulam kahit sa isang linggo, hahaha

Taff One: Pinakbet

* pag eto ang ulam, nakow, tatlong beses ako kumukuha ng kanin, hahaha. may gulay at karne ka na, good combination, hehehe. eto rin sana yung gusto kong araling lutuin. hehehe…

taff seben places planned to visit…

inspired by ate _____ (host ng Landmarks, hehehe), narito ang listahan ng mga lugar na gusto ko puntahan… (specific locations)

Taff Seben: Boracay, Aklan, Philippines

*honestly, gusto ko na talaga makarating diyan, para naman ma-experience ko naman ang white sand, and syempre maramdaman ang “social ambience” dun, hehehe

Taff Six: Nile River

*ayon sa history books, dito raw nagsimula ang first civilization. at ito rin ang longest river in the world with a distance of 5584 km, hehehe

Taff Fayb: Alaska, United States

*i want to see “aurora”, hahaha (parang may mali :p)

Taff Pour: Easter Island, Chile

*matagal na ako nahihiwagaan sa mga statue sa islang ito kaya gusto ko rin silang makita. malalaki kasi ang mga statues na nandun na medyo imposibleng tao ang may gawa, at ang ipinagtataka rin ng mga scientists kung para saan ang mga statue na yun. hawak ngaun ng Chilean government ang isla

Taff Tree: Singapore

*gusto ko sana puntahan yung kakabukas lang na ferris wheel dun na kita mo raw ang ibang bansa pag nasa peak ka. pero no specific place talaga ang pupuntahan ko sa bansang ito. kaya nga raw siyang libutin ng taxi sa loob ng isang araw eh. ang problema ko lang eh kung kakasya ang budget ko sa pagpunta dito dahil nga sa maunlad nilang ekonomiya (sana nakuha niyo yun, hehehe)

Taff Too: Germany

*again, walang specific place sa Germany dahil gusto ko siyang libutin, hehehe. andito kasi yung tito at tita ko na nung nakaraang taon lang eh nagbakasyon dito samin. baka dun ako magtrabaho kung papalarin, hehehe

Taff One: Jumel, Somme, Picardie, France/ Jumel, Seine-Maritime, Haute-Normandie, France

*dalawa pala ang “Jumel” na lugar sa France at syempre, di ko palalampasin na di puntahan ang mga lugar na yan, para naman ma-discover ko kung anong misteryo ng lugar na yun at bakit yun yung pangalan niya, wehehe…

taff ten things skills of a secret agent…

Hmm, in my opinion, meron akong konting skills bilang isang secret agent (ehem). At dahil sa may pagka-stalker ako kaya ko siguro na-acquire ang mga ganung skills. Na-inspire ako na gawin ang post na ito dahil sa napanood kong movie sa bus na “Casino Royale”, kaso di ko siya natapos dahil kailangan ko nang bumaba, hehehe. So heto na ang aking post, “Taff Ten Things Skills Of A Secret Agent”

Taff Ten: has an almost perfect vision

*hmm, kailangan eh malinaw lahat sa paningin ng isang agent, kahit gaano man kalayo ang subject

Taff Nain: knows how to memorize quickly

*may mga data kasi na sobrang delicate kaya dapat alam ito ng agent, at dapat eh mai-relate niya agad ito sa isang sitwasyon

Taff Eiht: knows to be an observer

*magkaibang bagay ang “nakakakita” sa “may nakikita”, yung pangalawa eh posible kahit hindi niya direktang tinitignan ang subject. mahalaga rin ang konsepto ng “peripheral vision”, kung saan “alam mong nakikita ka nila habang tinitignan ka nila ng di mo alam, hehehe

Taff Seben: a good listener

*hindi basta marunong siyang makinig, dapat eh kaya niyang makarinig ng “sensitive sounds”, yung tipong medyo mahina para sa normal na pandinig, hehehe

Taff Six: athletic

*hmm, obvious naman na kailangan ng isang agent ang isang healthy body di ba? hehehe. pero, sa mga mission eh kakailanganin niya ng lakas at endurance para maging successful siya

Taff Fayb: knows how to estimate

*time at distance estimation ang karaniwang ginagawa ng mga agents, dapat eh marunong silang mag-estimate dahil dito nakasalalay ang kanilang “general plan”

