in the stage of reforming myself…

mga walang kwentang kwento mula sa isang walang kwentang nilalang…

Archive for June, 2008

the moment I turned 90 degrees…

Posted by jumel on June 20, 2008

well, it’s really not an ordinary friday para sakin. muntik na ako ma-late sa bowling class ko dahil sa Tribe (andun kasi si ate Landmarks, hehehe) and knowing na wala pala kaming class dahil sa preparation for the pep rally and the UAAP. so di na ako pumasok at nag-show off na lang ako sa mga nasa labas ng gym. na-late din kami sa Math 150.1 dahil sa super-toki, pero normal lang naman talaga yun, hehehe. then nag-lunch ako sa McDo kahit na nagtitipid ako. upon reaching the bank (bangketa ng street), nadulas ako, pero nakatayo ako. ha? nadulas talaga ako, pero yung right foot ko lang. getchingin? hehehe. medyo napahiya ako pero carry lang, hahaha. then ang inorder ko ay cheeseburger, pero ordinary burger ang binigay. di na ako nagreklamo dahil gusto ko rin naman siyang tikman, hehehe. then pumasok na ako sa last class ko, ang envi sci. may group ako dun, na yung prof namin yung nag-assign, dahil daw sa similarity ng courses namin. gusto ko sana mai-group dun sa isang crush ko, hehehe. though related ang course namin na ayokong banggitin, i was grouped among the eng’g students, and ako lang pala ang Math major sa klase (loner, mwahahaha). then ang name ng group or team namin ay ENG’GVI SCI, na ako pa ang nakaisip. hahaha. ako dapat ang parang speaker ng team pero dahil halos ng lahat ng nasa isip ko eh nasabi na ng ibang teams, i chose to be silent na lang, hehehe. then nagtapos ang klase, and i’m expecting na magkikita kami ng mga cuber friends ko. papasok pa lang ako ng casaa eh tinawag na nila ako, dalawa lang kasi sila eh, hehehe. then nag-usap, naklibre pa ako ng sticker (salamat jome!). habang nag-uusap silang dalawa, medyo may ugali talaga akong luminga-linga, dahil gusto ko rin syempreng maging aware sa paligid ko. and the moment I turned 90 degrees, nakita ko ang seresa. akala ko galit siya sakin, kaya hindi ko ginagawa yung usual na pagkaway ko pag babae ang nakakasalubong ko. then kinawayan niya ako. i was stuck at my location. di ako nakagalaw, parang tinuklaw ako ng ahas. grabe, hindi ko nga alam if i replied even a smile. i was still stuck hanggang sa pumasok na sila ng casaa (nasa labas kami). grabe ang feeling ko, yung pakiramdam ng hindi mo alam ang gagawin mo dahil hindi mo alam ang nangyayari.

i really don’t know if what happened kanina answered the mystery the keeps on running in my mind. i don’t wanna assume kasi. though OK lang naman kung mapahiya ako. i’m still wondering and in shock , though happy. :)

Posted in saloobin | 3 Comments »

bothered & eksenas…

Posted by jumel on June 18, 2008

*di ako makapag-aral sa tatlong subjects ko for TTh dahil bothered ako

*nakasabay ko sa jeep yung isang classmate ko na crush ko, hahaha

*sarado ang acad oval dahil sa centennial celebration, at naglakad lang ako papuntang MB; na-late ako ng kaunti

*nag-moment ako sa bus dahil sa isang kanta, hahaha

*na-realize ko lang kanina na sa babae lang pala ako kumakaway pag nakasalubong ko sila

*nag-fog yung eye glasses ko pagkababa ko mula sa aircon bus habang patawid ako (it blocked my sight, grabe, hahaha)

*hindi ko alam kung galit pa rin sakin yung seresa :(

Posted in wula lang | 8 Comments »

sixth enrolment and stuff…

Posted by jumel on June 6, 2008

ika-anim na pagkakataon na ako’y nag-enrol, at syempre eh pila ang karaniwang eksena (unibersidad ng pilahan?!?). at for the first time since first year ako, pumila ako ng matagal (matagal, mga tatlong oras lang naman) para lang sa isang GE course. wala na akong choice kasi kailangan ko talaga ng isa ang subject kahit 15 units lang ako. hehehe. medyo karma rin ata sakin yun kasi nakapag-enlist ako ng mas maaga sa dapat, kaso kulang pa ako ng subject. kahit isang subject lang sana, ayun, nakakuha ako nung third day. so I have three math subjects, one foreign language elective, one GE subject, one PE, at CWTS. Yey!

