in the stage of reforming myself…

mga walang kwentang kwento mula sa isang walang kwentang nilalang…

Archive for March, 2008

closure…

Posted by jumel on March 31, 2008

hindi ko alam pero pormal akong tao pagdating sa social life ko. kung may di tayo napagkasunduan, i’ll make sure na magkakaayos tayo, sa takdang panahon. kung may mga sinasabi ka na talagang über contradicting sa isa’t isa, hahabulin kita para i-explain sakin yun. pero kung talagang ayaw mo, hindi na kita mapipilit kung napilit na kita nung una pa lang.

closure, isang word na natutunan ko nung high school. para sakin, lahat ng bagay ay dapat matapos ng “pormal” kahit hindi nagsimula ng “pormal”. kumbaga eh, para alam ko, alam mo, at alam nilang lahat. mahirap balewalain ang mga nasa paligid mo dahil baka balewalain ka rin nila. kahit sabihin mong may “iba” pang tao diyan na pwedeng tumulong sa’yo.

sa ngayon, closure lang naman ang hinihingi ko sa isang taong nagkaroon ng mahalagang part sa buhay ko. she made me realize on some simple things. pero, hindi ko alam kung mapipilit ko pa siya sa ikatlong pagkakataon. gusto ko lang naman sanang malinawan. pero sino ba ako, kundi isang kaibigan niyang parang tuyong dahon na handa nang walisin sa ilalim ng puno…

Posted in saloobin | Leave a Comment »

alones…

Posted by jumel on March 29, 2008

Isa akong fan ng anime na Bleach, at isa sa kanilang opening song, pang-pito to be more specific, ay may pamagat na “Alones” na kinanta ng Aqua Times. Yes, hindi naman sila sikat dito sa Pilipinas eh, hehehe. Honestly, di ko pa nahahanap yung translated version ng kanta, Japanese kasi siya eh. Pero kahit ganun man, pinapakinggan ko pa rin siya as if naiintindihan ko, hahaha. With all honesty (kung meron man ako nun), I really feel alone since nag-college ako. Tatlo kaming nasa Diliman, pero yung isa eh medyo may problema (PM me for details). Yung isa naman, varsity ng track and field, so medyo di rin nagkakatamaan yung scheds namin, pero nagkita kami nung isang araw na pumasok ako at walang pasok, hehehe. Pagpasok ko sa Diliman, Stat ang first course ko, hindi ko sukat akalain na yung valedictorian namin nung elementary eh blockmate ko sa course na yun. Yet, medyo alone pa rin ako nun. Sa pagkakaalam ko, halos yung buong block nila eh may iisang Math class. Ibig sabihin, halos magkakaklase ang buong block na yun. Pero enjoy naman dahil may isang major subject na classmates ko ang buong block ko, at dun ko nakilala ang kauna-unahang taong kapareho ko ang birthday, hehehe. (kung sino ka man, wag mo ipagsabi ang birthday natin ah? :p) Dumating ang second sem, dito ko mas nakilala ang iba pang blocks sa Stat, kaya may mga classmates ako na taga ibang block. Enjoy din naman ako, hehehe. Pero still, may mga pagkakataon pa rin na nandun lang ako sa isang sulok. Nagshift ako ng course, ewan ko kung bakit, hehehe. May mga kilala na ako sa course na nilipatan ko. Pero iba pa rin kung isang taon na kayong magkasama di ba? Nakaramdam ulit ako ng pag-iisa, pero may mga friends naman akong nakita sa ibang mga subjects ko aside from my new major subject. Lalo pang na-expand ang social relationships ko sa new course ko nung mag-second sem. Dami ko nang kilala na kapareho ko ng course, yet hanggang kakilala ko lang sila. Ayoko rin maging feeling close, kasi baka layuan nila ako. Patapos na ang sem, and again, nakakaramdam pa rin ako ng pag-iisa. I have other friends, pero I still feel alone. Siguro di nga ako nakikisama or what. There are times kasi na nahihiya akong lumapit (may hiya factor din naman ako), and may mga pagkakataon na game akong lumapit sa kung sinu-sinong taon na sa pakiramdam ko eh magiging friend ko. That term again, friend. Mahirap i-define, mahirap din sabihin na friend mo nga ang isang tao. Siguro nga dahil sa lawak ng definition niya. Or dahil sa isang simpleng bagay lang ang “friendship” pero binibigyan ko ito ng komplikadong imahe. May magrereact na naman siguro na nakakaramdam ako ng pag-iisa dahil ginusto kong mag-isa. Well, dalawa lang naman yan. May mga taong gusto nating samahan, pero hindi natin alam kung gusto nila tayong sumama sa kanila. At ang isa pa, may mga taong gustong sumama sa’tin pero hindi rin natin alam kung ano ang pakay nila sa pagsama. Yes, I’m making it more complicated again. Pero, kesa naman pagsisihan natin sa huli yung mga desisyong gagawin natin di ba? I’m going back to one of my recent posts, ang tiwala, mahirap nang ibalik pag nasira na. Kaya sa simula pa lang, be cautious.