Taff Pour: resourceful

*of course, dapat eh alam ng isang agent kung saan pwede gamitin ang kanilang imagination para makagamit ng isang bagay. kahit ang tansan eh kayang magpasabog ng isang building…

Taff Tree: knows to drive

*syempre, pag hinahabol mo ang subject mo at may kotse sa tabi, you can use the car naman eh, kahit walang susi (go back to taff pour :p)

Taff Too: knows to run

*para di umabot sa nakawan ng kotse, dapat eh mabilis ka tumakbo. para mahabol ang subject or para sa mga “underestimated” things “that needs correction”

Taff One: thinks quickly

*and of course, para magawa mo lahat ng kritikal na desisyon na gagawin mo, you need to “think clearly and quickly”. quickly dahil mahirap bawiin ang pagkakamali sa isang iglap lang

taff ten foods I eat outside the house…

Taff Ten: Ice Cream

*May naaalala ako sa ice cream ah… Anyways, bihira lang kasi dumaan ang dirty ice cream carts dito samin (and the worse case is pag walang dumadaan). Kaya sabi ko sa mga friends ko, pwede na ako mamatay pag nakatikim ako ng dirty ice cream sa UP. Hahaha. Pero nakatikim na ako, ayaw lang ako kunin.

Taff Nain: Isaw

*Fave ko yan nung bata pa ako. Kaya inasam ko rin tikman ang famous isawan sa UP. And natikman ko naman siya. Masarap siya. Wehehe.

Taff Eiht: Nuts

*So far eh peanut, almond at pistachio nuts pa lang ang natitikman ko. (I’m not really sure kung nuts nga ang nabanggit ko, hehehe) I love spicy nuts. Nagaraya, at yung sa tabi-tabing mani, basta maanghang, wehehe.

Taff Seben: Burger

*Hindi dahil sa kung anong dahilan lang kaya ako kumakain ng burger. Pag gutom ako, kumakain ako syempre. Dati yan din ang lunch ko. Personal favorite ko talaga ang cheeseburger pero sinubukan ko rin namang mag-explore ng iba’t ibang burgers.

Taff Six: Siopao

*Yan dati ang lunch ko (yeah, pananghalian) nung isang semester. Masarap siya, lalo na pag galing sa Chowking.

Taff Fayb: Pizza

*Kahit saang pizza parlor, basta pizza game ako. Marami-rami na rin akong natikman na pizza. Wehehe. Pero hindi pa ako nakakakain ng pizza alone. Hahaha. I’ll try sa summer.

Taff Pour: Siomai

*I never imagined kung ano ba ang siomai at akala ko eh related siya sa siopao. In fact, related nga siya. Isa siyang dimsum, or form ng merienda ng mga Chinese. (correct me if I’m wrong) So nung una ko siyang natikman, nagustuhan ko na siyang tikman ulit. Wehehe. Sa Chowking masarap siya, I wonder sa iba.

Taff Tree: Lechong kawali

*I always crave for this. Pano ba naman kasi, tuwing New Year lang ako nakakakain niyan. Muhahaha. Anyway, may isang araw na talagang hinanap ko siya, ang lechong kawali. So umabot talaga ako sa SM North EDSA para lang makakain nun. Hahaha. May pera naman kasi ako nun kaya OK lang. Grabe, sobrang desperado ko talaga makakain niyan. Ang huling kain ko niyan eh nung Pebrero pa. Pero wala akong balak na kumain ng lechong kawali sa mga susunod na araw. Siguro next month :p

Taff Too: Burger Steak

*Binabalik-balikan ko talaga ang burger steak sa Jollibee. Nag-crave din ako jan one time, I can’t remember when, wehehe. Ngayong summer eh yun yung lunch ko kung may pera ako. Pag wala akong pera, eh di wala. Hehehe.

Taff One: French Fries

*Nakow, pwede akong mag-lunch kahit french fries lang ang kinakain ko, basta ba marami, mga isang kilo, hehehe. Kahit saan ako kumain na fastfood, basta may french fries, isasama ko siya sa order ko. Pwede bang pamalit sa bigas ang patatas? Hehehe.