in the stage of reforming myself…

mga walang kwentang kwento mula sa isang walang kwentang nilalang…

Archive for May, 2008

bleach 141…

Posted by jumel on May 25, 2008

“…There were a lot of things I wanted to do. I want to become a teacher. I want to become an astronaut. I wanted to go Thirty-One and say ‘I’ll have all of them please!’ I wished that I could live five times. That way, I could be born in five different cities, and enjoy food five different times, and have five different jobs. Also, I could fall in love with the same person five times…”

– Inoue Orihime, Bleach Episode 141 “Goodbye Halcyon Days”

grabe, I almost cried sa episode na ‘to. nakakatuwa dahil bihira lang ang mga gan’tong eksena sa isng anime. oh well. na-touch kasi ako sa sinabi ni Inoue, kaya ayan, ginawan ko ng quote. hai…

Posted in wula lang | 2 Comments »

Temporomandibular joint disorder…

Posted by jumel on May 24, 2008

kung nabasa niyo ito:

http://imshattered.wordpress.com/2008/05/05/my-shouldermy-head/

malamang eh magtanong kayo kung ano nga ba talaga yung nararamdaman kong shoulder pain.

at kamakailan lamang eh nasagot na ang mga agam-agam, ngunit sa di inaasahang pagkakataon, sa dentista ko ito nalaman. opo mga kanguso, sa isang dentist ko siya nalaman at hindi sa isang orthopedic. dito sa page sa ibaba niyo malalaman ang kasagutan

http://en.wikipedia.org/wiki/Temporomandibular_joint_disorder

also known as TMJ disorder, yan ang dahilan kung bakit kumikirot ang shoulders ko. medyo malayo nga naman ang panga sa balikat, pero basahin niyo na lang. hehehe.

sa lahat ng concern, maraming salamat. sa lahat nang natutuwa, matuwa lang kayo…

Posted in wula lang | Leave a Comment »

Rubik’s Cube Philippine Open 2008

Posted by jumel on May 22, 2008

sa wakas, makakasali na rin ako sa first rubik’s competition in my career. ahahaha. di kasi ako nakasali nung Diliman Open 2008 dahil sa finger injury ko. eh baka yun pa maging dahilan ng pagkatalo ko, at baka lumala pa’t di ko magamit ng tuluyan yung mga daliri ko, so i gave up the chance.

ngayon naman, eh patapos na ang paghahanda ko para sa RCPO08.

click the link below para sa schedule of events

http://philippinecubersassociation.org/competition/guidelines.php

at kung gusto mong sumali, click lang sa ibaba

http://philippinecubersassociation.org/competition/edituser.php

see you there! :)

Posted in wula lang | Leave a Comment »

taff seben places planned to visit…

Posted by jumel on May 16, 2008

inspired by ate _____ (host ng Landmarks, hehehe), narito ang listahan ng mga lugar na gusto ko puntahan… (specific locations)

Taff Seben: Boracay, Aklan, Philippines

*honestly, gusto ko na talaga makarating diyan, para naman ma-experience ko naman ang white sand, and syempre maramdaman ang “social ambience” dun, hehehe

Taff Six: Nile River

*ayon sa history books, dito raw nagsimula ang first civilization. at ito rin ang longest river in the world with a distance of 5584 km, hehehe

Taff Fayb: Alaska, United States

*i want to see “aurora”, hahaha (parang may mali :p)

Taff Pour: Easter Island, Chile

*matagal na ako nahihiwagaan sa mga statue sa islang ito kaya gusto ko rin silang makita. malalaki kasi ang mga statues na nandun na medyo imposibleng tao ang may gawa, at ang ipinagtataka rin ng mga scientists kung para saan ang mga statue na yun. hawak ngaun ng Chilean government ang isla

Taff Tree: Singapore

*gusto ko sana puntahan yung kakabukas lang na ferris wheel dun na kita mo raw ang ibang bansa pag nasa peak ka. pero no specific place talaga ang pupuntahan ko sa bansang ito. kaya nga raw siyang libutin ng taxi sa loob ng isang araw eh. ang problema ko lang eh kung kakasya ang budget ko sa pagpunta dito dahil nga sa maunlad nilang ekonomiya (sana nakuha niyo yun, hehehe)

Taff Too: Germany

*again, walang specific place sa Germany dahil gusto ko siyang libutin, hehehe. andito kasi yung tito at tita ko na nung nakaraang taon lang eh nagbakasyon dito samin. baka dun ako magtrabaho kung papalarin, hehehe

Taff One: Jumel, Somme, Picardie, France/ Jumel, Seine-Maritime, Haute-Normandie, France

*dalawa pala ang “Jumel” na lugar sa France at syempre, di ko palalampasin na di puntahan ang mga lugar na yan, para naman ma-discover ko kung anong misteryo ng lugar na yun at bakit yun yung pangalan niya, wehehe…

Posted in taff natch | 4 Comments »

…my shoulder…(my head?!?)