madami rin ako na-realize nung enrolment. tulad ng…

> gumawa ng plans ng mga dapat gawin

> kung pwede namang pumunta ahead of time, gawin niyo

> ang enrolment ay maihahalintulad sa isang box office na pelikula

> pwede nang maging breakfast at lunch ang tubig, magdala ng at least one liter

> magdala ng at least isang friend, nakakaboring sa isang mahabang pila kung mag-isa ka lang

> kung walang friend na pwede, magdala ng pwede mapaglibangan, like rubik’s

> magpaload at magcharge ng cellphone

> magdala ng ballpen

> worth ang paghihintay sa taong mahalaga sa’yo :)

ok, laban na kung laban! magsisimula ang pasukan. tama na muna ang landian, hahaha. aral muna! :)

Posted in wula lang | 5 Comments »

taff ten foods I eat INSIDE the house…

Posted by jumel on June 6, 2008

since may nagrequest nito (hi sau, hahaha), eto naman yung mga kinakain ko sa loob ng aking bahay…

Taff Ten: Home Made Burger

* after bumisita dito sa bahay namin yung uncle ko na German, ayun, gumagawa si mama minsan ng burger, depende kung trip niya, hehehe. at syempre, kulang ang burger saking pag walang keso. hahaha.

Taff Nain: Corned Beef

* medyo fan din ako ng corned beef pero hindi ko alam na may cooking variations din pala siya, hehehe.

Taff Eiht: Ground Pork

* nakow, pag eto ang ulam ko, puno ang plato ko ng kanin, hahaha. medyo masebo nga lang ang food pero ok lang, hehehe.

Taff Seben: Instant Pancit Canton

* feeling chinese ang trip ko kapag kumakain ako nito, eh naka-chopsticks kasi ako pag eto ang merienda ko, hahaha.

Taff Six: Golden Fried Rice with Hotdog Bits

* ang haba ng name niya kasi inimbento ko lang yan, hehehe. pwede nga siyang tawaging “Red and Gold Fried Rice”, hahaha. Bawal talaga ako ng oily foods pag morning dahil sa nagti-trigger siya ng acid attack sa tiyan ko. pero ok lang naman kung minsan lang, hehehe.

Taff Fayb: Dinuguan

* favorite ko talaga ‘to nung bata pa ako, kaso walang puto on the side pag kumakain niyan, hehehe.

Taff Pour: French Toast

* lately this year ko lang nalaman ang paggawa ng toast na yan. naisip ko nga minsan na bat di kaya chocolate instead of milk ang gamitin ko? hmm…

Taff Tree: Peanut Butter Sandwich

* ay eto talaga, pag naghanap ang dila ko ng peanut butter, nakow, makakarami ako ng Gardenia bread slices na may spread ng peanut butter, samahan mo pa ng strawberry juice, hahaha

Taff Too: Hotdog

* paborito ng mga bata, pwede ko siyang gawing ulam kahit sa isang linggo, hahaha

Taff One: Pinakbet

* pag eto ang ulam, nakow, tatlong beses ako kumukuha ng kanin, hahaha. may gulay at karne ka na, good combination, hehehe. eto rin sana yung gusto kong araling lutuin. hehehe…

Posted in taff natch | Leave a Comment »

TMJ effects…

Posted by jumel on June 5, 2008

ok, nagpa-x-ray na ako para sa TMJ disorder ko. ganda ng x-ray nila, hehehe. tapos nagpictorial pa kami. then may pictures pa ako na kinunan yung buong bunganga ko, hahaha. then may “sinukat” daw sakin. then after that, tapos na. hehehe. then nung diagnosis na, di ako sinama ng nanay ko kaya naka-summary na lang siya. sabi ni mama, may butas daw sa temporomandibular joint na nagpapasakit sa panga ko pag may kinakain akong hard type of foods. pati posture ko daw eh apektado. aside from posture, eto pa yung nararansan kong effects ng TMJ disorder:

*right shoulder pains (madalas mangawit)

*back pains (sa ibabang banda ng right shoulder)

*jaw pains (kahit di ako kumakain)

*neck pains (lalo na sa gabi)

*headaches (madalas siya ngayon)

ang treatment daw eh therapy. six months every 2 weeks. ikokonsult pa raw kay papa kasi medyo mahal. kaya tiis muna ako.

eh kung mamatay na lang kaya ako? para sa libing nlng ang gastos, hehehe

Posted in wula lang | 2 Comments »