To wind this baby up, alam kong I will not be alone forever (duh!). Pero kung magkaganun man, I will still search for that person or group of persons na kayang makipagsabayan sa personalidad ko. *edited from Multiply :)

Posted in saloobin | Leave a Comment »

summer…

Posted by jumel on March 29, 2008

summer na, pero hindi ko pa bakasyon, huhuhu

my plans for summer (hanggang last day ng may :) )

1) summer classes – tuwing summer lang naman ginagawa yan eh, at kailangan kong maghabol

2) rubik’s cube training – kailangan nang mag-aral ng bagong algorithms sa robek’s cube para maging sub-25 seconds na ako

3) physical training – jogging every morning (kung kaya ko, just before my first class sa summer classes ko gagawin yun), tapos weights, at kung anu-ano pang ehersisyo.  kailangan yun para maging healthy

4) kumain ng halo-halo – i’m in search for the most ingredients in a halo-halo.  sana makakain ako nun

di ko pa alam yung ibang balak ko sa summer, maikli lang siya for sure.  and may mamimiss ako of course (aww…) :(

Posted in wula lang | Leave a Comment »

bitter endings…

Posted by jumel on March 28, 2008

ilang beses na akong nagmahal, at ilang beses na ring nabigo (actually, laging bigo, bwahaha) pero hindi naiisip ng mga tao sa paligid ko kung ano ang kinahihinatnan ng ugnayan naming dalawa, ng taong nagmahal at ang taong minahal. gumawa ako ng mga love story na medyo based sa tunay na nangyayari sa buhay ko (duh! hahaha) at nag-iimbento na lang ako ng endings. pero sa totoong buhay, nagiging masama ang katapusan ng ilan sa mga naging love story ng buhay ko. yung una, nagkahiwalay kami for about three years and then nagkausap kami nung high school via text and we’re OK na naman. yung isa naman, ayun, kahit na nasa iisang school lang kami, eh parang hindi namin kilala ang isa’t isa. kinulang sa closure yung nangyari samin, kaya ganito. yung isa naman, we’re good friends, nagkakatext kami, and ginagawa na lang naming biro yung “past” na yun.

yung sa isang love story na ginawa ko, “pinatay” ko yung bida sa kwento, hehehe. ang sama ko noh? bwahahaha. then dun sa isa, bitin naman yung kwento. as in nagkita na sila pero hanggang dun na lang yung sinulat ko. may mga nag-request, actually isa lang, wehehehe, na ituloy ko raw yung kwento. i’m thinking on it as of now.

ngayon naman, ginagawa ko yung longest story ever na nagawa ko. it’s actually about to separate stories na gagawan ko ng “meeting” story, or in short magkikita sila sa bandang climax ng kwento. so far eh hindi pa sila nagkikita, hehehe. bakasyon na naman so sana magawa ko na silang pagkitain.

i’m really concerned on what would the ending be, and pati na rin sa kwentong involved ako ngayon. pwede ko siya gawing bitter, or hindi. pero dapat ay sigurado ako sa gagawin ko, because i cannot open the chapter where the story finished.

ok lang naman sakin kung maging bitter ang ending, wala namang pakialam sakin yung “ibang” character sa kwento ko eh. oh well.

i still have two days to think of it, oops!

