medyo combination ‘to ng mga kaganapan kanina nung pauwi ako galing UP. unahin ko muna yung training part. currently kasi, nagsasanay ako para sa rubik’s cube competition na medyo malapit na. so kailangang mag-training. kailangan kasi, i have a minimum of two hours training, meaning kailangan ko magmemorize ng mga algorithms at mag-cube (of course). pero kung sumobra, hanggang three hours lang ako pwede. kung hindi, baka magka-injury na naman ako at hindi na naman makasali tulad nung nangyari nung diliman open. ok lang sana na masaktan ako, pero kung dahil dun eh babagal ang oras ko, para san pa’t sumali ako at lumaban? it’s just like going to the war without sufficient arms. well anyway, since almost one hour lang ako nag-training kanina bago ang physics class ko, kailangan ko ulit ng isa pang oras, so habang naghihintay ako ng jeep eh ginawa ko siya. eh saktong pagkakuha ko ng cube eh dumating naman yung jeep so no choice at sa jeep na ako nagsimulang mag-train. syempre, ang mga mata ng mga pasahero eh sakin nakatingin (totoo yun!). then nung nabuo ko yung cube for the second time, tinapik ako ng isang ale na may hawak na aso.
ale: how fast can you solve that? (burger! burger! burger!
)
ako: around thirty seconds po
ale: wala pa ngang one second eh (sabay tawa)
ako: (tawa rin ang gago)
then saka naman dumating si loraine, out of nowhere (joke loraine
)
ako: ano ginagawa mo rito?
rain: puntang philcoa
ako: ano gagawin mo dun?
rain: para makalimot
sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko na makalimot. at nagkwentuhan kami ng sandali tungkol sa “kalimot” thing na yun na bumabagabag sa aking isipan. muhahaha.
wala lang nai-share ko lang.
*moral lesson: ang mayabang, kinakarma. muhahaha :p