Posted by jumel on May 5, 2008

habang sinasagutan ko kanina sa blackboard yung isang problem sa quiz namin sa Math, biglang kumirot yung right shoulder ko.  mga ilang beses rin nangyari yun kaya napansin ako ng prof namin…

sir lemence: ano yan jumel, rayuma?

ako: sir may shoulder injury po kasi ako eh

sir lemence: ano ba yan, ang bata-bata mo pa may rayuma ka na

hmm, di naman yata rayuma ‘to, hehehe.  i remember nung may intense training ako sa badminton at kailangan ko gumamit ng heavy racket para sa muscles ng kanang braso ko.  maliban pa dun, di ko na maalala kung bakit siya sumasakit.  nasa left shoulder ko naman lagi ang strap ng bag ko.  hmm… pero nangyayari lang naman yung pagkirot pag matagal na-suspend ang kanang braso ko na mas mataas pa sa ulo ko.  well siguro tama si lurin, pero ang layo ng elbow area sa balikat.  sabi niya kasi, baka dahil sa Rubik’s.  ewan, hehehe.  hindi lang balikat ko ang kumirot kanina, pati left chest area ko.  again, mukhang heartburn siya.  pero mas malala ang attack kesa dati.  as in masakit na siya, at parang lindol na may aftershock, muhahaha.  oh well, sinisingil na ako ng katawan ko…

Posted in wula lang | 5 Comments »

taff ten things skills of a secret agent…

Posted by jumel on May 5, 2008

Hmm, in my opinion, meron akong konting skills bilang isang secret agent (ehem). At dahil sa may pagka-stalker ako kaya ko siguro na-acquire ang mga ganung skills. Na-inspire ako na gawin ang post na ito dahil sa napanood kong movie sa bus na “Casino Royale”, kaso di ko siya natapos dahil kailangan ko nang bumaba, hehehe. So heto na ang aking post, “Taff Ten Things Skills Of A Secret Agent”

Taff Ten: has an almost perfect vision

*hmm, kailangan eh malinaw lahat sa paningin ng isang agent, kahit gaano man kalayo ang subject

Taff Nain: knows how to memorize quickly

*may mga data kasi na sobrang delicate kaya dapat alam ito ng agent, at dapat eh mai-relate niya agad ito sa isang sitwasyon

Taff Eiht: knows to be an observer

*magkaibang bagay ang “nakakakita” sa “may nakikita”, yung pangalawa eh posible kahit hindi niya direktang tinitignan ang subject. mahalaga rin ang konsepto ng “peripheral vision”, kung saan “alam mong nakikita ka nila habang tinitignan ka nila ng di mo alam, hehehe

Taff Seben: a good listener

*hindi basta marunong siyang makinig, dapat eh kaya niyang makarinig ng “sensitive sounds”, yung tipong medyo mahina para sa normal na pandinig, hehehe

Taff Six: athletic

*hmm, obvious naman na kailangan ng isang agent ang isang healthy body di ba? hehehe. pero, sa mga mission eh kakailanganin niya ng lakas at endurance para maging successful siya

Taff Fayb: knows how to estimate

*time at distance estimation ang karaniwang ginagawa ng mga agents, dapat eh marunong silang mag-estimate dahil dito nakasalalay ang kanilang “general plan”

Taff Pour: resourceful

*of course, dapat eh alam ng isang agent kung saan pwede gamitin ang kanilang imagination para makagamit ng isang bagay. kahit ang tansan eh kayang magpasabog ng isang building…

Taff Tree: knows to drive

*syempre, pag hinahabol mo ang subject mo at may kotse sa tabi, you can use the car naman eh, kahit walang susi (go back to taff pour :p)

Taff Too: knows to run

*para di umabot sa nakawan ng kotse, dapat eh mabilis ka tumakbo. para mahabol ang subject or para sa mga “underestimated” things “that needs correction”

Taff One: thinks quickly

*and of course, para magawa mo lahat ng kritikal na desisyon na gagawin mo, you need to “think clearly and quickly”. quickly dahil mahirap bawiin ang pagkakamali sa isang iglap lang

Posted in taff natch | Leave a Comment »

repulsion…

Posted by jumel on May 5, 2008

well, being a loner for several times, madalas kong nararamdaman ang mga experiences ng mga magnet. ayon sa physics, unlike poles attract, like poles repel. yun yung nararamdaman ko, yung pangalawa. madalas sa kilos ng mga kasama ko na parang “they are pushing me away”. nasanay na naman ako sa mga ganung klaseng eksena pero kailan lang eh naranasan ko ito in terms of words. kahit sabihin niyo pang actions speak louder than words, iba pa rin ang pakiramdam kahit na “indirect” pa ang way ng pagsasabi nito sa’yo, lalo na for a very specific purpose. ewan ko lang kung naging praning ako para isipin ko na yun yung talagang purpose niya kaya nag-effort pa siya na sabihin sakin yun or what, pero dahil na nga siguro sa pressure na nadarama ko sa pagtupad sa isang pangakong hindi naman dapat minamadali. at kung ang counter-argument eh ang pagiging “big deal” nito, may mga tao talaga na sadyang pinahahalagahan ang mga maliliit na bagay na siya namang dapat eh binibigyang respeto ng iba. natutunan ko yun sa comm 3 pero hindi ko pa masyadong master dahil may mga tao pa rin akong nasasaktan sa mga pinaggagagawa ko. oh well, karma siguro ‘to, sana karmahin din sila, hehehe…

Posted in saloobin | 2 Comments »