Posted in saloobin | Leave a Comment »

sama ng loob…

Posted by jumel on March 28, 2008

hinintay kita kanina, akala ko matutuloy ngayon

lumabas ka ng room, hindi ko alam kung nakita mo ako

tapos bigla kang aalis na parang wala kang pakialam na may naghihintay sa’yo

hindi naman ako galit

ang sakin lang

sana sinabi mo na hindi matutuloy ngayon

madami namang paraan eh

at maraming dahilan kung di mo nagawa yun

hindi ko alam kung gumaganti ka lang kasi nainis ka sakin nung isang araw dahil sa kakulitan ko

muntik na akong maiyak sa ginawa mo

pero pag di ko napigilan, baka dito na ako sa bahay umiyak

wala ka namang pakialam eh

kaibigan mo lang naman ako

sana mamatay na lang ako…

Posted in saloobin | 1 Comment »

pouring emotions…

Posted by jumel on March 27, 2008

Lately daw, napapansin na ng mga friends ko na parang balisa ako, malungkot, at nawiwirduhan na daw sila sakin. Di naman nila sinabi sakin yun directly pero alam kong yun ang nasa isip nila, dahil consciuous naman ako sa mga ginagawa ko, except pag nagiging emotional na ako. Well, lahat daw ng tao ay may tendency to be out of control pag masyado silang masaya or malungkot, na umaabot minsan sa pananakit sa iba ng di sinasadya o paggawa ng mga pananakit sa sarili. Sa ngayon, di ko alam kung malungkot ako or what. Napapansin ko kasi na pag nagsosolve ako ng cube tapos pumasok sa isip ko yung isang sitwasyon na malungkot, nawawala ako sa focus, kaya bumabagal ako. Up to now, I still can’t suppress my exaggerated feelings.

Malungkot siguro ako ngayon. Sino ba naman ang hindi malulungkot kung hindi mo na madalas makikita yung isang kaibigan mong naging part ng buhay mo’t maraming naitulong sa’yo? Oh well, eto na nga siguro yung punishment na ibibigay sakin mula sa Taas. Alam ko namang masaya siya sa pag-alis niya so masaya na rin dapat ako.

Hindi ko alam kung ano pa ang mga bumabagabag sakin. Acad pressure siguro, dahil I am not expected to fail. Hindi ko naman dapat nararamdaman ‘to pero dahil na nga siguro nagpabaya na ako kaya ganito. Hai.

I’m trying to be happy. Umayos daw ako. Life is more complicated than I thought of it, and it gets even more complicated. Happiness cannot be just felt in a single day. Siguro napaka-broad or abstract ng definition ko ng happiness kaya di ko siya makuha. Honestly, I still can’t define what that is. Pero alam ko kung kelan ako masaya. Ang di ko lang alam minsan, kung kelan ako malungkot. Buntong hininga ulit.

And my body reacts if I’m depressed or not. May heartburn kasi ako, at pag stressed ka, malamang sa malamang eh aatake ito. Masakit siya pag umaatake, sumisikip yung left chest area ko. Mapapamura ako minsan sa kirot, pero carry lang, hehehe. Nung tinanong ko ang friend kong chem major na kalbo, dapat daw eh namamaga yung esophagos area ko dahil gumagapang pataas yung acid mula sa tiyan ko. Sabi ko, di naman namamaga yung esophagus ko. So baka hindi heartburn ‘tong nararamdaman ko. Siguro isang cardiovascular ailment ‘to of some sort. Ayoko magpacheck-up baka sermonan na naman ako.

So there, I’m too emotional in the past few weeks. Siguro nga dahil sa kanya. Oh well, alam kong kakayanin ko ‘to. Buti nga hindi ko na naiisipan mag-suicide eh, pero I’m still searching for a bottle of formalin. Hahaha.

PS:
Pag masaya ako, tumatalon ako kung saan-saan, ngumingiti habang naglalakad mag-isa, at kung anu-ano pa. In short, naaaning ako. Pag malungkot naman ako, seryoso ang mukha ko, loner sa isang sulok, inaantok minsan, madalas magdabog at kung anu-ano pa. Sa madaling sabi, autistic. (may magrereact, hahaha)

PPS:
Pag sobrang saya ko tapos nalungkot ako bigla, matagal akong mahimasmasan. Ayun. Nasira yung momentom ko kanina. OK na sana eh, kaso di ko na naman nakontrol ang emosyon ko. :(

Posted in saloobin | 1 Comment »

wedding… (the conclusion)

Posted by jumel on March 26, 2008

nakita ko na yung partner ko several minutes before the wedding ceremony will start
maganda nga siya, as my cousin said, kahawig niya si bestfriend, at may pagkachinita ng kaunti (hi bestfriend!)
ang wedding at reception kasi ay sa hotel ginawa, package daw kasi
so nung in-assemble na nga kami, naganap na ang first encounter namin
actually, pagtabi ko pa lang sa kanya eh “nakasabit” na agad yung kamay niya sa left arm ko
nahiya naman ako siyempre
then nagsimula na tawagin ang entourage (shet, tama ba spelling? :p)
akala namin kami yung third natatawagin
then umover take na samin yung mga nasa likod namin
yung mga sponsors and stuff
then bride na yung tinawag, pero nandun pa rin kami sa labas ng function room
then tinawag na rin kami
naglakad kami, ang ikli lang pala ng lalakaran, hehehe
then naghiwalay na kami ni partner
ayoko na banggitin yung name niya, hehehe
at dun na nga natapos ang kontobersyal na kasalang iyon
the wedding ceremony was solemn, muntik ako maiyak, hehehe
sarap din ng chibog, :p
ayan, natapos na ang kwento ko
hindi ko alam kung magkikita pa kami ulit
at kahit papaano eh maging friends
cousin siya ng cousin ko (the bride) sa father’s side
kayo nang bahala kung mag-ano nga kami ni partner, wehehehe
so yun
mag-aaral pa ako sa math109
buwahahaha
signing-off…

Posted in wula lang | Leave a Comment »

may galit na naman sakin…

Posted by jumel on March 26, 2008

nag-joke ako sa isang girl___friend ko tru text
hindi ko akalain na maooffend pala siya
ang sama ko talaga
hindi ko man lang pinili yung mga words na sasabihin ko
hai
wala ako mapagsabihan kaya dito ko na lang sinabi
busy kasi silang lahat
hell week
hai
sana magkaayos na kami
:(

Posted in saloobin | Leave a Comment »

family ties…

Posted by jumel on March 24, 2008

honestly, i’m not that close to my family.  hindi ko kilala lahat ng pinsan ko.  ewan ko kung wala lang talaga akong enthusiasm para kilalanin ang mga kadugo ko.  pero kung sila naman ang lalapit sakin, ok lang.  mas kilala ko kasi yung nasa mother side ko and yung mga relatives ko dito sa manila.  sa iloilo kasi nagsimula ang love story ng mga magulang ko, but i was born here in manila.  yung sa father’s side ko naman, kilala ko rin yung iba pero mas konti sila.  apat silang magkakapatid nila papa, i forgot kung pang-ilan siya.  si mama naman, panglima sa labing-tatlong magkakapatid.  ang huling punta ko sa iloilo eh last year pa.  buhay pa naman sina lolo at lola sa mother’s side ko, though si lolo eh hindi na masyadong nakakalakad.  sabi nila, sa kanya ko raw nakuha ang height ko.  6-footer ata si lolo at ang kwento ni mama eh frustrated basketball player daw siya. hehehe.  wala ako masyadong nalaman na kwento kay lola kasi si lolo madalas ang kwento ni mama.  ganyan naman minsan ang mga daughters eh.  hehehe.  ayun.  sa mga first cousins ko, marami rin akong kilala.  medyo close sakin nung nasa province ako yung pinsan kong babae na anak ng bunsong kapatid nila mama.  kahit di ko siya maintindihan dahil nagbibisaya siya, getz ko naman siya.  pero hindi niya ako maintindihan minsan.  hehehe.  ayun.

siguro, kinulang kami sa exposure sa malawak na pamilya namin sa iloilo.  sabi nga ni mama, baka magkasalubong na lang kami not knowing na related kami by blood :)

FACT: Ang surname ko ay isang street sa Iloilo at ang middle name ko ay isang island sa Spain :)

Posted in wula lang | Leave a Comment »

my health

Posted by jumel on March 24, 2008

hmm…

ayoko sana ipaalam ‘to sa iba pero sasabihin ko na rin

medyo related ‘to dun sa isang post ko na ipopost ko pa lang

it seems naman na healthy ako.  pero lately, medyo napansin ko na i think i’m having health problems na.

una, my eyes blur more often these days.  sabi ng isang research, posible raw na dahil ito sa paglapot ng blood papunta sa mata ko due to sugar.  in short, diabetes ang possible reason.  ang pagkakaalam ko eh mababa ang sugar level ko, a little lower than normal.  it’s quite alarming pero eto na siguro ang paniningil ng katawan ko.

second, dumadalas na ang pananakit ng ulo ko.  dahil sa gutom minsan, pero feeling ko dahil sa over exposure ko sa TV at computer.  medyo related nga siya sa mga mata ko.

ikatlo, madali na akong mapagod kesa nung high school student pa ako.  i can play badminton in 2 straight hours, as in walang break of whatsoever.  ngaun, ilang takbuhan pa lang eh hinihingal na agad ako.

may oras naman ako para magpacheck-up.  pero tinatamad ako eh, hehehe.  so yun.  ayoko kasi sabihin ‘to sa mga magulang ko baka tadtarin na naman ako ng sermon.  oh well.  mag-eexercise naman ako sa bakasyon eh. :)

*EDITED:

i also feel heart palpitations.  dahil siguro nasobrahan ako ng caffeine nung isang linggo.  pero ewan ko, sa tuwing nagpapalpitate ako, naghahabol ako ng hininga.  ayun.  naidagdag ko lang. 

Posted in wula lang | Leave a Comment »

failing… (a prequel of something bad)

Posted by jumel on March 23, 2008

ipopost ko sana yung magiging results ng 2nd semester ko this school year 2007-2008.  kaso, di pa tapos dahil after ng “holy week” eh “hell week” naman.  we’ll dine in hell.

so bibigyan ko kayo ng preview.  una, i’m typing this right now AT THE SAME TIME iniisip ang speech ko bukas dahil wala pa akong nagagawa.  pero may draft na ako.  pero tinatamad rin ako.  9AM ang delivery ng speech ko bukas, final speech that is.  make or break ‘to dahil wala akong naipasang exam sa prof ko.  oh well, ganun talaga.  i hate AH, hahaha.

next naman, yung isang subject ko na hindi ko pinasukan ng 4 straight sessions.  kamusta naman yun di ba?  at sa tuwing papasok ako, laging postponed yung klase.  sarcastic db? hahaha.  then we had an exam.  may sagot naman ako sa paper ko.  pero di ko tlga alam yung ibang topic. finals na namin after ng speech ko, so gudluck.  agn isa ko pang problema eh yung projects na required ipasa, INC ang grade ko if di ko pa siya maipasa.  dalawang projects in one sem pero di ko pa nagagawa yung isa.  ganun din yung pangalawa.  gudluck dahil after ng finals, as in kinabukasan matapos ang madugong finals, ang pasahan nun.

then next is one of my majors, dahil consistent kami, in failing! (evil laugh) well, pasado naman yung first exam ko.  yung mga sumunod, yun! hehehe.  lalo na yung recent, grabe.  as in uber baba.  ayoko na sabihin kung ano score ko.  hehehe.  gudluck din sa finals namin, i need at least 15 points to pass.

may grade na ako sa isang subject, kaso i have the option to lift my grade up by a notch.  but if i fail to pass it, i fail that subject. hahaha.  so medyo naisip ko na baka hnd na lang ako mag-exam.  hehehe.

all my PE’s are done.  bahala na yun, hehehe.  then yung isang major ko pa, ok lang naman ako dun.  basta maipasa lang ang dalawa pang exam (5th LE at finals), papasa naman ako dun.

 so there you have it folks.  my status as of now is failing, kasi di ko pa ginagawa yung dapat kong gawin.  buwahahaha.  pero, i’ll still do them.  hehehe, ‘coz i’m not expected to fail. :) (hopefully)

Posted in wula lang | 2 Comments »

wedding…

Posted by jumel on March 23, 2008

ahm, hindi po ako yung ikakasal, yung pinsan ko

hehehe

well, isa daw ako sa mga grooms men (di ko sure role ko dahil biglaan, hahaha)

then pumunta sila kanina dito sa bahay

ang sabi ng cousin ko, maganda raw yung partner ko

sa mga bridesmaid yata manggagaling

ang problema

sinabi ng pinsan ko dun sa partner ko na gwapo daw yung partner niya

buwahahaha (evil laugh)

patay tayo jan

so yun

im thinking kung sabay kaming maglalakad sa isle

well sana magkausap kami nung girl na yun

i forgot her name eh

hehehe

wait niyo ang susunod na kabanata

(evil laugh ulit)

:p

Posted in wula lang | 2 Comments »

worst birthday ever… (from Multiply)

Posted by jumel on March 23, 2008

una sa lahat, sana wag kayong magalit kung hindi niyo alam ang birthday ko dahil personal task ko siya. i know kaartehan lang yun or what, pero right ko rin naman yun eh, db? hehehe. so here it goes. ang unang bumati talaga sakin (i consider yung una as yung bumati sakin first week of march pa lang) ay yung isang friend kong girl nung elementary. buti naalala niya, kahit na di ako sure sa bday niya, hehehe. next naman ang blockmate ko na kapareho ko pa ng bday. then nung mismong araw ng lecheng kaarawan ko, yung validectorian namin nung high school ang unang bumati sakin, midnight pa un ah, hehehe. then sumunod na yung ibang college friends ko. yung bestfriend ko, di ako binati. pero alam ko namang busy siya eh, so di ako nagtatampo, hehehe. im expecting a greeting from a special person pero naghintay ako hanggang magpalit ang araw, walang bati na dumating. ayun. ang alam ko sinabi ko sa kanya yun eh, at inaya ko siya na ilibre siya sa araw na yun. nakalimutan niya yata. ok lang naman sakin.

nagliwaliw ako nung araw na yun. inisip ko na may mangyayaring masama sakin kaya umalis ako ng bahay. naglibot sa mga eskinita ng isang busy street sa caloocan city. and sinusubukan kong alalahanin yung mga moments ko nung dumadaan pa ako dun. then naisipan ko mag-internet, dial-up lang kasi kami; no dial tone, no internet connection! so punta ako netopia sa isang mall. then naisipan ko na magsolve ng cube using an online timer. nagulat na lang ako na may kumpol na ng tao sa likod ko. pero syempre, dedma naman ang gwapo (san ang gwapo?). so medyo natuwa naman ako kasi may nanonod pero pressure yun eh, hahaha. then after ko manood ng bleach 127, umuwi na ako.

it was an ordinary day. sabi ko nga, sana di na lang dumaan yung araw na yun, wala rin namang kwenta eh. honestly, di ko na alam kung saan ako patungo. 19 years of existence and yet, i make the same mistakes. ang bobo ko talaga, kung hindi bobo, tanga, gago, stupido at kung anu-ano pa. sana matuto na ako sa mga pagkakamali ko. i don’t wanna waste tears again.

PS: bawal na ang late greetings, hehehe

Posted in saloobin | 1 Comment »

easter…

Posted by jumel on March 23, 2008

happy easter sa lahat!

i hope hindi lang si erika paula ang makakabasa nito

hehehe

medyo kulang pa ako sa funds para sa promotion ng blog na ito

at medyo cautious din ako dahil may stalker ako

hahaha

lalaki ang stalker ko

oops! tama na ang details, hahaha

ayun, basta wait lang kayo (sana talaga hindi lang si eka ang kausap ko :p) sa mga ipopost ko

hehehe

:)

Posted in wula lang | 3 Comments »

adjustments…

Posted by jumel on March 22, 2008

shet! ang hirap mag-adjust sa new environment na ‘to hahaha  oh well, magkakaoras naman ako after this coming hell week gudluck samin! advance happy easter to all! :)

Posted in wula lang | 1 Comment »

Hello Philippines, and hello world! :)

Posted by jumel on March 22, 2008

“Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!”

 yan yung unang post ko daw

 hahaha

well, I wanna thank Eka-friend kasi ni-recommend niya sakin tong site na ‘to (yung halo-halo natin ah? :p)

oh well, bagong bahay na naman ng mga blogs ko

i’ll be transferring my blogs from friendster and multiply in this site

 plus yung isang kwento ko na medyo malapit nang matapos

 hehehe

so there

welcome myself! hahaha :)

Posted in wula lang | 3 Comments »